Rose Flaminiano on Gabby Concepcion: "Sasampalin ko siya ng dokumento!"

Sep 15, 2008
"Sinasabi niya, peke ang kontrata ko, ilang beses na ba siya nagpakasal at pumirma ng marriage certificate? Ilang beses siya gumawa ng falsification of public documents kaya nakasuhan siya ng bigamy?" Mrs. Rose Flaminiano lashes out at Gabby Concepcion (inset) in response to the actor's accusations.

"Sasampalin ko siya ng dokumento! Nandiyan ang mga tseke at breakdown sa expenses!" maanghang na pahayag ng business manager ni Gabby Concepcion na si Mrs. Rose Flaminiano. Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang film producer at talent manager sa telepono upang hingin ang kanyang panig tungkol sa mga akusasyong ibinabato sa kanya ng aktor.

"Sinasabi niya, peke ang kontrata ko, ilang beses na ba siya nagpakasal at pumirma ng marriage certificate? Ilang beses siya gumawa ng falsification of public documents kaya nakasuhan siya ng bigamy?" buwelta pa ni Mrs. Flaminiano.

Hinihintay ng publiko ang kasagutan ni Mrs. Flaminiano sa mga ipinahayag ni Gabby sa The Buzz kahapon, September 14. (Click here to read related article.)

Nagpauna na rin ng statement si Mrs. Flaminiano sa The Buzz na nagsasabing kasinungalingan daw ang lahat ng sinabi ng alaga.

Dapat sana ay may presscon si Mrs. Flaminiano ngayong araw na ito, pero naurong ito sa Miyerkules, September 17. Punto por punto ay sasagutin daw niya at haharapin ang lahat ng akusasyon sa kanya ni Gabby. Nakatakda rin siyang mag-guest nang live sa The Buzz sa susunod na Linggo, September 21.

Continue reading below ↓

May statement pa ang film producer at talent manager na ipaglalaban niya ang kontrata niya kay Gabby. Hindi raw siya papayag na i-terminate ito ng aktor. May babala rin si Mommy Rose na ipapa-TRO (Temporary Restraining Order) niya kung sino man ang kukuha ng serbisyo ng aktor na wala siyang permiso.

Ayon naman sa isang nakikisimpatiya sa business manager ni Gabby, "Para siyang [Gabby] nakikipaglaban sa nanay niya. Hindi maganda sa artista yung nakikipag-away sa manager at nagmumukhang walang utang na loob, malaki ang nagiging epekto nito sa career niya."

Read Next
Read More Stories About
Gabby Concepcion
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Sinasabi niya, peke ang kontrata ko, ilang beses na ba siya nagpakasal at pumirma ng marriage certificate? Ilang beses siya gumawa ng falsification of public documents kaya nakasuhan siya ng bigamy?" Mrs. Rose Flaminiano lashes out at Gabby Concepcion (inset) in response to the actor's accusations.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results