Francine Prieto trims down, promises never to grow fat again

IMAGE 0


"Nagising na ako talaga! Balik ako sa diet atexercise. Nalokah naman ako kasi sa mga comments sa akin ng mga tao. Masakittanggapin pero yun ang totoo kasi, e. Promise ko sa sarili ko na never na akongmagpapataba nang gano'n ulit," says Francine Prieto.


Maagang nag-celebrate si Francine Prieto ng kanyang26th birthday. Ginanap ito last Wednesday (September 11) saAnnabel's Restaurant sa Tomas Morato, Quezon City. Sponsored ang party na itoni Francine ng ini-endorse niyang Ever Bilena cosmetics. Two years na ngang siFrancine ang endorser nila.

Sey ni Francine na kaya raw naging maaga ang partyniya ay baka may ibang plano siyang gawin sa mismong araw ng birthday niya on September 17.

"Hindi ko pa kasi alam ang mangyayari on that day.Baka kasi may taping ako or may raket na iba. Or baka magplano na lang ako ngibang gagawin with my family.

"Alam n'yo naman ako, inuuna ko talaga ang pamilyako over anything. Kaya nga gusto ko ay parati akong may trabaho para yung mgapangangailangan nila ay ma-meet ko parati."

Turning 26 na nga si Francine at bagama'tbata pa, feeling niya ay tumatanda na siya.

"Para sa isang artista, parang matanda na ang 26years old, di ba?" sabay tawa niya.

"Yung iba nga, mother roles na ang ginagawa sa edadna iyon. Nagpapasalamat naman ako na hindi pa ako inaalok na maging mother saTV or pelikula. As ako pa rin nila ako kunin, kaya thankful ako."

Malaki na nga ang ipinayat ni Francine dahilsinunod na raw niya ang payo ng kanyang mga kaibigan na magpa-slim down.Marami kasing bumatikos sa kanya noong nakaraang Bench fashion show dahilmalaki nga raw ang itinaba niya.

"Nagising na ako talaga!" tawa pa niya. "Balik akosa diet at exercise. Nalokah naman ako kasi sa mga comments sa akin ng mga tao.Masakit tanggapin pero yun ang totoo kasi, e.

"Ako naman, tanggap ko ang mga pintas sa akin. Kungtotoo ba, wala naman akong magagawa, di ba? Kaya heto, marami-raming taba narin ang nawala sa akin. Promise ko sa sarili ko na never na akong magpapataba nanggano'n ulit."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May isang regular series nga si Francine, ang Codename: Asero at may gag show pa siyangBubble Gang. Gusto nga sana niyang mulingmag-sitcom. Nami-miss na raw ng marami ang role niya bilang Jingle sakinanselang sitcom na Bahay Mo Ba ‘To.

"Tuwing nagsu-show ako sa mga probinsya, ‘Jingle'pa rin ang tawag nila sa akin. Malakas kasi ang dating noong character kongiyon, kaya nami-miss ko na rin.

"Sana nga magkaroon ulit ako ng sitcom kasi enjoyako sa gano'n. Mas lumalabas ang personality ko. Kengkoy kasi ako in real life,kahit malaki akong tao. Para nga raw akong babaeng Bondying, e," tawa pa FrancinePrieto.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN