Dennis Trillo dismisses intrigue that he is using Cristine Reyes to promote his movie

by Rose Garcia
Sep 15, 2008
"Hindi totoo yun. Unang-una, nakakalungkot isipin kasi ayoko naman sanang magsalita about that. Kasi ano, e, medyo nakakalungkot yung mga nasulat. At saka ever since naman, hindi ko ginamit yung personal kong buhay sa pag-promote ng kahit na ano," says Dennis Trillo about intrigue that he is using his breakup with Cristrine Reyes to create buzz for the movie I.T.A.L.Y.

Muling kinumpirma ng Showbiz Central kay Dennis Trillo ang isyung break na sila ng young actress na si Cristine Reyes. Unang inamin ni Dennis ang tungkol sa breakup nila ni Cristine sa press conference ng I.T.A.L.Y. (I Trust And Love You) noong September 1.

Sa taped interview ni Dennis sa Showbiz Central na ipinalabas kahapon, September 14, ipinaliwanag nitong, "Nagkataon lang kasi na presscon for I.T.A.L.Y., pero wala naman sana akong planong isiwalat sa lahat. Pero, siyempre, may mga nagtatanong. Siyempre, yung pagkakaroon ng relasyon, medyo kumplikado talaga ‘yan. Lalo na kapag nagkaroon ng relasyon na kasama mo rin sa showbiz. Siguro, nagawa ko rin yun to protect her."

Ngayong wala na sila ni Cristine, naka-move on na ba siya? Is he happy being single?

"Oo!" sagot niya. "Masaya, siyempre, mas focus ako ngayon, lalo na sa trabaho ko ngayon."

Yun nga lang, kahit sabihin pang hindi na sila romantically linked ni Cristine, may intrigang tila ginagamit daw niya ang dalaga para mapag-usapan ang movie niya ngayon na I.T.A.L.Y. Ano ang masasabi niya rito?

Continue reading below ↓

"Hindi totoo yun," tanggi ni Dennis. "Unang-una, nakakalungkot isipin kasi ayoko naman sanang magsalita about that. Kasi ano, e, medyo nakakalungkot yung mga nasulat. At saka ever since naman, hindi ko ginamit yung personal kong buhay sa pag-promote ng kahit na ano."

CARLENE'S NEW MAN. Kung si Dennis ay nagsasabing single siya ngayon, kabaligtaran naman ito sa ina ng kanyang anak na si Carlene Aguilar. Balitang may bago na itong boyfriend. Madalas raw nakikita ang lalaking ito every time na mag-perform si Carlene sa Celebrity Duets. Ano ang masasabi ni Dennis sa bagay na ito?

"Good for her talaga kasi bawat isa naman sa atin, may karapatan tayong maging masaya. May karapatan tayong maging maligaya sa mga buhay natin. So, kung yun ang nagpapasaya sa kanya, e, di okey, walang problema," saad ni Dennis.

Hindi naman daw nagiging problema sa kanilang dalawa ni Carlene ang paghahati ng oras at atensiyon para sa kanilang anak. In fact, si Dennis nga raw ang nag-asikaso ng birthday party ng kanilang one-year-old son na si Calix last Saturday, September 13.

Continue reading below ↓

"Yung party mismo, matagal na namin yung pinaghandaan, last year pa. Malaking party siya, pero for close friends and family lang dahil hindi naman showbiz yung anak ko.

"At saka, one year old pa lang siya. Ayokong mamulat siya sa mga ganitong bagay at an early age. Gusto kong maging special para sa kanya ang araw na yun," saad ni Dennis.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Hindi totoo yun. Unang-una, nakakalungkot isipin kasi ayoko naman sanang magsalita about that. Kasi ano, e, medyo nakakalungkot yung mga nasulat. At saka ever since naman, hindi ko ginamit yung personal kong buhay sa pag-promote ng kahit na ano," says Dennis Trillo about intrigue that he is using his breakup with Cristrine Reyes to create buzz for the movie I.T.A.L.Y.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results