Katrina Halili talks about contract dispute with Mother Lily

Sep 16, 2008
"Sa pagkakaalam ko po kasi, ang sabi ng attorney ko, wala na raw po. Kasi ang contract na pinirmahan ko sa Regal, four pictures in two years. So ang pagkakaintindi ko doon, magawa mo man o hindi yung apat na pictures na ‘yon, dapat okay na ‘yon in two years, hindi ba?" replies Katrina Halili when asked if she still has a contract with Regal Entertainment.

Nilinaw ni Katrina Halili ang tungkol sa balitang idedemanda siya ng Regal matriarch na si Lily Monteverde for breach of contract.

Kasalukuyan nang pinaplantsa ang unang pelikulang gagawin ni Katrina sa OctoArts Films, ang One Night Only na magiging star-studded ang cast. At kung magkakaproblema nga sa Regal ang sexy actress, posibleng magka-aberya ang pelikula na kalahok sa 2008 Metro Manila Film Festival.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Katrina sa Barrakz Bar, Tomas Morato Ave., Quezon City, at inusisa namin ang dalaga sa puno't dulo ng usaping ito.

"Iyong latest po ukol kay Mother Lily? Hindi ko pa po kasi nakakausap si Mother Lily, at saka yung attorney ko ay hindi ko pa rin nakakausap lately. Wala pa rin po akong alam," saad ni Katrina.

May kontrata pa ba siya sa Regal?

"Sa pagkakaalam ko po kasi, ang sabi ng attorney ko, wala na raw po. Kasi ang contract na pinirmahan ko sa Regal, four pictures in two years. So ang pagkakaintindi ko doon, magawa mo man o hindi yung apat na pictures na ‘yon, dapat okay na ‘yon in two years, hindi ba?

Continue reading below ↓

"So, ang pagkakaintindi ko, parang isa pa lang daw ang nagagawa kong movie, yung Gigil. Kasi yung Shake, Rattle & Roll, ano raw ‘yon, trilogy, so hindi ‘yon counted as one. And may ka-partner yata doon, kailangan daw ay under Regal lang. Kapag may ka-partner, hindi raw counted as Regal din, so parang isa pa lang daw ang nagagawa ko.

"Pinabasa ko sa attorney ko yung kontrata and sabi niya, oo raw, tapos na ang kontrata. Kasi four pictures in two years, e, and tapos na yung two years e. Sabi ng attorney ko, nag-usap na sila ng attorney ni Mother Lily," lahad ni Katrina.

Sinabi rin ni Katrina na handa siyang makipag-usap kay Mother Lily para maayos na ang gusot na ito.

"Oo naman po. Willing naman akong makipag-usap kay Mother. At saka, willing naman po ako kung pagagawin pa niya ako ng trabaho, e."

Itinuturing ba niyang may utang na loob siya sa Regal, kahit may misunderstanding sila sa kontrata ngayon?

Continue reading below ↓

"Oo naman po," sagot ni Katrina. "Si Mother pa, mahal na mahal ko naman siya, e. At saka sa akin naman po, puwede namang pag-usapan ang lahat ng bagay, e, puwedeng pag-usapan ang lahat ng isyu. At saka hindi naman ako masama na, ‘Ay, hindi na ako gagawa ng pelikula sa Regal!' Hindi naman po ako ganoon, e.

"Kasi ang nangyari talaga, medyo na-stuck ako, e, parang wala akong ginagawang movie. So, parang sabi ko, gusto kong gumawa ng movie. And tiningnan ko yung contract ko kung puwede na akong tumanggap ng iba, kasi maraming offers sa akin sa ibang production na gusto ko naman sanang gumawa, pero hindi ako makagawa.

"So, nang tiningnan ko ang contract ko, tapos na. ‘Tapos pinabasa ko sa aking attorney, si Atty. Raymond Palad, and sabi niya ay tapos na raw talaga. Pero sabi ko nga po ngayon lang, handa pa rin akong gumawa ng movie sa Regal at love ko naman si Mother, kaya sa tingin ko ay wala naman dapat maging problema e," pagtatapos ni Katrina.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Katrina Halili, Lily Monteverde
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Sa pagkakaalam ko po kasi, ang sabi ng attorney ko, wala na raw po. Kasi ang contract na pinirmahan ko sa Regal, four pictures in two years. So ang pagkakaintindi ko doon, magawa mo man o hindi yung apat na pictures na ‘yon, dapat okay na ‘yon in two years, hindi ba?" replies Katrina Halili when asked if she still has a contract with Regal Entertainment.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results