Manny Pacquiao confident about his fight against Oscar dela Hoya

by Rose Garcia
Sep 15, 2008
"Wala akong pag-alinlangan at pagdadalawang-isip na matatalo ako sa fight. Kasi kung iisipin mo yun, parang dini-discourage mo ang sarili mo. Ang palagi ko kasing iniisip, kaya ko, lahat kaya ko. Kasi alam ko na guided ako ng Mahal na Panginoon," says Manny Pacquiao about his upcoming match against Oscar dela Hoya.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay humarap ni Manny Pacquiao sa Central Jury ng Showbiz Central kahapon, September 14, kung saan inabangan ng marami kung kakayanin ding i-knockout ng Pambansang Kamao ang isa man sa Killer Question o Killer Task na nag-aabang sa kanya.

Umpisa pa lang, kung sa mga laban niya sa loob ng ring ay hindi nagpapakita ng kaba si Manny, sa pagharap niya sa Central Jury ay natatawa nitong inamin na: "Kinakabahan naman ako sa mga tanong."

Marahil para ma-relax si Manny ay pinuri muna ng host na si Rufa Mae Quinto ang boxing champ at sinabing ang cute-cute daw ni Manny nang hapon na yun. Gandang-ganda rin si Rufa Mae sa polo at sweatshirt ni Manny.

Unang tanong kay Manny ay kung totoo ba na ang laban niya kay Oscar dela Hoya sa December 6, 2008 ay magiging huling laban na niya at pagkatapos nito ay magreretiro na siya.

Continue reading below ↓

"Hindi naman," sagot ni Manny. "Yung mother ko, gusto niya, last fight ko na yung December 6. Pero sabi ko, ‘Ma, malakas pa siguro ako. At kaya ko pang lumaban ng mga ilang laban.' Siguro, malapit na rin, darating na rin ang panahon na magre-retiro na ako."

Sabi naman ni Rufa Mae, sobra raw focused si Manny kapag nag-eensayo at sobra raw nitong kina-career ang laban nito.

"Ganoon talaga ako. Yun man lang, sa isang negosyante, ang puhunan nila pera. Ako naman, ang puhunan ko bilang boksingero para manalo sa fight ay yung pagtitiyaga ko at sakripisyo para manalo sa training," paliwanag ni Manny.

Sa kabila ng sinasabi niyang pag-focus niya sa ensayo, may mga lumalabas na balita na nagagawa pa rin daw gumimik ng Pambansang Kamao. Totoo ba ito?

"Well, dati gumigimik ako pagkatapos ng fight," pag-amin ni Manny.

Natawa si Rufa Mae na hindi raw niya masabi ng direkta ang tanong. So, tinanong na lang nito si Manny kung ano ang ginagawa nitong gimmick.

Continue reading below ↓

"Siguro dati kasi, yung mga kaibigan ko, mahilig maglabas-labas, so sumasama ako sa kanila. Pero ngayon, iniwasan ko na yung mga ganoong bagay dahil I realized na isa na akong ama. At yung pamilya ko, maapektuhan sa kung anuman ang mga ginagawa ko," pahayag niya.

Kinagabihan ay umalis na ng bansa si Manny para maghanda muli para sa laban niya kay dela Hoya. Kaugnay nito, tinanong naman ni Mo Twister si Manny kung gaano siya ka-confident na uuwi siyang muli rito sa Pilipinas bilang winner sa kanilang laban sa December 6.

"Wala akong pag-alinlangan at pagdadalawang-isip na matatalo ako sa fight," sagot ni Manny. "Kasi kung iisipin mo yun, parang dini-discourage mo ang sarili mo. Ang palagi ko kasing iniisip, kaya ko, lahat kaya ko. Kasi alam ko na guided ako ng Mahal na Panginoon."

May special strategy kaya si Manny dahil si Oscar dela Hoya ang makakalaban niya?

"Wala sa laki ng katawan ‘yan," sagot ni Manny na mas maliit kesa kay dela Hoya.

Continue reading below ↓

MANNY AS A FAMILY MAN. Kinumusta naman ni Ruffa Mae kay Manny ang asawa nitong si Jinkee Pacquiao, na apat na buwang buntis sa panga-apat nilang anak. Balitang babae ang dinadala ngayon ni Jinkee sa kanyang sinapupunan. Ano ang pakiramdam ni Manny na magiging dalawa na ang kanyang anak na babae?

"Masaya!" bulalas niya. "Kasi, perfect ang pagkakagawa ko. Dalawang lalaki, ‘tapos dalawang babae naman na sunod. Nagkatotoo na sabi ko, dalawang lalaki, dalawang babae."

Speaking of Jinkee, naging solid supporter naman daw ang asawa sa kanyang career. Pero masasabi ba ni Manny na nagkaroon sila ng malaking away ni Jinkee dahil sa mga intriga?

"Marami!" natatawang pag-amin ni Manny.

Pero ayaw sagutin ni Manny nang tanungin siya ni Rufa Mae kung ano ang isang intriga na pinag-awayan nila nang husto. "Ako kasi, kapag nag-aaway kami, kapag inaaway ako ng misis ko, mas lalo siyang nagagalit. Tinatawanan ko lang siya at tumatawa ako," lahad ni Manny.

Continue reading below ↓

THE KILLER QUESTION. Inulit ni Manny ang sinabi niya sa umpisa na parang kinakabahan siya noong nabasa niya ang Killer Question at Killer Task. Sa huli, ang pinili ni Manny ay ang Killer Question, pero sabay sabi na, "Tama ba itong pinili ko?" habang tumatawa.

Ito ang Killer Question para kay Manny: "Simula nang maging public figure ka, napakarami na rin ang humanga sa ‘yo dahil sa mga karangalang naibigay mo sa bansa kaya hindi na rin maiiwasan kung maraming babae ang nahuhumaling or nali-link sa ‘yo. Among the girls na nali-link sa ‘yo, sino sa kanila ang pinaka-pinagselosan ng asawa mong si Jinkee?"

"'Yang Misis ko, nagagalit ‘yan kapag nahuhuli ka sa text!" tawa ni Manny. "Like, ‘ingat ka...' Among those girls na nakilala ko, isa sa kanila."

"Secret," ang unang sagot ni Manny when Mo asked kung sino sa mga babaeng na-link sa kanya at kung taga-showbiz din ba ito. Pero ipinaalala ng dalawang host na hindi puwedeng secret dahil yun ang secret question na kailangang ma-reveal.

Continue reading below ↓

Kaya sinagot naman ito ni Manny ng, "Non-showbiz."

Sa huli, natatawang inamin ni Manny na, "Alam n'yo, pinakaba n'yo ako! Sa fight, hindi ako kinakabahan. Pero dito, pinakaba n'yo ako!"
Read Next
Read More Stories About
Manny Pacquiao, Jinkee Pacquiao
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Wala akong pag-alinlangan at pagdadalawang-isip na matatalo ako sa fight. Kasi kung iisipin mo yun, parang dini-discourage mo ang sarili mo. Ang palagi ko kasing iniisip, kaya ko, lahat kaya ko. Kasi alam ko na guided ako ng Mahal na Panginoon," says Manny Pacquiao about his upcoming match against Oscar dela Hoya.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results