Gladys Reyes back to work after giving birth

by Rose Garcia
Sep 16, 2008
"Ang sa akin naman, ano ba, maarte pa ba ‘ko ng hindi tama? Ha-ha-ha! May bagong bahay, so, malaki ang maintenance. So, siyempre, huwag tayong umarte," says Gladys Reyes about her comedy-contravida role in La Lola. Gladys and her family—husband Christopher Roxas, son Christophe and newly born Gianna Aquisha Sommereux—just moved into their P4M house this September 1.

Dinalaw ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Gladys Reyes sa bago nilang bahay ng husband niyang si Christopher Roxas sa Vista Verde, Cainta, Rizal, noong Linggo, September 14. Dalawang buwan pa lang ang nakalilipas mula nang ipinanganak ni Gladys ang kanyang second child na si Gianna Aquisha Sommereux.

FOUR-MILLION PESO HOME. Magkasabay na idinaos ang dedication ni Aquisha at ang second birthday ng pamangkin ni Gladys na si Sophia. Dahil Iglesia Ni Kristo ang kanilang simbahan, walang mga ninong at ninang sa dedication nila; isang simpleng prayer lang for their daughter ang ginanap noong umaga ng Linggo sa kanilang simbahan.

Caesarean section nai-deliver ni Gladys ang kanyang anak, ngunit parang hindi ito nanganak. Bilang may-ari ng bahay, siya ang punong-aligaga sa pag-eestima ng mga bisita.

"Two months pa lang! At parang napaka-busy mommy ko nga kasi. Sabi nga nila, ‘Parang hindi ka CS na nanganak,' kasi, napakataas ng energy ko. ‘Tapos, hands-on pa ako sa pagre-renovate ng bahay. Kulang na nga lang, ako na rin ang magkarpintero para makatapid! Kasi, yung mga batu-bato na nakikita n'yo na ‘yan, ako lang ang naglagay, at saka, sina mommy at tita ko. Kami lang ang nag-landscape niyan dahil walang budget ang lola n'yo," tawa nang tawa niyang sabi.

Continue reading below ↓

Noong September 1 lang daw sila nakalipat sa bagong bahay na hindi naman itinago ni Gladys na worth four million pesos. Pero, mahigit isang milyon pa rin daw siguro ang aabutin na gastos for renovation. Katas daw ng savings nila ni Chris, at ng negosyo pa rin nilang K.S.A., ang perang ipinambili nila rito.

Maganda ang bago nilang bahay, bukod sa malaki rin ito with six bedrooms.

"Maganda kasi ang pagkakakuha namin. ‘Tapos, reasonable ang price. Kumbaga, ito ang perfect na hinahanap kong space kasi, since may mga anak ako. Maluwag yung tatakbuhan nila. Hindi nakaka-suffocate. ‘Tapos, parang refreshing. Fresh pa ang hangin. Hindi katulad noong nasa siyudad ka. At the same time, malapit din sa work kasi, noong nasa south kami, sobrang laki talaga ng nauubos namin sa gasoline pa lang."

COMIC CONTRAVIDA IN LA LOLA. Masaya naman si Gladys dahil after two months lang simula nang makapanganak siya ay balik-trabaho na naman siya. Kasama nga siya sa bagong primetime series ng GMA-7 na La Lola.

Continue reading below ↓

"Well, masaya naman ako na may bago akong work. Sa La lola, madalas kong kaeksena si JC de Vera kasi tita niya ako rito. Hindi naman siya super-kontrabida talaga, kasi kung mapapansin n'yo, simula nang maging mom ako, medyo nag-lie-low rin ako sa pagiging kontrabida. More on may pagka-comedy ang pagka-kontrabida ko.

"Dito naman, may touch of comedy pa rin at may puso pa rin. Yung taray ko rito, hindi taray na seryoso. Medyo over-protective lang ako sa kanya rito."

Pinaalaala ng PEP kay Gladys na noong buntis pa lang siya, na-mention niya na kung siya ang masusunod, tila type na rin niyang bumalik sa dating seryosong kontrabida roles na ginagawa niya noon.

"Oo nga, e, kaso ito ang unang dumating. Ang sa akin naman, ano ba, umarte pa ba ako ng hindi tama? Ha-ha-ha! May bagong bahay, so, malaki ang maintenance. So, siyempre, huwag tayong umarte.

"Pero sabi ko nga, given a chance na mapagbibigyan akong makapamili talaga, gusto ko nga na isang matindihan talaga, kung mabibigyan ako ulit ng break. Kasi, gusto ko ngang mailabas yung pagka-maldita ko ulit. Yung talagang todo!"

Continue reading below ↓

Pero inaalala rin daw niya ang mga anak, especially si Christophe na toddler na.

"Yung wino-worry ko lang din talaga ro'n, baka matakot ang anak ko kapag napanood niya. Baka magalit siya sa akin ng totoo. Siyempre, yung mga bata, hindi mo naman ma-explain sa kanila na, ‘Ay naku, ano lang yun, acting lang yun, anak!" natatawa pa niyang sabi.

Read Next
Read More Stories About
gladys reyes
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Ang sa akin naman, ano ba, maarte pa ba ‘ko ng hindi tama? Ha-ha-ha! May bagong bahay, so, malaki ang maintenance. So, siyempre, huwag tayong umarte," says Gladys Reyes about her comedy-contravida role in La Lola. Gladys and her family—husband Christopher Roxas, son Christophe and newly born Gianna Aquisha Sommereux—just moved into their P4M house this September 1.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results