Mylene Dizon and Paolo Paraiso want another baby boy

by Rose Garcia
Sep 16, 2008
"E, kung ako ang tatanungin mo, gusto ko boy pa rin! Si Paolo rin, boy rin ang gusto niya," expressed Mylene Dizon when asked about her second baby. She's now two months pregnant.

Kahit two months nang buntis, walang angal si Mylene Dizon na naupo ng more than one hour bilang si Dyangga sa Grand Fans' Day ng Dyesebel noong Linggo, September 14, sa SOP. Siyempre pa, suut-suot nito ang kanyang mermaid costume.

Hindi pa gaanong halata ang ipinagbubuntis ni Mylene dahil two months pa nga lang naman ito. Pero kapansin-pansin na hindi iniiwan ni Paolo Paraiso si Mylene at matiyaga itong naghintay sa ina ng kanilang pangalawang anak during SOP.

Nang lapitan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Mylene for an interview, tumanggi agad ito. Aniya, "Huwag n'yo na akong interbyuhin. Alam ko naman na kung ano ang itatanong n'yo. 'Wa na!" nakangiting pakiusap nito sa PEP.

Itinuro niya ang naghihintay na si Paolo, siya na lang daw ang interbyuhin namin.

TOO "LAZY". Pero nakuha pa rin ng PEP na mapagsalita si Mylene nang kumustahin namin siya. Sabi ni Mylene, tamad na tamad daw siya ngayon.

Continue reading below ↓

"Yun ang mga pagbabago sa akin. Ang tamad ko! Grabe! Kaya tinatamad akong sumagot ng mga tanong!" natatawa niyang sabi.

Hindi raw uso ang paglilihi kay Mylene. Hindi raw niya ito naranasan nang ipagbuntis niya ang panganay nilang dalawa ni Paolo na si Tomas. Kahit naman daw sa pagbubuntis niya ngayon, hindi rin daw siya nakakaranas ng lihi. Pero ang kaibahan lang daw talaga ngayon ay ang palagi niyang pagiging tamad.

Sabi namin, baka ngayon babae na ang magiging kapatid ni Tomas. Kinontra naman ito agad ni Mylene sa pagsasabing boy pa rin ang type nila ni Paolo.

"E, kung ako ang tatanungin mo, gusto ko boy pa rin! Si Paolo rin, boy rin ang gusto niya."

Puwedeng sabihin na timing din ang pagbubuntis ni Mylene dahil hindi naman ito makakaapekto sa kasalukuyang primetime series niya sa GMA-7, ang Dyesebel, dahil in a month's time ay magtatapos na ito.

May gagawin naman daw siyang movie sa Regal Entertainment, ang Shake, Rattle & Roll X. Ayon kay Mylene, tuloy pa rin siya rito lalo pa nga't hindi pa naman halata ang kanyang pagbubuntis.

Continue reading below ↓

PAOLO'S PLAN. Dahil nakita ng PEP si Paolo na nakabantay sa kanya, tinanong namin kay Mylene kung anong masasabi niya sa sinasabi nitong plano siyang ligawang muli?

Pero umiral na naman ang sinasabi niyang "katamaran" daw niya: "Ayokong sagutin."

So, we told Mylene na isusulat na lang namin na ayaw niyang sagutin. Maagap naman nitong humirit, "Ayokong sagutin ang tanong. Yung tanong ang ayokong sagutin, ha?" Mabuti't nilinaw ng aktres.

Read Next
Read More Stories About
Mylene Dizon, Paolo Paraiso
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"E, kung ako ang tatanungin mo, gusto ko boy pa rin! Si Paolo rin, boy rin ang gusto niya," expressed Mylene Dizon when asked about her second baby. She's now two months pregnant.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results