Rose Flaminiano answers Gabby Concepcion's accusations

Sep 16, 2008
The feud between Mrs. Rose Flaminiano and her talent Gabby Concepcion (inset) escalates as the business manager answers the actor's accusations against her. She is also set to file P15-M damages against Gabby today.

Nakatakdang magsampa ng kaso ngayong hapon, September 16, ang business manager ni Gabby Concepcion na si Mrs. Rose Flaminiano ng specific performance with P20-M damages and with Preliminary Injunction (TRO) dahil pinapa-terminate na ni Gabby ang kanilang management contract.

Hindi ang asawa ni Mrs. Flaminiano na si Atty. Ed Flaminiano ang kinuha nitong lawyer kundi si Atty. Bonifacio Alentajan, para hindi sila paratangang mag-asawa na magkasabwat at pinagtutulungan ang aktor.

Punto por punto ay sinagot ni Mrs. Flaminiano ang katanungan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa pamamagitan ng telepono kaugnay ng mga akusasyon ni Gabby sa panayam nito sa The Buzz noong Linggo, September 14. (Click here for related article.)

Una rito ay ang reklamo ni Gabby na hindi niya ipinaalam na isa siya sa producer sa concert niya sa Music Museum noong August 15 and 16, at sa 20 key cities na gagawin niya.

"Alam niya na mag-i-invest ako ng pera sa producer [Arleen Lipana] sa Music Museum. Bilang manager niya, nagmamalasakit ako na magtuluy-tuloy ang singing career niya. May masama ba kung ako ang mag-produce ng show niya? Three hundred thousand pesos ang TF niya that time, maliit pa ba yung TF na yun? Salbahe ‘yang si Gabby at binubutasan ako ngayon!" panimula ni Mrs. Flaminiano.

Continue reading below ↓

Dito na pumapasok yung isyu na nag-text si Gabby kay Mrs. Flaminiano ng "Ako na lang ang magpo-produce ng show ko, usap tayo." Ito raw ang text ni Gabo kinabukasan after nilang mag-dinner at makita niya ang kontrata na co-producer si Mrs. Flaminiano sa 20 key cities concert niya. Hanggang mabago ang usapan na sosyo silang tatlo sa mga concert sa mga probinsiya basta't kay Gabby yung sampung cities at siya ang mamimili kung anu-ano ang mga ito.

Ang gusto naman daw ni Mrs. Flaminiano ay idaan sa raffle dahil unfair daw kung hindi mataong probinsiya ang mapunta kina Mrs. Flaminiano at kunin lahat ni Gabby ang mga mataong siyudad, gaya ng Cebu, Davao, Baguio, Dagupan, at Olongapo.

Pero nagbago na naman daw ang decision si Gabby. Nagpasabi ang aktor sa road manager niya na si Joy na hindi na siya ang magpo-produce ng show niya. Basta't bayaran diumano siya ng P800,000 per show.

Continue reading below ↓

GABBY'S COMPLAINTS. Inireklamo rin ni Gabby ang hindi pag-aasikaso diumano ni Mrs. Flaminiano ng kanyang tax sa Bureau of Internal Revenue (BIR), pati na rin ang Alien Certificate Employment nito.

Ayon kay Gabby sa panayam sa kanya ng The Buzz, "Meron na raw siyang [Mrs. Flaminiano] nakuhang TIN [Tax Identification Number] para sa akin. Okey na yun. In fact, nakuha ko pa nga yung TIN. Hinanap ko, e. Nakita ko yung TIN. Pero ang kuwento is, may na-file na ba sa BIR? Wala pa akong pinipirmahan na kahit na ano. Parati ko siyang tinatanong tungkol doon."

Dagdag pa ng aktor, ang sabi raw sa kanya ng kanyang business manager ay ito na raw ang bahalang mag-aasikaso ng tax niya sa BIR.

Ano ang masasabi ni Mrs. Flaminiano rito?

"Binigyan ko siya ng TIN dahil kailangan sa passbook niya. Sabi niya sa akin, may accountant siya kaya hinayaan ko na siya. I'm not an accountant para ako mag-asikaso ng BIR niya."

Continue reading below ↓

Tungkol naman sa Alien Certificate Employment, sinabi ni Gabby sa The Buzz na, "Balita ko, napadalhan na raw ako ng memo, although I didn't see that memo. Kaya nagpunta ako doon [Bureau of Immigration], diretso. Ako na mismo, katawan ko mismo. Nagpunta ako run at nag-apply ako. At kinuha ko na ang aking dual citizenship. Okey na ako doon."

Ito naman ang sagot ni Mrs. Flaminiano: "Sabi niya sa akin may dual citizenship siya, three months na yata o four months sa kanya. Hindi rin po ako taga-Immigration para ako ang mag-asikaso niyan. Bakit sa akin, itinutusok ‘yan ngayon? Nandiyan ang asawa niya, bakit hindi niya ipaasikaso dun? Marami rin akong ginagawa. Ako ang nagpapaakyat ng pera sa kanya. Sa 20 percent na komisyon ko sa kanya, sakop din ba yun ng trabaho ko? Nasa kontrata ba na aayusin ko ang Immigration niya?"

May isa pa raw nirereklamo si Gabby noong August 30 show. Hiningi niya raw ang kontrata sa producer at nakita niyang iba ang halaga na nakalagay kesa sa pinirmahan niya. Ayon kay Gabby, ang pinirmahan niya ay P125,000, pero ang nasa kontrata ay P150,000.

Continue reading below ↓

Sabi naman ni Mrs. Flaminiano, dito na raw pumapasok ang "patong system" na ang P25,000 ay para sa booking agent. Isang normal na kalakaran sa showbiz para kumita naman yung mga nagbu-book ng show. Kumbaga, malinis na P125,000 lang talaga ang mapupunta kina Gabby at Mrs. Flaminiano, pero P150,000 ang kontratang mapupunta sa producer.

Hindi ba ito ipinaliwanag ni Mrs. Flaminiano kay Gabby ?


"Alam niya ‘yan. Eto na lang ang logic diyan, may 11 million [pesos] na ipinasok kong kita sa kanya. May pirma siya dun. Kung lalamangan ko siya, dapat dun na lang ako kumuha. Bakit sa twenty-five thousand lang? I don't believe it, nakakahiya!" sambit ni Mrs. Flaminiano na hindi makapaniwala sa mga sinabi Gabby sa The Buzz.

Kinukuwestiyon din ni Gabby ang discrepancy sa date ng kontrata nila ni Mrs. Flaminiano. Ayon sa aktor, pinirmahan daw niya ang contract noong January 2008 sa San Ramon, California. Pagdating daw dito ay humingi siya ng kopya ng kontrata at nakita niyang notaryado na ito at iba na ang date: April 1, 2008.

Continue reading below ↓

Paliwanag ni Mrs. Flaminiano, "March 30 dumating si Gabby. April 1 nag-lunch siya sa bahay. Pinirmahan niya ang kontrata. Kung sasabihing fake yung pirma niya, ipapa-oath ko ‘yan. Puwede siyang kasuhan ng perjury. Hindi naman siya illiterate para hindi alam ang pinirmahan niya. Malaki na siya, matanda na siya, alam na niya ang pinipirmahan niya. Kung hindi nakalagay doon ang San Ramon at Quezon City ang nakita niya, dapat nagreklamo na siya noon pa man."

Nakatakdang humarap si Mrs. Flaminiano sa isang presscon bukas, September 17, para isambulat ang kanyang panig sa isyu sa kanila ni Gabby.

Read Next
Read More Stories About
Gabby Concepcion
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The feud between Mrs. Rose Flaminiano and her talent Gabby Concepcion (inset) escalates as the business manager answers the actor's accusations against her. She is also set to file P15-M damages against Gabby today.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results