Katrina Halili plays along with her detractors

IMAGE 0


"Well, hindi ko nga sila iniintindi. Gusto ko lang silangasarin. Kahit ayaw nila akong panoorin, sabihin nilang hindi ko bagay angmagbida, wala silang pakialam. Mapapanood pa rin nila ko na hindi kontrabida!"says Katrina Halili to her detractors.



Bukas, September 17, magsisimula nang mag-taping si KatrinaHalili para sa pinakabago niyang primetime series sa GMA-7, ang Gagambino. Itoang ibinalita mismo ni Katrina sa PEP (Philippine Entertainment Portal) nangmakausap namin siya sa SOP last Sunday, September 14.

Tulad ng nasa title role na si Dennis Trillo, may powers dindaw si Katrina sa Gagambino.

"Well, actually, magkaka-power. Magkababata kami ni Dennisrito and then, may hidden love ako sa kanya. And as far as I know, hindiako kontrabida rito at hindi naman ako papayag na magkontrabida. Masyadongnatutuwa ang mga detractors ko, e," may halong biro at seryosong sabi niKatrina, na sa kabuuan ng panayam namin sa kanya ay may kung ilang ulit niyangbinanggit ang salitang "detractors."

"Gusto ko rin kasing mang-asar!" natatawa niyang sagot nang tanungin namin kungbakit madalas ang pagbanggit niya sa salitang "detractors."

Dugtong niya, "Basta ako, as long as mabait ang role ko,okey lang. Siyempre, gusto ko rin ma-enjoy ang mga roles na hindi akokontrabida. At saka gusto kong mang-asar sa mga detractors ko."

Sino ba yung mga detractors na gusto niyang asarin?

"Marami sila!" sagot niya. "Mga gumagawa ng kuwento. Mgainggitera. Marami sila. Alam nila kung sino sila at hindi ko na sila kailangangisa-isahin."

Kailangan ba talaga niyang pagtuunan at intindihin ang mgasinasabi niyang detractors?

"Well, hindi ko nga sila iniintindi. Gusto ko lang silangasarin. Kahit ayaw nila akong panoorin, sabihin nilang hindi ko bagay angmagbida, wala silang pakialam. Mapapanood pa rin nila ko na hindi kontrabida!"natatawa pa rin niyang sabi.

Hindi maitatagong naging masaya siya sa naging resulta ngObra, kung saan siya ang naging kauna-unahang featured star.

"Happy naman ako," sambit niya. "Sabi ko nga, gusto ko rinnamang ma-experience ang iba. Ayoko namang ma-stuck lang ako sa isang role.Siyempre, may talent din naman ako. Gusto ko rin magawa ang iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At saka, gusto ko lang talagang mang-asar. Marami angnagsasabi, hindi bagay, di ba? Wala silang magagawa. E, hindi ako tatanggap ngkontrabida. Ay, naku, bahala sila sa buhay nila!" tawa niya ulit.

Basta siya raw ay trabaho lang at mang-asar ang inaatupag;samantalang yung iba naman, ang goal ay manira.

Pagkatapos ng Magdusa Ka sa Dramarama Sa Hapon block ngGMA-7 ay mapapanood naman sina Katrina at Dennis sa primetime via Gagambino.Dahil dito, napatunayan na rin siguro nila na click din sa masa ang kanilangtambalan.

"Happy naman ako dahil siyempre, may mga nagsasabi sa akinna hindi bagay sa akin. Kesyo hindi kami bagay ni Dennis, pero okey naman.Napatunayan ko naman sa kanila. Hindi naman siguro kami bibigyan ng anotherproject na magkasama at balik-primetime pa. Hindi naman siguro kamipagtitiwalaan ng GMA-7 kung wala kaming chemistry."

Ibinalita rin ni Katrina sa PEP na next week ay magsisimulana siyang mag-shooting para sa kanyang unang pelikula sa ilalim ngOctorArts Films, ang One Night Only.

When it comes to her love life, kapansin-pansin na biglangumaliwalas ang mukha ni Katrina nang tanungin namin tungkol dito. Aniya, "Inspiredako ngayon. Pero hindi ko sasabihin kung sino!

"Basta sigurado ako, hindi n'yo pa alam kung sino itongnagpapa-inspire sa akin ngayon. Kaya hayaan n'yo na lang muna sa akin ‘to.Gusto ko namang i-enjoy yung moment na ito ng buhay ko," nakangiti niyangpakiusap, at kahit anong pilit ng PEP ay hindi talaga niya sinabi kungsino ang bagong inspirasyon sa buhay niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN