Mark Herras talks about the girls he loved before

IMAGE 0


"'Pag kunyari may nagustuhan akong babae, una malakas yungloob ko sa text. For example, may nililigawan ako or crush ko, ang hilig kongmag-text ng ‘Hi, kumusta na?' ‘I miss you,' ‘Gudnyt.' Pero kapag kaharap ko na,iba na, nahihiya na ako," reveals Mark Herras.



Sa limang young female stars na inamin ni Mark Herras na naginggirlfriends niya sa showbiz—Jennylyn Mercado, CristineReyes, Ryza Cenon, Lian Paz, at Marian Rivera—tanging si Marian ang tilaayaw umamin sa naging relasyon talaga nila ng young actor. Ayon kay Mark,six months din silang naging mag-on ni Marian. Pero umiiwas na si Markna pag-usapan ito ngayon.

"Ayoko nang pag-usapan yun. Ayaw rin naman niyang [Marian] aminin,e. Hayaan mo na. Ayokong mamilit," pahayag ni Mark sa panayam ng PEP (PhilippineEntertainment Portal) sa kanya sa premiere night ng I.T.A.L.Y. (I Trust And Love You) last Sunday,September 14.

Ano ang pakiramdam ng ganun na dine-deny ng babae nanagkaroon sila ng relasyon?

"Pag ganun kasi, sa akin hinahayaan ko na lang," aniya. "Hindiko naman kailangang maghabol. Or hindi naman ako yung tipo ng lalaki nakailangang aminin din ng babae na nakarelasyon ko siya para lang i-prove yungsinabi ko, di ba?"

Kung si Marian ay six months niyang nakarelasyon, sino namansa lima ang pinakamatagal niyang nakarelasyon? Sino ang pinakamaikli?

"Si Jen siyempre ang pinakamatagal, one year and fivemonths. Si Cristine ang pinakamaikli, three months."

Sa history ng relationships niya, meron na ba siyangbinalikan among his ex-girlfriends, even sa mga non-showbiz?

"For the record, wala pa naman."

Pero posible ba ngayon namay babalikan siyang dating karelasyon?

"Depende. Hindi ko rin masabi. Pero sa mga past ko talaga,wala pa naman talaga akong binalikan talaga. Depende lang din talaga kungminahal ko masyado yung girl."

ON JENNYLYN. Since si Jen yung pinakamatagal niyang nakarelasyon, posiblekayang ito ang kanyang balikan, na if ever ay first time nga niyang gagawin sabuong buhay niya?

"Puwede," sagot ni Mark. "Pero ayoko munang isipan nangganun si Jen ngayon, e. After ng lahat ng nangyari sa kanya, after ng lahat ng dumatingna problema. Yung baby, kakapanganak lang. ‘Tapos namatay si Tatay [Mr. RogerMercado, Jen's adoptive father]. Ayoko munang magkaroon ng ganung thinking now.Parang ang gusto ko munang mangyari kay Jen ay magkaroon siya ng peace of mind.Para na rin sa bata."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakapag-usap na ba ulit sila ni Jen after nitong manganak?

"Personally, hindi pa ulit. Lately, nakakapag-usap lang kamisa chat. Nangungumusta lang ako."

Nakita na ba niya yung baby ni Jennylyn sa dati nitongboyfriend na si Patrick Garcia?

"Oo, pero noong una kong makita as in beybing-baby pa. Angputi, e. Mana sa kulay ng tatay [Patrick]. Pero hindi ko pa nakikita ulit."

Halimbawang makapag-asawa na siya, ilang anak ang gustoniya?

"Ako, gusto ko yung marami rin talaga para masaya. Siguromga five. Pero it would depend din siguro kung ilan yung kaya kong buhayin. Imean, siyempre mahirap na ang buhay ngayon, di ba? Yung kaya ko financially.Para hindi naman kawawa yung mga anak ko.

"Pero huwag muna yung anak-anak. Wala pa nga akonggirlfriend ulit, e. Hindi na muna ako nanliligaw. Sa work muna ako naka-focus."

LOVERBOY. Paano ba manligaw ang isang Mark Herras?

"'Pag kunyari may nagustuhan akong babae, una malakas yungloob ko sa text. For example, may nililigawan ako or crush ko, ang hilig kongmag-text ng ‘Hi, kumusta na?' ‘I miss you,' ‘Gudnyt.' Pero kapag kaharap ko na,iba na, nahihiya na ako."

Sa mga naging showbiz girlfriends niya, sino yungpinakamatagal niyang niligawan?

"Si Jen, hindi naman umabot ng year. Months lang, peromatagal-tagal din."

Kung babalik siya ng Italy o sa alin mang lugar napinuntahan nila during the shooting ng movie nilang I.T.A.L.Y., posible bang si Jen ang isama niya? Kasi meron na silang New Yorkexperience together noong gawin nila ang GMA teleseryeng I Luv NY.

"Puwede, para makita niya yung kagandahan ng Italy.Para maramdaman niya na okay yung lugar. Pero mas maganda kung talagangmae-experience niya yung buong cruise. Mas mae-enjoy niya yun," pagwawakas niMark.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN