FIRST READ ON PEP: Rose Flaminiano directly points to Nadia Montenegro as Gabby's "sulsoltant"

IMAGE 0


"Alam mo ang mga text, forward-forward lang, ‘yan, e. Ako, nasa akin pa angtext na galing kay Precy [Ejercito, wife of Jinggoy Estrada] na galingdaw kay Jobert [Sucaldito], na galing daw kay Nadia. Ang nasa text, masamangtao raw ako," relates Mrs. Rose Flaminiano (left) about Nadia Montenegro's (inset) alleged text mesage about her.



Martes ng alas-dos ng hapon, September 16, nag-file ng kaso si Mrs. RoseFlaminiano at ang kanyang legal counsel na si Atty. Bonifacio Alentajan saQuezon City Regional Trial Court ng P22-M civil case laban kay Gabby Concepcion,pati na rin sa legal counsel nitong si Atty. Raymund Fortun.

Isinampa angkasong Specific Performance and Damages with Application for Writ ofPreliminary Injunction and Prayer for Temporary Restraining Order sa sala ng executive judge ng QC RTC Branch 164, bilangcivil case No. Q-08-63443.

Miyerkules naman ng hapon, September 17, natuloy ang presscon ni Mrs.Flaminiano na ginanap sa Rembrandt Hotel, Quezon City. Dapat sana aynoong Lunes (September 15) ito ginanap, ngunit kinailangan munang maghanap si Mrs. Flaminiano ngabogadong hahawak sa kaso niya laban sa alaga niyang si Gabby.

Full coverage ang TV para sa presscon dahil hindi lang ang ABS-CBN TV crewang imbitado kundi pati na rin ang GMA-7 at TV5. Alas-kuwatro ang call time,ngunit alas-singko umakyat si Mrs. Flaminiano kasama si Atty. Alentajan kaya'twala nang paliguy-ligoy pang nagsimula ang tanungan.

Ang lahat ng mga naisulat na rito sa PEP (Philippine Entertainment Portal)at sa mga diyaryo, pati mga nasabi sa mga TV interview, ay inulit na lang. Angnaging dagdag lang, nagbigay na ng press statement si Mrs. Flaminiano nanagsasaad kung magkano na ang mga natanggap ni Gabby sa mga proyektong kinuha para sa kanya ang business manager.

Ayon kay Mrs. Flaminiano, noong August 2008 ay kumita si Gabby ng P1.73million. Kung sisiputin pa ni Gabby ang lahat ng commitments niya, nakatakdasiyang kumita ng P2.545 million ngayong September; P2.16 million ng October;P2.673 million ng November at P2,047,500 ng December—suma tutal na P11,155,500.

Puwera pa rito ang trabaho niya sa ABS-CBN, ang Iisa Pa Lamang, na P3million daw ang bayad kay Gabby kada buwan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi na raw sana ito ilalabas lahat ni Mrs. Flaminiano ngunit masyadosiyang nasasaktan na kung ganitong kalaki ang kinikita ni Gabby dahil sa kanya,bakit sa napakaliit daw na P25,000 ay binubutasan siya para mapawalang-bisa angkontrata nila.

Nagsimula raw ang lahat pagkatapos ng two-night concert ni Gabby sa MusicMuseum noong August 15 and 16.

"Dito talaga nagbago nang tuluyan si Gabby, nag-360 degrees turn ang ugaliniya. Sa backstage ko unang nakita si Gabby na nasulsulan ng kanyang mga sulsoltant. Doon pa lang sa backstage, sinasabihanna siya na dapat daw hindi lang pang-300 thousand [pesos] per show si Gabby, dapat dawmas mataas na," panimula ni Mrs. Flaminiano.

Dahil napapag-usapan na rin lang naman, diretsong tinanong si Mrs.Flaminiano kung totoo nga bang may nagsusulsol lang kay Gabby para magbago ito,at kung mayroon man, kung puwede nang pangalanan.

"Si Nadia [Montenegro]!" diretsong sagot ni Mrs. Flaminiano."Alam mo ang mga text, forward-forward lang ‘yan, e. Ako, nasa akin pa angtext na galing kay Precy [Ejercito, wife of Sen. Jinggoy Estrada] na galingdaw kay Jobert [Sucaldito], na galing daw kay Nadia. Ang nasa text, masamangtao raw ako.

"'Tapos si Robbie [Tarroza, show promoter], may pinu-forward ding mgamasasamang text. Ang sama, basta, pati ang anak kong nananahimik na sa ibangbansa, nasama. Alam kasi ni Robbie na maka-Rudy [Fernandez] ako, e, kaya sigurokinakalat niya yun."

Patuloy ni Mrs. Flaminiano, "Nung kinumpronta ko si Robbie, nag-retractsiya. 'Ayun pala, yung original message galing lang din kay Nadia."

Matatandaang nagkaroon ng alitan noon sina Robbie at ang nasirang actionstar, kaya na-airport-to-airport sina Daboy, pati na rin sina AlmaMoreno at mga anak nito sa Japan.

Nang tinanong si Mrs. Flaminiano kung balak niya ring kasuhan si Nadia, itoang naging sagot niya: "Ano naman ang makukuha ko sa kanya? Mantika?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nabanggit din ang pangalan ni Pops Fernandez bilang isa rin daw sanagsusulsol kay Gabby, ngunit pinabulaan ito ni Mrs. Flaminiano. Mabait na taoraw si Pops, at kung sakali, baka raw galing lang din itong lahat kay Nadia.

Huling katanungan ng PEP kay Mrs. Flaminiano patungkol kay Nadia, balak niyaba itong kausapin o harapin?

"Bakit ko naman siya kakausapin? May career ba siya?" pakli ni Mrs.Flaminiano.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN