John Lloyd Cruz interested to work with Marian Rivera

IMAGE 0


"Kasi lumapit sa akin si Mother Lily [Monteverde],offering a project with Marian. Kung ako ang tatanungin, gusto ko na agad gawin'yan. Pero matagal na process 'yan.Pag-uusapan pa talaga," says John Lloyd Cruz about the possibility of working with Marian Rivera (inset).



Pinag-uusapang muli ang portrayal ni JohnLloyd Cruz bilang isang baliw (schizophrenic) sa Maalaala Mo Kaya, naipalalabas sa Sabado, September 20. Siyempre pa, marami ang pumupuri sa aktorsa trailer pa lamang, kasama ang mga eksena nila ni Alessandra de Rossi nagumaganap bilang asawa niya.

Pinaghandaan ni John Lloyd ang kanyang role. Aniya, "Bumisita pa ako sa National Mental Hospital paramag-observe ng mga baliw doon. Siyempre, inalam ko kung anong klasengpagkabaliw mayroon ang character ko. Inalam ko rin kung paano siya inaatake,kung bakit tagusan ang tingin nila, kasi, karaniwang nasa ibang dimensionsila."

Undoubtedly, nasa ibang level na nga, as faras acting is concerned, si John Lloyd. Nagagawan pa rin niya ng balanse angsinasabing paglabas niya sa mga pelikulang komersiyal. Maski ang big hit na AVery Special Love na pinagtambalan nila ni Sarah Geronimo, despite its highcommercial value, ay nakitaan pa rin ng substance, lalo na sa acting niJohn Lloyd.

"Sa movies, mukhang uunahin ko uli angisang team-up movie with Sarah," banggit niya sa PEP (PhilippineEntertainment Portal). "I don't know if it's going to be a sequel of ourfirst movie together, but it should be another team-up movie for Valentine's Day. Ang isa pa, yung gagawin namin ni Ate Vi [Vilma Santos],hinahanapan na lang ng time 'yan para makapagsimula."

POSSIBLE LEADING LADIES. May nagtanong kay John Lloyd kung itutuloy parin daw yung plano noon na isang project with KC Concepcion. Before KC's moviewith Richard Gutierrez was conceived, ABS-CBN was toying with the idea ofpairing KC with John Lloyd.

"Mukhang wala sa priorities namin ni KCsa ngayon ang paggawa ng movie together. Ang alam ko, gagawa si KC sa GMA Filmswith Richard again. 'Tapos, marami pa siyang ibang pagkakaabalahan. Ganoon dinako. Kung mayroon mang ganyang plano, that will have to wait. Baka next year,puwede na," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Iba ang glow sa mga mata ni Lloydie nangmabanggit kung sino ang puwedeng sumunod niyang makapareha after Bea Alonzoand Sarah Geronimo.

"Interesado ako kay Marian Rivera,"sabi ni John Lloyd. "Kasi lumapit sa akin si Mother Lily [Monteverde],offering a project with Marian. Kung ako ang tatanungin, gusto ko na agad gawin'yan. Pero matagal na process 'yan.Pag-uusapan pa talaga.

"Noon ko pa naman sinasabi na ayokong malimitahan by justworking with people identified with ABS-CBN. Mas makatutulong siguro sa akinkung paminsan-minsan, gagawa ako ng movies with stars na hindi ko basta makakasama,and it should really be special," nangingiting dugtong ng young actor.

INDIE FILMS. Sa husay ni John Lloyd, hindi naman niyabasta iniisip na sa indie films lang mapapakinabangan nang husto ang talentoniya. Si Piolo Pascual kasi ay nagpo-produce ng indie film na Manila, atnaniniwalang hindi siya basta mabibigyan ng pelikulang mag-aangat sa kanya sakahusayan kung hindi siya magte-take ng risks.

"Gusto ko rin sana ang indie films,"sabi ni John Lloyd. "There's nothing wrong with that. Kaya lang, naiisip ko naparang fad lang ang indie films. Correct me if I'm wrong, pero gagawa ako ngindie film, hindi dahil sa uso lang, o gumagawa na rin kasi ang iba. If it's really a good project, why not?

"At saka sa ngayon," patuloy niya, "wala akong convictions na puwedeng makaapekto sa choices ko.Kung kailangan kong makipaglaplapan sa kapwa ko lalaki, sa tomboy, o kunganuman, basta kakayanin ko, gagawin ko yun for a good role.

"Ito yung pagkakataon na gusto konggumawa ng roles na talagang malayo rin sa karaniwang naibibigay sa akin. ButI'm glad, napapagkatiwalaan pa rin ako, kahit sa TV," pagwawakas ni John Lloyd.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN