Kim Chiu not yet ready to be paired with other leading men

IMAGE 0


"Sana po, huwag muna. Sayang naman po kasi ang Kimeraldfans. Kasi, ang dami-dami na nga po nila," says Kim Chiu when asked if she still prefers screen partner Gerald Anderson or she wants to be paired with other young actors.



Sa bagong TV series nina Kim Chiu at Gerald Anderson, ang MyOnly Hope, hindi naman daw magko-comedy si Kim kumpara sa ginawa niya sa MyGirl. Pero karamihan daw ng nasa cast ng My Girl ay kasama rin nila sa My OnlyHope. This time nga lang, instead na sa primetime ay tuwing Linggo na ng haponsila mapapanood.

Inilarawan ni Kim sa PEP (Philippine Entertainment Portal)ang role niya sa My Only Hope nang makausap namin siya sa press conference ngBioclear Food Supplement na ginanap sa Annabel's restaurant kahapon, September16.

"Sa My Only Hope po, ako po yung parang si Miss Sunshine. Akopo yung nagpapa-lighten up ng moods nila. Hindi po ako comedy rito, more ondrama po."

Simula na kaya ito ng pagsi-shift sa mga character nila niGerald mula sa mga pa-cute roles at papunta ng mas seryoso?

"Hindi ko po alam, depende, depende po!" nakangiti niyangsabi.

Wala pa raw balita si Kim kung may gagawin sila ulit napelikula ni Gerald. Ang My Only Hope pa lang daw kasi ang alam nilang projectsa ngayon.

Tinanong ng PEP kay Kim kung ano ang nakikita niya sa loveteam nila ni Gerald Anderson at hanggang saan at kailan pa ang itatagal nito?

"Nag-try na naman po na i-partner ako sa iba, like sa MMK[Maalaala Mo Kaya] kay Matt Evans," sabi ni Kim.

Pero sinabi namin sa kanya na isang gabi lang naman yung sakanila ni Matt, hindi gaya ni Gerald na gabi-gabi o linggo-linggo silangmapapanood. Kung siya ang masusunod, mas gusto niya bang maipareha sa iba osila pa rin ni Gerald?

"Sana po, huwag muna. Sayang naman po kasi ang Kimeraldfans. Kasi, ang dami-dami na nga po nila," saad ni Kim.

Bakit nag-aalala siya para sa Kimerald fans?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi po, dahil naman po sa kanila kung bakit kaminagkakaroon ng show, kung kaya kami binibigyan ng project ng ABS-CBN. Kasi,alam nilang maraming Kimerald [fans]. Parang nag-i-email sila every day kapag walakaming show. Umaabot pa sila ng States, umaabot pa sila ng iba't ibang lugar,"paliwanag ng young actress.

Sa palagay niya ba kung hindi na sila ni Gerald ang partner,mawawala rin ang Kimerald?

"Siguro po, parang ganoon, magkakahiwalay na," tilanalungkot niyang sabi.

SECOND BATCH OF PBB. Matagal na ring nai-launch ang second batch ng Pinoy BigBrother Teen Edition, pero sa nangyayari, tila nahihirapan ang Batch 2 namapantayan ang popularity ng batch nina Kim at Gerald. Maging ang sinasabingparang susunod daw sa yapak ni Kim na si Nicole Uysiuseng ay tila hindi aabot satinamasang kasikatan ng una. Ano ang masasabi ni Kim dito?

"Kasi po siguro mahaba [yung pangalan]...Nicole Uysiuseng,"simpleng sagot ni Kim.

Pero nakaramdam din ba si Kim sa pagdating ng second batchng PBB?

"Opo, pinapanood ko nga po siya," pag-amin ni Kim. "Kasisabi nila, ‘Uy Kim, panoorin mo yung Nicole. Pareho sa ‘yo. Parang Chinese rin.Taga-Cebu rin.' Kinabahan siyempre kahit paano."

Ngayon ba, masasabi niyang nakahinga na siya nang maluwag?

"Ay, hindi naman! Hindi naman!" mariing sabi ni Kim.

Pero ano ba ang feeling niya na hindi pa rin nauungusan ngSeason 2 ang Season 1 ng PBB Teen Edition?

"Ewan ko," sambit niya. "Siguro kasi, iba pa rin ang Season1. Hindi mo alam kung ano ang takbo ng edition na ‘to. Yung Season 2, alam mona kasi kung ano ang takbo ng kuwento. Maigsi lang din kasi yung season namin,42 days lang. So siguro, nami-miss din ng mga tao na mapanood kami."

FAVORITE ENDORSER. Si Kim ang napiling celebrity endorser ng Bioclear FoodSupplement dahil sa kanyang oriental beauty. Hindi na raw nabibilang ni Kimkung pang-ilang endorsement niya ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko na po binibilang, baka kasi mabawasan!" biro niya nanatatawa.

Bakit daw siya ang napili?

"Kasi ano po siya, oriental supplement. So, parang ang gustonila, ang maging endorser ay oriental beauty rin. E, sa dinami-rami raw naoriental beauty, ako pa ang napili nila kaya nagpapasalamat naman ako," saad niKim.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN