Gerald Anderson assures Kimerald fans of more projects with Kim Chiu

IMAGE 0


"Ganun naman talaga,darating yung point na ‘yan. After a while, mangyayari ‘yan Pero sa tingin ko,matagal pa. Gaya ng sinabi ko, ang dami pa naming gagawin ni Kim together andit's a good sign for us," Gerald Anderson assures fans.



Marami ang naalarmangmga tagahanga nina Gerald Anderson at Kim Chiu nang ipareha ang young actresskay Matt Evans sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya (MMK). Baka maging simulana raw kasi ito ng pagpapareha kay Kim sa ibang young actors at bubuwagin naang tambalang Kimerald.

Pero sa panayam ngPEP (Philippine Entertainment Portal) kay Gerald, sinabi nitong walang dapatikabahala ang mga tagahanga nila ni Kim dahil magkakasama silang muli sa weeklyafternoon series na My Only Hope.

"Hindi sila dapatmag-worry, marami pa kaming gagawin para sa kanila," sabi ni Gerald. "Dahil ngasa sobrang suporta na ibinigay nila sa amin sa My Girl, magkakaroon kami ngbagong show, ang My Only Hope. Yun pa ring cast ng My Girl, pero hindi siyasequel. Hindi naman gayang-gaya, pero parang Tabing-Ilog siya, forteens."

Para kay Gerald, angpagkakapareha nina Kim at Matt at Kim sa MMK ay isang bagay na hindi dapatpalakihin o gawing big deal.

"I think para maibanaman, siguro trinay nila na i-partner si Kim sa iba, or siguro mas bagay kayMatt yung role," sabi ni Gerald.

Tanggap ni Gerald nadarating talaga ang panahon na maghihiwalay sila ni Kim at ibi-buildup silabilang solo artists. Pero sa ngayon ay hindi pa raw niya nakikita na mangyayariito.

"Ganun naman talaga,darating yung point na ‘yan. After a while, mangyayari ‘yan Pero sa tingin ko,matagal pa. Gaya ng sinabi ko, ang dami pa naming gagawin ni Kim together andit's a good sign for us."

Ano na ba talaga angestado ng relasyon nila ni Kim?

"Wala pa rin,ganun pa rin kami, walang nabago. Kungano ang sagot ko sa iyo dati, ganun pa rin. We're still close to each other,we're enjoying each other's company. May special something between us, buthindi special na may relasyon o commitment," saad ni Gerald.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

New image ngayon siGerald. Nagpatubo siya ng balbas at nagmukhang rugged. According to Gerald,para ito sa role niya sa My Only Hope na kabaligtaran ng role niya sa My Girlas Julian.

"Emo ako dito, yungmahilig sa mga rock stars, rock music, black ang lagi kong suot, dark angcharacter ko. But yung emo kasi is short for emotional, napaka-emotional kongtao. Napaka-exciting ng role ko, iba siya sa role ko as Julian na lagingguwapo, laging malinis, wholesome. Heto, ang hobby niya dito, gusto niya lagingmag-suicide," pagtatapos ni Gerald.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN