PEP EXCLUSIVE: Nadia Montenegro on Rose Flaminiano: "I won't ever stoop down to her level!"

IMAGE 0


"I just don't know why I have to be dragged on this,pero kilala ako ng mga kaibigan ko. Madalas akong nalalagay sa hindi magandangsituwasyon dahil na rin sa mga kaibigan ko, pero gagawin ko yun dahil mgakaibigan ko sila na gusto ko rin namang protektahan, lalo na't sila naman anghumihingi ng advice at suporta," says Nadia Montenegro about being dragged into feud between Rose Flaminiano (inset, top) and Gabby Concepcion (inset, bottom).



Akala namin ay pagtataguan kami ni Nadia Montenegro, lalo ngayongdirekta nang idinawit ni Rose Flaminiano ang pangalan niya sa isyu kayGabby Concepcion. Ayon kay Mrs. Flaminiano, si Nadia raw ang "sulsoltant" ni Gabby, o isa sa mganagbuyo sa aktor para kuwestiyunin ang kung anu-anong nakasaad sa kontrata obusiness agreement na namamagitan sa aktor at sa nakakabangga nito ngayong businessmanager. (Click here to read related article.)

Pero ilang sandali lang, kaninang hapon, September 18, sa kakukulit ng PEP (PhilippineEntertainment Portal), tinig ni Nadia sa cell phone ang narinig namin na diretsahangsinagot ang mga katanungan namin regarding the issue.

Unang-una, inamin ni Nadia na nanggaling talaga sa kanya angnakarating na mensahe kay Mommy Rose, na una niyang nai-forward kay JobertSucaldito bilang paliwanag sa mga naisusulat daw ni Jobert laban kay Nadia.

"Totoo naman yun, and I meant it," ani Nadia."Gabby was in bad company, and I meant well for him as a friend.

"Gusto ko lang ipaalam sa mga tao na wala akong napapala saisyung ito. Unang-una, ano ang pakinabang ko kung sinusulsulan ko nga si Gabby?Yung tao, tumatawag 'yan sa akin. Naging confidante niya ako to a certainextent, lalo na sa business matters. Ako nga ang nagpapaliwanag sa kanya samaraming bagay na sa ngayon ay nakakagulo sa kanya.

"Noong kapanahunan namin as Regal babies, may call slippa na nakararating sa amin 'pag may shooting. Ang sabi ko kay Gabby, iba na angpanahon ngayon. Lahat ng ganyang klase ng transaction, naisasara sa pamamagitanna lang ng cell phone at texting.

"Pero sa isyu nila ni Mommy Rose," patuloy ni Nadia, "naturalna sila ang may agreement diyan, at hindi naman siguro tanga si Gabby na bastana lang magre-react ng ganoon kung wala rin siyang nakikita at napapansingkamalian, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ano ang palagay nila roon sa tao? Kung ano na lang angsasabihin ko, tatanggapin niya? Hindi naman ganoon yun. Hindi ko na siyakailangang sulsulan dahil siya mismo ang nakakaalam na nadedehado siya."

Aware din si Nadia na si Precy Ejercito, misis ni SenatorJinggoy Estrada, ang nagparating ng text message niya kay Mommy Rose, na unaniyang ipinasa kay Jobert.

"Gusto ko lang linawin na I don't have anything againstMommy Rose," diin ni Nadia. "In fact, doon sa Music Museum concert ni Gabby,tumulong pa ako by contacting Pops Fernandez para makapag-guest doon.

"I just don't know why I have to be dragged on this,pero kilala ako ng mga kaibigan ko. Madalas akong nalalagay sa hindi magandangsituwasyon dahil na rin sa mga kaibigan ko, pero gagawin ko yun dahil mgakaibigan ko sila na gusto ko rin namang protektahan, lalo na't sila naman anghumihingi ng advice at suporta.

"'Yang si Gabby, dumaraan pa 'yan sa bahay namin saWhite Plains kapag mayroon siyang mga bagay na gustong klaruhin, lalo sa careerniya. Matagal na nawala yung tao [sa showbiz], and he needs people namapagkakatiwalaan niya," paliwanag ng dating aktres.

Inamin din ni Nadia na umiiwas siya sa company ni MommyRose, na kapag kasama ng mga ito si Gabby, kahit anyayahan siya ng kaibigangaktor ay hindi siya sumasama.

"Simply because I'm not comfortable with them,"tahasang sabi ni Nadia. "Kung gusto ni Gabby na makipag-deal kay MommyRose, siya ang may gusto niyon at decision niya yun. Bahala siya. Hindi siGabby ang tipong masusulsulan ko.

"Okey lang na magsalita siya [Mommy Rose] ng kunganu-ano laban sa akin, pero ang posisyon ko ay bilang kaibigan ni Gabby nahinihingian lang naman niya ng suporta.

"Hindi pa nagsasalita si Gabby tungkol diyan athintayin na lang natin bago ako magbigay pa ng ibang detalye. Kung tutuusin,labas ako diyan at nadamay na lang talaga, pero ganoon ako bilang kaibigan. Tatayoako at lalaban para sa isang kaibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang masakit lang diyan, nadadamay pa pati yung mgamahal ko sa buhay. Affected sila sa mga nasasabi ngayon laban sa akin. Pero foras long as alam kong tama ang ginagawa ko, magsasalita rin ako," sabi niNadia.

Ano sa palagay niya ang dahilan kung bakit mainit ang dugoni Mommy Rose sa kanya?

"Hindi ko alam sa kanya," sagot ni Nadia. "Siya kayaang tanungin mo? Pero ang feeling ko, every time siguro na may gagawingdesisyon si Gabby, lagi niyang nasasabi, 'I think I have to talk to Nadia aboutthis.'

"E, bakit nga kasi? Kaibigan lang naman ako ni Gabby atwala naman akong dapat pakialam sa career niya. Bakit ganoon si Gabby? Simplybecause nagtitiwala siya sa akin bilang kaibigan na wala naman talaga akongmapapala sa ganyan, di ba?"

Ngayong damay na siya sa isyung ito, ano ang gagawin niyangmove against Mommy Rose sa akusasyon nito sa kanya na isa diumano siyang "sulsolera."

"Wala akong gagawin para patulan siya!" sambit ni Nadia. "Si Gabby ang dapatumisip ng paraan tungkol sa bagay na 'yan. Kasi ang alam niya, nakapag-usap nasila ni Mommy Rose at magse-settle sila sa problema nila. Then, bigla akongtinawagan ni Gabby, idinemanda na nga raw siya ni Mommy Rose. Nagulat nga ako.Akala ko, nagkaayos na sila.

"Pero kung ako ang tatanungin, I won't ever stoop downto her [Mommy Rose's] level. Kahit alam ko, yung mga paninirang naisusulat saakin these past few months ay nanggagaling sa kanila [kampo ni Mommy Rose] dahilnga sa stand ni Gabby na lagi akong tinatanong sa mga gusto niyang gawingdesisyon. Alam ko naman na may nagbabayad sa mga reporter para sira-siraanako!" tuloy-tuloy na sabi pa ni Nadia.

The plot thickens. At mukhang marami pang pangalan angmadadawit sa lumalaking isyung ito. And PEP is always here for their side ofthe story.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN