Lolit Solis speaks her mind on legal tussle between Gabby and Mommy Rose

Sep 21, 2008
"Kaya nga kung ako si Gabby, hindi na ako aalis kay Mommy Rose. For that alone, malaking utang na loob mo na yun kay Mommy Rose na naikuha ka ng ganoong kontrata. Even I, kahit ako, hindi ko magagawa yun. Kaya...Gabby, huwag ka nang umalis kay Mommy Rose, mag-ayos na kayo," says Lolit Solis.

Kahit anong pilit ng entertainment press at TV crew, nagmatigas ang talent manager at Startalk host na si Lolit Solis na magbigay ng kanyang komento kaugnay ng gusot sa pagitan ng dating alagang si Gabby Concepcion at ang bagong manager nito ngayon na si Mrs. Rose Flaminiano.

Pero kahapon, September 20, sa Startalk ay hindi na nakaiwas pa si Lolit at sinagot na niya ang mga tanong na ibinato sa kanya ng co-hosts na sina Joey de Leon at Butch Francisco. Kasama na rin sa sinagot ni Lolit ang muling pagkikita nila ni Piolo Pascual sa press conference ng isang whitening product last Thursday afternoon, September 18.

Unang tanong kay Lolit ni Butch ay kung totoo bang humingi ng tulong o kumonsulta sa kanya si Mommy Rose bilang dating manager ni Gabby?

"Madalas kasi kaming mag-usap ni Mommy Rose, nag-uusap kami sa phone," simula ni Lolit. "Then there was a time na inutusan ako ni Lorna Tolentino para tawagan siya at tanungin doon sa lupa't bahay ni Rudy Fernandez sa Tarlac. Kasi kinuha niya noon na model si Rudy. So, parang ang exchange deal, binigyan niya ng unit sa subdivision niya.

Continue reading below ↓

"Noong may sakit pa si Rudy, balak na niyang ibigay yun sa mga kasamahan niya. Kay Tata Ernie or kay Valentin. Noong wala na [si Rudy], si Lorna, hinahanap niya yung mga papeles. So, si Lorna, sabi niya, ‘Nay, hindi ko makita ang mga papeles, puwede bang tawagan mo si Mommy Rose?' Kaya nga nakikiusap ako kay Mommy Rose kung puwede, tawagan si Lorna para maklaro yung tungkol sa lupa't bahay para naman klaro."

Pero humingi nga ba ng payo sa kanya si Mommy Rose?

"Hindi naman, tinanong niya ako kung ano ang masasabi ko tungkol kay Gabby. Sinabi ko nga sa kanya, ‘Since ikaw ang nakapagpabalik kay Gabby, ikaw talaga ang dapat na maging manager ni Gabby.' ‘Tapos yun nga, yung madalas kong sinasabi, kami ni Gabby never had a problem with money. Talagang hindi materyoso si Gabby.

"Pero kung maaalala ko, sabi nga ni Mommy Rose, ‘Nag-away rin kayo ni Gabby noon. Hindi ba't idinemanda mo si Gabby?' Idinemanda ko kasi si Gabby noon after ng scam. Siyempre galit ka, idinemanda ko siya ng worth two-million pesos. Yung mga parang unpaid na commission at yung P300,000 ko na ipinagbili ko sa kanya na hindi niya pa nababayaran, so idinemanda ko.

Continue reading below ↓

"Alam mo, kumbaga, sa anong yun, ako pa ang natalo! Ako pa ang magbabayad ng P700,000! Ako pa ang magbabayad kay Gabby. Kaya may utang ako kay Gabby. So, noong makita ko si Gabby, sinabi ko sa kanya na, ‘Uy, Gabby, sabi sa akin ni Mommy Rose, panay raw ang pasingil mo ng P700,000.' ‘Tapos sabi niya, ‘No, no, I never said that!' E, si Mommy Rose, sinasabi niyang pinapasingil daw. So, hindi ko na alam kung sino ang nagsasabi sa kanila ng totoo. Kaya kung totoong hindi ako pinapasingil ni Gabby, e, bigyan niya ako ng papel na hindi na niya ako sisingilin," lahad ni Lolit.

Ayon kay Lolit, sinabi naman daw ni Mommy Rose kay Gabby na huwag na nga lang siyang singilin, tutal "blessed" naman na ang aktor.

LUCRATIVE CONTRACT. Pero seriously raw, nang makita niya ang kontrata ni Gabby sa ABS-CBN, masasabi niya na walang ibang manager na makakakuha ng tulad ng kontratang nakuha ni Mommy Rose para kay Gabby sa Kapamilya network.

Continue reading below ↓

"Ako talaga, ‘eto manager ako... Marami kaming manager ngayon na naiinggit kay Mommy Rose. Noong malaman namin ang kontrata ni Gabby na nakuha niya sa ABS-CBN, grabe, ang laki! Na hindi mo akalain makukuha ni Gabby!

"Kaya nga kung ako si Gabby, hindi na ako aalis kay Mommy Rose. For that alone, malaking utang na loob mo na yun kay Mommy Rose na naikuha ka ng ganoong kontrata. Even I, kahit ako, hindi ko magagawa yun. Kaya kung ako si Gabby, huwag ka nang umalis kay Mommy Rose, mag-ayos na kayo."

Butch asked Lolit kung aware ba siya sa sinabi raw ni Gabby na na-trauma ito noong nasa poder pa siya ng dating manager.

"Siyempre, ka-trauma-trauma naman ako, ‘no!" bulalas na biro ni Lolit. "Sino naman ang hindi matu-trauma sa akin? At saka hindi, sabihin na natin... Yung nangyari kay Gabby, 13 years siyang nasa abroad. Hindi siya nakabalik dito. Kung hindi nga dahil kay Mommy Rose, hindi siya makakabalik dito. So, sino naman ang hindi matu-trauma noon?

Continue reading below ↓

"Kumbaga, ang naiisip ko nga, kaya siguro medyo makuwenta na ngayon si Gabby, siyempre nasa States siya, mahirap ang walang pera. At saka, kapag nagtrabaho ka ro'n, trabaho. Yung eight dollars na kikitain mo per oras, ikakayod mo talaga. Kaya si Gabby naman siguro, ‘Teka, kuwentahin ko nga itong mga pera ko, di ba?"

Sabi ni Joey, si Lolit daw ay sanay na sanay na sa pagma-manage. Sa kanyang palagay, ano ang puwedeng kahinatnan ng pangyayaring ito sa pagitan nina Gabby at Mommy Rose?

"Yung totoo ha? Emosyunal kasi ang mga tao. Yung emotion ng mga taga-showbiz ang lalaruin mo. Siyempre, yung initial na reaction, na walang utang na loob si Gabby. Si Mommy Rose ang nagdala sa kanya rito, ginanyan niya pa. ‘Tapos ang ganda-ganda nga ng nakuhang deal sa kanya ni Mommy Rose, ginanyan niya pa.

"Pero meron din namang ano... Sabihin na natin, ang dami-rami rin namang tsismis na kumakalat tungkol kay Mommy Rose. Gaya nga noong sa subdivision na hindi naibigay ang titulo. ‘Tapos yung kay Jinkee Pacquiao na meron daw tseke na—daw, ha!—na 12 million na ini-encash ni Mommy Rose at hindi ko alam kung totoo yun. Yun lang ang naririnig ko. Puwedeng makaapekto rin yun kay Mommy Rose na kaya siguro nagkakaaway-away sila because of money, dahil na nga rin sa naging image ni Mommy Rose.

Continue reading below ↓

"'Tapos nga, ang nangyayari pa, parang lumalabas na itong si Gabby, sulsulin! Pati si Nadia Montenegro nadadamay. Parang, ganito ba talaga si Gabby? Ever since walang...backbone? Ang sasabihin ko sana iba!" tawa niya pa.

"Kilala ko rin naman si Nadia, may pagka-taklesa lang, but she meant well. Parang kaibigan talaga ang turing niya kay Gabby," pahabol ni Lolit.

MANAGING GABBY. Hindi ba talaga nagpursigi si Lolit na i-manage ulit si Gabby nang bumalik ang aktor sa Pilipinas?

"'Eto ha, ewan ko kung aaminin ni Daddy Rollie Concepcion. At that time kasi, ang gustong magpabalik kay Gabby sa Pilipinas, si Senator Jinggoy Estrada. Sana papalabasin niya sa pelikula doon sa production niya. ‘Tapos, miniting ko noon si Daddy. Tinanong nga ni Daddy noon na kung puwede, magpatawaran na. Magsimula na dahil isa lang naman ang pinagkakatiwalaan niyang tao na puwedeng mag-manage kay Gabby at makatulong, at ako yun," pagsisiwalat ni Lolit.

Continue reading below ↓

Hanggang ngayon?

"E, siguro... In fairness naman talaga, except for the scam, naging maganda ang pagsasama namin."

So, what happened?

"E, yun nga, nagpunta ako sa States! Yung balitang Gabby, talagang traumatic nga sa kanya, hindi nakipagkita sa akin! Talagang takot na takot, tago nang tago! Pagdating nga rito, ikinuwento ko nga ang naging experience ko at nagkaroon na kami ng ano ni Daddy...nag-away-away na kami. Pero I know talaga, sa pagkakakilala ko sa pamilya Concepcion, meron talaga silang soft spot para sa akin. In fairness, lalo na kay Mommy."

Ano ang mensahe niya para kay Mommy Rose?

"Well, yun siguro, kung nag-try siya na pabalikin si Gabby, kung hindi rin naman siguro maganda ang intention niya for Gabby. ‘Tapos, si Gabby naman, nakita mo naman ang intention ni Mommy Rose, maganda naman. Hindi talaga, Gabby, maniwala ka sa akin, kahit ako talaga, hindi ko makukuha yung ganoon kagandang deal para sa ‘yo."

Continue reading below ↓

Kung sakali at biglang tumawag si Gabby sa kanya at sabihing i-manage niyang muli, ano ang gagawin niya?

"Fourteen years na ang ano ko, e...hindi! Ayoko na! Fourteen years na kaming nagsama. Natapos na yun sa scam, tama na. Ayoko na!" diretsong sagot ni Lolit.

Biniro naman siya ni Joey na mag-scam na lang daw siya uli.

"Para sa kanya? Ayoko na, ‘no!" halakhak niya.

Pero mahal pa rin ba niya si Gabby?

"Oo, siyempre, may pinagsamahan naman kami."

ON PIOLO PASCUAL. Kinumusta rin kay Lolit ang pagkikita nilang muli ni Piolo Pascual at kung nagbatian ba silang dalawa?

"Si Piolo? Oo! Kasi noong wake ni Rudy Fernandez, dumating sila ng nanay niya. Talagang, ‘Ay, my best friend, Piolo Pascual!' Ang talagang tuwang-tuwa ako noon, yung nanay ni Piolo, talagang ‘Ay, Lolit, ako ang Mommy Amelia ni Piolo!' Parang best friend nila akong talaga! O!"

Nang magkita naman daw sila sa Pond's press conference at Crowne Plaza, si Piolo raw ang unang bumati sa kanya.

Continue reading below ↓
"Sabi niya nang makita niya ako, ‘Hi Tita Lolit!' O, di ba, feeling ko, may gusto talaga sa akin si Piolo Pascual. Parang nagtatalo ang ano ko noon...kung si Piolo or si Dingdong [Dantes]! O!"
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Kaya nga kung ako si Gabby, hindi na ako aalis kay Mommy Rose. For that alone, malaking utang na loob mo na yun kay Mommy Rose na naikuha ka ng ganoong kontrata. Even I, kahit ako, hindi ko magagawa yun. Kaya...Gabby, huwag ka nang umalis kay Mommy Rose, mag-ayos na kayo," says Lolit Solis.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results