Cristine Reyes's camp denies reported suicide attempt

Sep 20, 2008
Young sexy actress Cristine Reyes was reported to have attempted suicide, but her camp denied the report. While it was true that she was hospitalized, the reason was not because of drug overdose but due to overfatigue.

Pinabulaanan ng kampo ni Cristine Reyes ang balitang nagtangkang magpakamatay ng sexy young actress. May lumabas kasing report sa isang tabloid na sinugod si Cristine sa ospital dahil diumano sa pago-o-overdose ng Ibuprofen tablets pagkatapos magkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa ina nitong si Frances Klenk.

Ayon sa balita, ang dahilan daw ng hindi nila pagkakaunwaan ay ang pagtanggi ng ina na bigyan si Cristine ng pera. Sinabihan din daw ng ina ni Cristine na kung wala siyang pera ay magpakamatay na lang siya.

Sa pamamagitan ng text message na ipinadala sa Entertainment Live, sinabi ng handler ni Cristine na si Jason Garcia na malayong magawa ni Cristine ang mag-suicide. Isinugod lang daw ang aktres sa hospital dahil sa sobrang pagod sa tatlong araw niyang sunud-sunod na taping ng mga programa niya sa ABS-CBN: Kahit Isang Saglit, Banana Split, at Eva Fonda.

Isang gabi lang daw nanatili ang young actress sa hospital at agad din bumalik sa trabaho.

Continue reading below ↓

Masaya rin daw si Cristine sa takbo ng kanyang career ngayon; pahinga lang at vitamins ang kailangan niya. Pero hindi raw muna magsasalita si Cristine para umiwas na muna sa stress at agarang gumaling pagkatapos ng pagkaka-ospital.

Bago ang balitang attempted suicide ni Cristine ay kinumpirma ng matinee idol na si Dennis Trillo, ilang linggo nang nakararaan, ang breakup nila ng dalaga.
Read Next
Read More Stories About
Cristine Reyes
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Young sexy actress Cristine Reyes was reported to have attempted suicide, but her camp denied the report. While it was true that she was hospitalized, the reason was not because of drug overdose but due to overfatigue.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results