Jolina and boyfriend Bebong Munoz still enjoying their time together

IMAGE 0


"Basta kami ni Bebong, ini-enjoy muna namin kung ano kamingayon. Marami pa po akong ginagawa, si Bebong naman nagsisimula pa lang sakanyang trabaho sa Finance Department. Pero yun nga, mas may time kamingmagkasama dahil nandito na nga siya at wala na siyang balak bumalik sa States," says Jolina Magdangal.



Bago pala nagbukas ang I.T.A.L.Y. (I Trust And Love You) ngGMA Films, nagsimba muna si Jolina Magdangal sa Our Lady of Manaoag saPangasinan. Ano ba ang hiniling niya sa Miraculous Lady of Manaoag?

"Humingi lang po ako ng inner peace at nagpasalamat akosa kanya sa lahat ng blessings na dumarating sa akin. Ginagawa ko naman po lagi 'yon at binibigyan ko talaga ng oras na pumunta sa kanyang Shrine kahit pomarami akong ginagawa," sabi ni Jolina nang makausap siya ng PEP(Philippine Entertainment Portal) sa Old Spaghetti House sa Tomas Morato lastweek, kaugnay ng bago niyang album sa GMA Records, ang Destiny. Incidentally, Destiny rin ang pangalan ng character ni Jolina sa I.T.A.L.Y.

Isa raw sa blessings na dumating sa kanya ay extended pa angSunday drama anthology nila ni Marvin Agustin sa GMA-7, ang Dear Friend.

"Dati ay one season lang ito, pero extended po itohanggang February 2009, sabi ng program manager namin, si Ms. CherylChing-Sy," pagbabalita ni Jolina. "Maganda po ang feedback ng shownamin, ganundin yung school tour namin ni Marvin. Welcome na welcome po nila angtambalan namin sa Dear Friend.

"Nakapunta na kami sa Lyceum of the Philippines,PUP, at San Sebastian College. Marami talagang lumalapit sa amin na mga students, atnagtatanong, humihingi ng advice. Kami naman ni Marvin, pinapayuhan namin silasa abot ng kaya namin. Sa meeting naman namin ng show, parang part na talagakami, nagbibigay kami ng suggestions na kinu-consider nila, lalo na kung tama saproblemang tina-tackle sa story. Kaaliwtalaga!"

JUST ENJOYING EACH OTHER. Binago na namin ang topic at biniro namin si Jolina na bakamaunahan pa sila ng boyfriend niyang si Bebong Muñoz na magpakasal nina JudyAnn Santos at Ryan Agoncillo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ay, talaga po?" reaksiyon niya. "Basta masaya po akokay Juday kung matutuloy na nga silang ikasal. Matagal-tagal na rin kasi kaminghindi nagkakausap. Nababasa ko na lang sa balita at kuwento sa akin ng mgafriends namin, dahil pareho kaming naging very busy at matagal din siyangnagbakasyon sa Europe. Kinilig nga ako nang malaman ko yung tungkol sapagpu-propose ni Ryan ng marriage kay Juday. Sa palagay ko, magkakausap dinkami at mapag-uusapan namin ang tungkol sa kasal nila."

Sila ba ni Bebong, wala pa rin bang balak magpakasal? Almostnine years na silang magkasintahan, na-survive na nila ang kanilanglong-distance love affair. Ngayong nandito na si Bebong sa Pilipinas, masmadali na ang magpakasal.

"Siyempre po, may balak naman kami, pero sige na, maunana silang lahat. Basta kami ni Bebong, ini-enjoy muna namin kung ano kamingayon. Marami pa po akong ginagawa, si Bebong naman nagsisimula pa lang sakanyang trabaho sa Finance Department. Pero yun nga, mas may time kamingmagkasama dahil nandito na nga siya at wala na siyang balak bumalik sa States,"saad ni Jolina.

Hindi ba nagseselos si Bebong sa trabaho niya, lalo na'tmagkasama na ulit sila ni Marvin?

"Hindi ko pa po nakitang magselos si Bebong. Ewan kolang kung itinatago niya sa akin sa pamamagitan ng pagbibiro. Ako po ang medyoselosa, lalo na kapag may monthly period ako!" tawa niya.

Patuloy ni Jolina, "Straight po kasing magsalita si Bebong.Kapag may napansin siya, sinasabi niya agad sa akin, pero hindi po niya akoaawayin. Kung medyo galit siya, tinutulugan muna niya ‘yon at kinabukasan, sakaniya ako kakausapin; hindi na siya galit, mas maayos na ang pag-uusap namin.Pero once in a blue moon lang mangyari ‘yon kasi nga, mabait siya, maalaga, atsinasabi niya lahat sa akin. Hindi ko rin siya pinipigilan kung gusto niyangmag-night out with friends, ginagawa na po niya ‘yon kahit noong nasa U.S. pasiya at ipinaaalam niya ‘yon sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bilang preparation, if ever, marunong na ba siyang magluto?

"Hindi pa po ako mahusay magluto, pero mahusay akongmagluto ng pulutan!" natatawang wika ni Jolina. "Nag-aaral po akongmagluto at kung minsan, nagdadala ako ng niluto ko kina Bebong para matikmannila."

"Baby" ang term of endearment nila ni Bebong.Minsan naman ay "Muning," "Kulit" o "Moonie" angtawag ni Bebong kay Jolina dahil mahilig daw ang actress-singer sa half-moon atmahilig din siyang magmuni-muni bago siya magsalita.

After ng I.T.A.L.Y. ay may susunod na ba siyang movie?

"Ewan ko po, may mga fans kami ni Marvin nanagre-request na gumawa kami ng movie, kami lang daw dalawa. Maganda po kasiang reaction nila nang mapanood nila yung cameo role ni Marvin saI.T.A.L.Y. Pero next year, tuloy po angpagsu-shooting namin ni Juday ng sequel ng Ouija sa States," pagwawakas niJolina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN