PART I: Mrs. Rose Flaminiano to Gabby Concepcion: "Wala kang utang na loob!"

Sep 19, 2008
Rose Flaminiano (left) on Gabby Concepcion: "Sana lang, magkaroon siya ng puso. Buksan niya ang kanyang pag-iisip. Kasi minsan si Gabby, ganun, e. Parang hindi na niya alam kung ano ang kanyang ginagawa. Siya, marami siyang ‘sulsoltan.' Ganun si Gabby, madaling masulsulan."

Isa-isang sinagot ni Mrs. Rose Flaminiano, o mas kilala sa tawag na Mommy Rose sa showbiz, ang lahat ng isyung ibinabato sa kanya ng talent niyang si Gabby Concepcion.

Nagpatawag si Mommy Rose ng isang presscon kasama ang kanyang legal counsel na st Atty. Bonifacio Alentajan noong Miyerkules, September 17, sa Hotel Rembrandt sa Quezon City, para sagutin ang mga paratang sa kanya ni Gabby sa interview nito sa The Buzz noong September 14.

Una na rito ang tungkol sa diumano'y patong na P25,000 sa kontrata ni Gabby sa kanyang show sa PAGCOR.

"Bakit niya ako ngayon aakusahan sa twenty-five thousand?" tanong ni Mommy Rose. "Imagine, ako lahat ang gumagastos. Siguro si Atty. Alentajan [na katabi niya that time], kaibigan ko ito, pero hindi ko naman pababayaan kahit paano na hindi ako magbabayad.

"Naka-amerikana [tuxedo], nagpapalinis pa ‘yan [Gabby] ng amerikana. Pero ang asawa ko [Atty. Ed Flaminiano], pumupunta doon [sa hearing ng mga kaso ni Gabby] nang walang bayad alang-alang sa akin. Walang attorney's fee kahit singko sentimos, wala siyang ibinayad.

Continue reading below ↓

"Ako ang nagpiyansa, ako ang nagbabayad lahat. Ano pang ano? Magtutuusan kami? Baka siya pa ang talagang sumobra ng ano sa akin kapag nagtuusan kami? Biro mo, twenty-five thousand sa harap ng telebisyon sasabihin niya. Di ba, nakakahiya yun?

"Hindi ko lang masabi that time, siyempre may P11 million ako naisampa sa kanya. Every month, two million mahigit, plus one million ang teleserye [Iisa Pa Lamang]. E, di tatlong milyon yun? ‘Tapos aakusahan niya ako sa twenty-five thousand? Ano ba yun? Ang babaw!

"Kaya yun 'pag naalala ko yun, kaya ako napahagulgol talaga ng iyak, kasi yung totoo naman, nung sinundo ko siya sa Amerika, talaga naman, maayos naman siya. Natuwa ako sa kanya kaya ganun na lang ang pagtingin ko. Siya ang naghuhugas ng pinggan. Siya yung doon sa bahay niya, nung naglipat siya, nakita ko na mag-isang naglilipat. Siyempre, nung nakita ko siya, ‘Oy, pagdating natin sa Pilipinas, wala na 'yan. Hindi mo na dadanasin ‘yan. Ikaw Gabby, pagdating natin, makikita mo kung paano ko ipagtatanggol, kung paano kita iaangat ulit.'

Continue reading below ↓

"Nakita niyo naman na walang nangyari sa buong industriya sa pelikulang Pilipino na bumalik na ganyan kainit. Tama o mali? Hindi kasi ako talaga, kinu-consider ko, naging challenge sa akin yung pagbabalik ni Gabby. Kaya ako, super ang ligaya ko nung siya'y nakaahon. Kaya lang, yun nga ang inaano ko, kung bakit napakaliit na bagay.

"Assuming, sige na, P150,000 nga yun, P125,000 ang napunta sa kanya, yung P25,000 ba, dapat ba ipagmarakulyo ng ulo mo sa isang nakapagbigay, ako, ng ilang milyones na? Mga eight to ten million, ‘tapos eleven million? Iba pa yung mga inaayos ko para maging Ambassador of Good Health and Education siya. Siya mag-aayos ng mga nutrition. E, ngayon, nagkagulo kami. Meron pa bang sponsor na puwedeng pumayag? Meron pa bang mga kukuha na puwedeng pumayag?

"Ang sinasabi, pinapalitaw sa akin ngayon, meron daw isang mayaman na magdedepensa sa kanya. Isang mayaman na talagang tutulungan siya sa kaso. Okey lang. E, hindi ko alam kung sino yun."

Continue reading below ↓

REAL REASON OF GABBY'S RETURN. Totoo ba na ang rason ng pag-uwi ni Gabby sa Pilipinas ay dahil sa maysakit niyang ama na si Rolly Concepcion?

"Actually, hindi ko narinig ‘yon. Nahihiya man ako, ‘no, tutal narito na tayo sa gathering natin ngayon, yung katotohanan lang... Kasi meron akong narinig, sabi ni Jobert [Sucaldito], kaya lang daw siya sumama sa akin, natumbok ko yung ano ni Gabby, na gusto niyang makita ang tatay niya. Hindi," mariing sabi ni Mommy Rose.

"Nung nagkikita kami sa Hawaii, sa Max's restaurant, sabi ko sa kanya... Kasi talagang guwapo pa siya, e, talagang puwede pa siya. ‘Naku, Gabby, puwede ka pa sa pelikula. Kalangan ka namin. Tara, gawa tayo ng pelikula.'

"Sabi niya, 'Parang ayoko nang umuwi.' Sabi ko, ‘Anong problema mo?' Until finally, nasabi niya sa akin yung mga kaso, yung mga ganyan. Sabi ko, ‘O sige, ayusin ko yun. Ire-research ko yun kung ano yun para malaman ko na puwede ka nang makabalik.

Continue reading below ↓

"So, inayos namin yun dito bago siya bumalik. Kaya nung bumalik siya, ayos ang lahat. Pati yung piyansa niya, binayaran ko. Hindi dahil sa tatay. Nung nalaman ko na lang doon sa The Buzz, na gusto niyang makita ang tatay niya. Pero sa akin, hindi na ako aano doon, tutal ama naman yun, di ba?

"Pero ang totoo, paanong sa ama niya, e, nagkontratahan? Nung sinundo ko siya, meron akong kontrata ng ABS-CBN? Alam niya na gagawa siya ng teleserye. Alam niya na gagawa siya ng pelikula. It's a three-picture contract. Yung teleserye nila, alam niya yun. Kaya yung tatay, hindi ko alam yun."

GABBY'S LEGAL WOES. Ano yung inayos niya bago bumalik si Gabby ng Pilipinas?

"Inayos namin yung bigamy [case] niya. Tiningnan namin kasi may mga piyansa yun. Kasi may warrant of arrest; 1997 pa, meron nang warrant of arrest. Kaya nga nung bago dumating ‘yan, parang meron akong sasabihin sa inyo, pero ayoko nang magbanggit sa inyo. ‘Naku, Mommy Rose, natatakot ako diyan, baka nakakahiya ‘yan. Baka pagdating niyan naka-posas ‘yan. Nakakahiya, e, ang daming nagsasabi poposasan daw.' Sabi ko kay Gabby, ‘Huwag ka nang mag-alala. Basta ako na ang mag-aayos niyan. Sagot ko ‘yan.' Walang nangyari. Naayos siya."

Continue reading below ↓

Ano yung mga kaso ni Gabby na inayos niya?

"Dalawa yun, e. Dalawang falsification ng public documents at isang bigamy."

Sinabi rin ni Gabby sa The Buzz na siya na mismo ang nag-ayos ng Tax Identification Number (TIN) niya at Alien Emergency Certificate, hindi si Mommy Rose.

"Okey, nung dumating siya, ibinigay ko sa kanya ang tax account number niya. Sabi niya sa akin, ‘Ay, mabuti pala may tax account number na ako.' Oo, kasi gagamitin nga pag-open ng account, e. Sabi niya, ‘O, sige.' Sabi niya meron siyang accountant noon pa. Ang pangalan, Jon Vitug. Ah, o sige, okey ‘yan.

"Tungkol naman sa Immigration niya, inaano ko raw siya, tine-threaten ko, hina-harass ko. Ako yung nagmamalasakit sa kanya, iha-harass ko siya? Yung sinasabi niyang Immigration, ang sabi niya sa akin, three or four months ago, sabi niya, ‘Mommy Rose, meron na akong certificate ng dual citizenship ko.' E, di natuwa naman ako.

Continue reading below ↓

"‘Tsaka in the first place, wala naman sa kontrata ako ang mag-aayos ng Immigration niya. Wala namang Immigration office na extension doon sa opisina ko. E, kung anak ko, apo ko na American citizen hindi ko maayos, siya pang kumikita at marami naman siyang puwedeng utusan?

"Number two, yung BIR niya, hindi naman ako accountant. Malay ko! Sabi niya, meron naman siyang Jon Vitug. Malay ko kung meron din siyang i-declare na iba? Bakit ko pakikialaman? Parang napakababaw, nakakasakit talaga ng ulo. Kaya nung Linggo [September 14] na yun, ayokong panoorin, e. Pero napilitan ako. ‘Naku, dyusko, ang babaw pala nito!' Akala ko kung ano ang mga pinagsasabi niya.

"Ang pinakamasakit doon sa akin, yung P25,000. Sabi nga ng kakilala ko, ‘Naku, Mommy Rose, ano ba naman 'yang alaga mo? Twenty-five thousand samantalang...Di ba? Kung P100 million ‘yan, puwede pa. Masyadong ano, ewan ko."

UTANG NA LOOB. May nagtanong kay Mommy Rose kung hanggang kailan at hanggang saan ang pagtanaw ng loob.

Continue reading below ↓

"Sa akin, nahihiya akong sabihin sa kanya, ‘Wala kang utang na loob!' Yung utang na loob, ‘pag tiningnan mo, parang ayokong manggaling sa akin yun. Kasi lahat naman yun, talagang bukal sa kalooban ko na tulungan ang isang Gabby Concepcion. Natural sa kultura ng Pilipino kapag tinulungan mo, lahat naging honest ka sa kanya.

"Limang buwan ko siyang pinagtiyagaan. Sabi nga minsan, iko-quote ko na si Malou [Santos, managing director ng Star Cinema], ‘Bakit naman kasi sama ka nang sama kay Gabby?' Siyempre, tinitingnan ko kung paano yung reception sa kanya ng tao.

"Ngayon, nasa sa kanya na yun kung tumanaw siya ng utang na loob. Pero kung baligtarin mo, ako si Gabby Concepcion, siya si Mommy Rose, talagang tatanaw ako ng utang na loob dahil si Mommy Rose nagpakahirap. Yung major effort niya, lahat ng effort niya para maibalik niya ng Pilipinas. Lahat ng tinatamasa niyang tagumpay niya ngayon, hindi mo naman puwedeng sabihin na hindi yun galing sa akin.

Continue reading below ↓

"Sana lang, magkaroon siya ng puso. Buksan niya ang kanyang pag-iisip. Kasi minsan si Gabby, ganun, e. Parang hindi na niya alam kung ano ang kanyang ginagawa. Siya, marami siyang ‘sulsoltan.' Ganun si Gabby, madaling masulsulan."

Halimbawang magmakaawa si Gabby na patawarin na, idi-dismiss ba niya ang kaso laban sa aktor na isinampa niya sa korte?

"Actually, yung totoo din, ayoko namang maglumuhod siya. Ayoko naman na magmakaawa siya. Makita ko lamang na sincere na sincere ang kanyang pagsisisi na ginanun niya ako, talagang parang pakiramdam ko nabasura ako. Ang pakiramdam ko, bakit ngayon? Ang pakiramdam ko, pinagnakawan ko siya ng pera. Ano ba yun? Wala akong... Yun talaga ang sama ng loob ko, ganun-ganun na lang. Pero tatanggalin ko ‘yan dahil siyempre ako, parang ina sa kanya, puwedeng magpatawad ng anak."

CLICK HERE TO READ PART II.

Read Next
Read More Stories About
Gabby Concepcion
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rose Flaminiano (left) on Gabby Concepcion: "Sana lang, magkaroon siya ng puso. Buksan niya ang kanyang pag-iisip. Kasi minsan si Gabby, ganun, e. Parang hindi na niya alam kung ano ang kanyang ginagawa. Siya, marami siyang ‘sulsoltan.' Ganun si Gabby, madaling masulsulan."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results