Piolo Pascual hopes his film with Angel will not clash with Dingdong-Marian movie

by Rose Garcia
Sep 18, 2008
"Sana huwag namang magkatapatan para parehong mag-benefit. But just in case, labas na kami roon. Network na ang magkalaban diyan. But if you'll ask me, mas better siguro na magtulungan instead of magtapatan. Para pareho namang kumita kesa pagtapatin mo sa box office," says Piolo Pascual about the possibility of his movie with Angel Locsin clashing with the movie of Dingdong Dantes and Marian Rivera.

Medyo umitim ang kulay at medyo pumayat si Piolo Pascual nang humarap siya sa media kaninang tanghali, September 18, sa Ruby Room ng Crowne Plaza sa Ortigas, Pasig City, para sa press conference ng Pond's nila ni Dingdong Dantes.

Kadarating lang daw ni Piolo mula sa Bukidnon para sa shooting ng pelikula nila ni Angel Locsin under Star Cinema. Bukas, September 19, ay babalik daw ulit si Piolo roon.

"I was there for almost three weeks. Shooting every day with Angel. Catching the beautiful sight of Bukidnon. It's something that I don't really think na magagawa ko in my career and I'm really enjoying it, yung pagho-horse ride, yung pagiging ranchero. So, nakakatuwa," lahad ni Piolo sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at sa iba pang entertainment press.

Ayon kay Piolo, this November na raw talaga ang playdate ng movie nila ni Angel. May balitang yung sisimulan daw na movie nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa GMA Films ay November din ang playdate. Kung saka-sakali, posible pala silang magkatapatan. Ano ang masasabi ni Piolo rito?

Continue reading below ↓

"Sana huwag namang magkatapatan para parehong mag-benefit," sagot niya. "But just in case, labas na kami roon. Network na ang magkalaban diyan. But if you'll ask me, mas better siguro na magtulungan instead of magtapatan. Para pareho namang kumita kesa pagtapatin mo sa box office.

"Kasi, napakarami namang araw. Napakarami namang araw na puwedeng ipalabas ang mga pelikula namin. So I think, they should realize that we should both benefit and sana wala na lang competition," asam pa ni Piolo.

BIG STARS FROM DIFFERENT NETWORKS. Sosyal ang ambience sa Crowne Plaza kanina. Pareho ring naka-coat and tie sina Piolo at Dingdong nang humarap sa press. Tulad ng pagpasok nila sa TV commercial ng Pond's, magkahiwalay na entrance din ang pinasukan ng dalawa when they were introduced.

Kahit napapanood na ang TVC nila, tila marami pa rin ang nagugulat sa pagsasama nina Piolo at Dingdong—na itinuturing na pinakamainit na young actors ng competing networks—sa isang product endorsement.

Continue reading below ↓

Kumusta naman ang naging working relationship nila ni Dingdong?

"Dong and I are also good friends. Wala kaming problema ni Dong. Nagkasama na kami sa show before sa Japan. And then, nagkasama na kami sa awards night. I'm just happy knowing that he's doing so much, [and doing] very well now in his career. And there's so many things in store for him," pahayag ni Piolo.

Very welcome daw kay Piolo ang pagsasama nila ni Dingdong—isang Kapamilya at isang Kapuso—sa isang product endorsement.

"Yeah, napakaliit naman ng showbiz natin para hindi kayo magkasalubungan, magkatrabaho. So, I'm always open for anything. Especially makatrabaho ka na first time mong makasama. Kahit na sino, para hindi ka rin naman malimitahan, di ba?"ani Piolo.

Masasabi ba niyang si Dingdong na ang kanyang counterpart sa GMA-7?

"I don't wanna call it such, pero masaya naman po ako sa mga nangyayari kay Dingdong ngayon. Knowing that he is growing as an actor. But personally, I think I don't want to compete with them or to anyone. I'd rather do my job and be better with what I do," ani Piolo.

Continue reading below ↓

PIOLO AS PRODUCER. Nagsisimula na si Piolo na mag-venture into film producing sa independently produced film na Manila. Posible rin kaya na mag-produce siya ng pelikula ‘tulad halimbawa na silang dalawa naman ni Dingdong ang leading men at puwedeng si Marian Rivera ang leading lady nila?

"That remains to be seen...we're talking. We have a common friend, si Direk Joyce Bernal [director of Dyesebel]. And you know, Dingdong is also a director, he's a filmmaker, so we both wanna grow in our craft. So, it's a possibility," saad ni Piolo.

Pagkatapos ng Lobo, ano na ang susunod niyang drama series sa ABS-CBN?

"I'll be doing a soap and a movie after this project with Angel," pagbabalita niya. "But again, I cannot disclose it yet, medyo confidential pa. But I'll be definitely doing a new soap opera and a movie. But I am focusing more on my movie with Angel, kasi malapit na siyang ipalabas. And I'm also touring with Sam [Milby] in Europe for a concert."

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Sana huwag namang magkatapatan para parehong mag-benefit. But just in case, labas na kami roon. Network na ang magkalaban diyan. But if you'll ask me, mas better siguro na magtulungan instead of magtapatan. Para pareho namang kumita kesa pagtapatin mo sa box office," says Piolo Pascual about the possibility of his movie with Angel Locsin clashing with the movie of Dingdong Dantes and Marian Rivera.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results