Judy Ann Santos keeps options open regarding network transfer

Sep 22, 2008
"Hindi ko pa alam, hindi ko pa talaga alam. Hindi pa naman natatapos ang kontrata ko [sa ABS-CBN]. At the same time, I've talked to them din naman na. I'm keeping my doors open. Kung ano't anuman, trabaho na lang ako ngayon," says Judy Ann Santos about the possibility of switching channels.

Ginanap kagabi, September 21, sa Imperial Palace Suites ang second presscon ng 48th anniversary offering ng Regal Entertainment, Mag-Ingat Ka Sa...Kulam. Homecoming project din ito ni Judy Ann Santos sa Regal kung saan katambal niya sa kauna-unahang pagkakataon si Dennis Trillo, bagamat nagkasama na sila noon sa Aishite Imasu.

Bago ang press conference, napanood muna si Juday noong tanghali sa musical variety show ng GMA-7, SOP. Nagkaroon ng victory party para sa pagkakapili ng kanyang pelikula, Ploning, bilang Philippine entry sa best foreign language film category ng Oscar Awards.

Masaya raw si Juday sa importansiyang ibinibigay ng GMA-7 sa kanya.

"Nakakatuwa, di ba?" sambit ng aktres. "Well, sa bawat guesting ko naman sa GMA, ipinaparamdam talaga nila na well treated yung number ko, may special na partisipasyon talaga ang GMA sa bawat ginagawa ko kaya sobra kong naa-appreciate yun. Kasi hindi naman sa lahat ng oras nagagawa ng mga tao yun. Yung sa Ploning naman kasi, sila [GMA-7] yung tumulong kaya mas karapat-dapat lang din naman na sa kanila ako magpunta para magpasalamat."

Continue reading below ↓

Pero pinauna na agad ni Juday na baka naman daw bigyan agad ng ibang kahulugan ng mga tao ang sinasabi niya about her recent guesting sa SOP.

"Baka naman isipin ng mga tao nagpapaka-bitter na naman ako. Wala na yun. Baka kapag lumabas ito, iba na naman ang effect sa mga tao. I don't want them to think na hindi pa ako nakakatapos doon. Kumbaga, masyado na akong matanda para mag-dwell pa sa mga ganoong klaseng isyu. Kumbaga, marami na akong pinagsisihan. Marami na akong natanggap and okey na ako kumbaga," saad ni Juday.

Ano yung mga pinagsisihan niya na yun?

"Siyempre, may mga bugso ng emosyon na may mga bagay kang nasasabi na sa dala ng sama ng loob, nari-realize mo rin na parang sana hindi na lang ako nagsalita ng ganoon. Hindi pa sana lumaki ang isyu. We could have talked about it behind closed doors. Kaya lang, tao lang naman ako," pahayag niya.

Continue reading below ↓

Matatandaang naging vocal si Juday noon sa kanyang sama ng loob sa ABS-CBN at Star Cinema dahil sa pagkakasabay ng playdate ng Ploning at When Love Begins nina Aga Muhlach at Anne Curtis. Dahil sa nangyari, bagamat Kapamilya si Juday ay sa GMA-7 siya nag-promote ng kanyang pelikula.

Sa mga pangyayari, hindi pa rin namamatay na usap-usapang paglipat niya sa Kapuso network. O mananatili pa rin siyang isang Kapamilya?

"Ako? Hindi ko pa alam, hindi ko pa talaga alam. Hindi pa naman natatapos ang kontrata ko [sa ABS-CBN]. At the same time, I've talked to them din naman na. I'm keeping my doors open. Kung ano't anuman, trabaho na lang ako ngayon."

Hindi pa naman daw tapos ang kontrata niya sa ABS-CBN, at sa pagkakaalam daw niya, till next year pa naman ang contract niya rito.

TOGETHER AGAIN. Mahigit isang buwan din silang nagkahiwalay ng boyfriend niyang si Ryan Agoncillo nang mag-taping si Ryan for his new show sa ABS-CBN, Pinoy Fear Factor, sa Argentina. Pagdating ni Ryan, nag-out-of-town daw sila at naging bonding time na rin nila. How was it?

Continue reading below ↓

"Masaya, masaya!" bulalas ni Juday. "Relax lang kami ngayon, yung making up for the lost time. But since matatanda na kami para riyan, kailangan din naman naming kumayod na dalawa."

Pinakamatagal na raw nilang paghihiwalay ni Ryan yun.

"Oo naman! Pero feeling ko, may ways talaga si Lord kung bakit pumayag siyang magkalayo kami ng ganoon katagal. Marami kaming na-realize, marami kaming natutunan. Marami kaming napagdaanan na naisip namin, test of patience, test of trust. Test of everything actually yung distance na ibinigay na yun.

"Kung hindi kayo talaga matibay na couple, siguro naligwak na kayo ni wala pang dalawang linggo. Siyempre, kapag may misunderstanding, walang time para maayos. Huwag nang agad-agaran, kasi hindi kayo nagkikita."

In one interview, nasabi ni Ryan na kung siya ang masusunod, gusto niyang magpakasal na sila ni Juday. Ano ang reaksiyon dito ni Juday?

"Basta ba kaya bakit hindi, di ba?"

Bakit mukhang siya lang yata talaga ang may apprehension pa?

Continue reading below ↓

"Hindi naman. Nirerespeto lang ni Rye yung sinabi ko na let's take our time. Sa ngayon, masasabi kong it won't happen next month or earlier, pero hanggang salita lang naman ako. Marami pang puwedeng mangyari.

"Kung anu't anuman ang puwedeng mangyari, let's say, next week, magpakasal kami, huwag naman sanang magalit or magtampo. May mga bagay-bagay na napagdidiskusyunan na mas maganda at mas natutuloy kapag hindi pinaplano, di ba? Mas maganda pa nga ang kalalabasan," lahad ni Juday.

Pero kung may sigurado man daw, hindi raw sila magpapakasal ni Ryan sa ibang bansa.

"Ayaw naming magpakasal sa ibang bansa kasi may divorce!" tawa niya.

Next week ay aalis uli ng bansa si Juday. Pupunta siya sa Los Angeles para i-lobby ang Ploning at upang dumalo sa mga meeting for her production's Oscar entry. Mami-miss nga raw niya ang first day ng Mag-Ingat Ka Sa...Kulam sa October 1.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Hindi ko pa alam, hindi ko pa talaga alam. Hindi pa naman natatapos ang kontrata ko [sa ABS-CBN]. At the same time, I've talked to them din naman na. I'm keeping my doors open. Kung ano't anuman, trabaho na lang ako ngayon," says Judy Ann Santos about the possibility of switching channels.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results