Manager Rose Flaminiano discusses contract with Gabby Concepcion

IMAGE 0


"Ang proseso po, karamihan lahat po pinapangalan sa akin angtsekse. Pero ibinibigay ko po sa kanya ang kanya, yung kanyang 80 percent, and Iget my 20 percent," says Mrs. Flaminiano about her commission from the talent fee of Gabby Concepcion (inset).



Natuloy rin ang pagharap ng business manager ni GabbyConcepcion na si Mrs. Rose Flaminiano, o mas kilala bilang Mommy Rose, sa TheBuzz last Sunday, September 21.

Supposedly, magbibigay ng kanyang panig siMommy Rose two Sundays ago sa The Buzz kasabay ng pagsisiwalat ni Gabby ngkanyang mga hinaing sa kanyang business manager. Pero hindi sinipot ni Mommy Rose ang kanyang unang natanguanginterview kay Boy Abunda.

Paliwanag ni Mommy Rose, "Alam mo, Tito Boy, that time kasinung natanggap ko ang sulat ni [Atty. Raymund] Fortun [Gabby's lawyer], parangnaisip ko kung pupunta ako sa ‘yo, wala akong abugado. Hindi ko pa napapabasaat, siyempre, gusto ko kung ano ang bitawan ko kailangan, e, meron din kamingkumperensiya ng aking magiging abugado rin."

Nakakuha na nga ng abogado si Mommy Rose sa katauhan ni Atty. Bonifacio Alentajan.

Unang pinalinaw ni Boy ang sinabi ni Gabby na pumirma siya ng kontrata kay Mommy Rosebilang manager nang magkita sila sa Amerika, January 2008. Pero pagdatingsa Pilipinas, sinasabi ni Gabby na nakita niya na April 2008 ang nakalagay sakontrata niya.

"Ang totoo po niyan, ‘eto pong aking hawak ngayon [nadokumento], April 1. Kasi po nung dumating kami, March 30. Kinabukasan, nag-breakfast kami sa bahay, April 1, 2008. Wala po akong natatandaan talaga,"sabi ni Mommy Rose.

Dito raw talaga sa Pilipinas sila nagpirmahan ng kontrata niGabby at dito rin ipina-notaryo ang naturang kontrata. Sinilip ni Mommy Roseang kontrata nila ni Gabby na nagsasaad ng ilang detalye, gaya ng pagbibigaykarapatan sa kanya na mag-negotiate at tumanggap ng kanyang talent fee on his behalf.

Binasa ni Mommy Rose ang nakasulat sa kontrata: "‘It is inthe condition of this management contract that artist/talent shall notnegotiate directly or indirectly with any person company, corporation regardingmaking political, commercial endorsement and alike [sic] unless by the talentmanager.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"'On the above mentioned talent fee, business talent managershall be entitled to charge the 20 percent commission thereof.' Doon po sa kanyangteleserye [Iisa Pa Lamang] and pelikula niya sa ABS-CBN dahil iba po yung sakanya, iba po yung sa akin.

"‘But on political commercial endorsement, personalappearance like corporate shows and alike, business talent manager shall beentitled to receive 20 percent commission. That business talent manager shalldetermine the price of the talent fee from political, commercial endorsements,and personal appearances and alike [sic].'"

Tinanong din ni Boy si Mommy Rose kung paano ang proseso ngbayaran sa kanila ni Gabby.

"Ang proseso po, karamihan lahat po pinapangalan sa akin angtsekse. Pero ibinibigay ko po sa kanya ang kanya, yung kanyang 80 percent, and Iget my 20 percent," saad ng business manager.

Kasunod ng mga paglilinaw ni Mommy Rose, hindi na niyanapigilan ang maiyak.

"Bakit ginawa ni Gabby na parang binasura niya ako? Hindi paniya ako kinakausap. Yung huli po niya,FYI. Wala na pong... Dati-rati po ‘yan,‘Good morning, Mama Rose.' Ngayon angsulat, ang kukunin niya sa akin, FYI."

Natanong muli si Mommy Rose tungkol sa mga taong nakapaligidat diumano'y nagsulsulsol kay Gabby, partikular na si Nadia Montnegro.May balak ba siyang idemanda ang dating aktres?

"Ano po ang makukuha ko sa kanya? Kundi, sabi ko nga,mantika lang po. At ako po, corn oil poang ginagamit ko na."

Sa huli ay nagbigay ng mensahe si Mommy Rose kay Gabby.

"Gabby, alam mo naman na ako'y naging totoo sa ‘yo. Transparentako sa lahat ng bagay. May edad ka na, mag-isip ka na. Alam mo kung alin angtama at mali. Alam mo kung ikaw ay nasusulsulan o hindi. Ako, ‘eto ako, nagsalitaako dahil nauna ka. Masakit man sa kalooban ko ay ginawa ko ito paramaipagtanggol ko rin ang sarili ko. I'm sorry, Gabby."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinubukan ding kunin ng The Buzz ang panig ni Nadia, peroisang text message lang ang ibinigay niya: "Hahaha! Yun lang ang reaksiyon ko.Huwag muna. Thanks."

Pero sa isang exclusive interview ng PEP (PhilippineEntertainment Portal) kay Nadia, nagbigay siya ng pahayag tungkol sa mgasinabi ni Mommy Rose laban sa kanya. Sinabi niya na hindi siya bababa sa lebel ng business manager ni Gabby. (Click here to read related article.)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN