Judy Ann Santos put off by questions way beyond wedding with Ryan Agoncillo

IMAGE 0


"Nariyanna yung kesyo ilan ang anak, kung saan papag-aralin. Nakakawindang sagutin! Kasi katulad ng tanong na kung saangagawin ang honeymoon, e, wala pa namang kasal. Ni hindi pa nga detalyado angkasalang magaganap, kung anu-ano na ang pumapasok sa isipan ng ibang tao," complains Judy Ann Santos.



Parangnapakaraming naghihintay sa mga mangyayari sa tila inaapurang pagpapakasal ninaJudy Ann Santos at Ryan Agoncillo. Ipinagtapat ni Juday sa PEP (PhilippineEntertainment Portal) na nakakagulat nga ang maraming tanong, lalo na yung maykinalaman sa honeymoon at iba pang patungkol na sa mag-asawa ang dating.

"Nariyanna yung kesyo ilan ang anak, kung saan papag-aralin," napapailing na sabini Juday. "Nakakawindang sagutin! Kasi katulad ng tanong na kung saangagawin ang honeymoon, e, wala pa namang kasal. Ni hindi pa nga detalyado angkasalang magaganap, kung anu-ano na ang pumapasok sa isipan ng ibang tao.

"Kungiisipin pa yung schedule, like after Mag-ingat Ka sa... Kulam, anu-ano pa baang movies na pagkakaabalahan ko bago mangyari ang kasalan? Naku, baka hindi namatuloy pa ang kasalan, lalo na ang honeymoon! Iintindihin pa namin kung paanomaisisingit yun dahil parehong nakaprograma na ang buhay namin for the nextthree years.

"Bastakung nariyan na, yun na. Sige, gawin na lang ang dapat!" saad ni Judy Ann.

Peronakahanda na raw si Juday sa ganitong sitwasyon. Ang iniintindi niya, bago manlang sumapit ang mismong wedding day, masasabing naayos na niya ang lahat ngproblema.

"Gustoko lang yung maayos," sabi niya. "Hindi naman mawawala ang problema.Even during or after the wedding day itself, manganganak at manganganak ang mgaproblema, and I'm expecting the worst.

"Yunnga lang, kahit paano, yung may kapanatagan naman ang loob ko, bago man langkami humarap sa altar, yung nakakahinga naman kami nang maluwag-luwag. Ayokolang yung parang may kasalan nang magaganap, iniisip mo pa yung mga mabibigatna problema."

BIR PROBLEM. Maymga nagsasabing ang hindi basta ikinatatahimik ni Juday ay ang problema niya saBIR (Bureau of Internal Revenue). Hindi na nga raw ito mase-settle amicably.

"Ginawako na ang lahat ng dapat gawin," sabi pa ni Juday. "Hindi naman ito yungbasta pinabayaan ko na lang yung posibleng maging solusyon, o nagpadala ako sa sinasabingprinsipyo. There are principles involved, pero nagpapasalamat nga ako. Maramiang lumalapit para matulungan ako at maisaayos ang problemang ito. Pagdating diyan,I'm always looking at the worst scenario. Hindi ako kampante."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Anoang sinasabi ni Ryan sa kanya about this problem?

"He'salways been supportive. Pero ang sa akin kasi, problema ko ito. Ako dapat angmagso-solve nito. Kung may ibang tutulong, tatanggapin ko naman. Pero angbottomline nito, ako ang may problema nito, ako pa rin ang gagawa ng paraanpara masolusyunan.

"Alamko namang nariyan lang si Ryan. Sinasabi lang niya, aaayos din 'yan. Pero,hindi naman siya yung tipong sinasabi na niya sa akin kung ano ang gagawin athindi ko dapat gawin. Sinasabi lang niya yung suggestions niya, at ako pa rinang didiskarte sa sarili kong problema, lalo na pagdating diyan sa taxes,"pahayag niya.

STRONGER PERSONALITY. Maramiang nakakapuna, stronger ang personality ni Juday kesa kay Ryan, pero hindiagree rito ang aktres.

"Masmalakas pa rin ang personalidad ni Ryan, lalo na sa pagdedesisyon,"pagtutuwid ni Juday. "Naiisip lang ng mga tao na ako yung mas malakasdahil mula sa pagkabata ko, nakita na nila kung paano ako dumiskarte.

"Tahimiklang si Ryan, pero siya yung tipong nag-iisip talaga. Don't underestimate him.Hindi magwu-work ang relationship namin kung hindi namin pinagtutulungan angmga problemang dumarating, na para bang ako lang ang aako. Nakikinig kami saisa't isa. It's a two-way relationship."

Nagdedebatepa rin sila ni Ryan tungkol sa maraming bagay, pero aminado si Juday, kadalasanay si Ryan ang may punto.

"SiRyan, hindi lang 'yan nag-iisip ng isang way. Iniisip din niya ang pupuwedengmangyari pagkatapos gawin. Yung consequences, alam niya agad 'yan, e.

"Hindisiya yung tipong kapag napagdesisyunan na, yun na yun. Mag-iisip pa siya ngalternative. What if, hindi umubra yung isa? Dapat may pangalawang plan,"paliwanag ng aktres.

Kahitnga sinasabi ni Juday na kung gugustuhin niya, by 2009, magpapakasal na sila,still, may mga bagay pang dapat ayusin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ijust want to be honest na kung pupuwede na, sana, next year na. Pero pag-uusapanpang mabuti 'yan. Alam kong gusto na rin ni Ryan, pero hindi nga ganoon kadaliang lahat para sa amin. Kung nariyan 'yan, mangyayari na lang," pagwawakasni Juday.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN