Gretchen Barretto refutes Ricky Lo's report that Tonyboy kicked her out

Sep 26, 2008
"Mali ang source ni Ricky Lo. Hindi kami nakatira sa Forbes Park. Matagal na kaming nakatira sa Dasmariñas Village at hindi ako pinalayas dahil hindi ko naman pahihintulutan na mangyari ‘yon. I still live there together with my daughter and I am very happy right now. I was sick for 10 days and it was Ruffa [Gutierrez] who told me na may isyung I was thrown out of the house. That's a big lie," says Gretchen Barretto.

Pinagkaguluhan agad si Gretchen Barretto ng iba't ibang mga TV crew pagdating niya sa birthday celebration ni Sen. Bong Revilla sa C3 Events Place, San Juan. Ito kasi ang first public appearance ni Gretchen pagkatapos lumabas ang balitang pinalayas siya ng live-in partner na si Tonyboy Cojuangco sa Forbes Park.

"Mali ang source ni Ricky Lo. Hindi kami nakatira sa Forbes Park. Matagal na kaming nakatira sa Dasmariñas Village at hindi ako pinalayas dahil hindi ko naman pahihintulutan na mangyari ‘yon. I still live there together with my daughter and I am very happy right now. I was sick for 10 days and it was Ruffa [Gutierrez] who told me na may isyung I was thrown out of the house. That's a big lie," paglalahad ni Gretchen, salungat sa sinulat ni Ricky Lo sa kanyang Funfare column (Philippine Star, September 19).

Did she take it against Ricky Lo?

"Uh, alam mo, hindi naman maaalis na showbiz figure ako, pag-uusapan at pag-uusapan. So, ah...kaya lang marami kasing nagulantang, e. Yung lumabas yung isyu na ‘yon na naghiwalay kami... Ang daming nag-crash diet. Akala nila yung wedding next month na. So... ‘My God, hiwalay na siya. Ikakasal na siya!' Ang dami nang istoryang lumabas. Ang dami nang hindi kumain, ganun. Sabi ko, wait a minute. Don't get excited. I wanna decide in my time, in the right time, you know."

Continue reading below ↓

Kabilang kasi sa mga isyu't intriga na kunektado kay Gretchen, ang pangakong kasal diumano sa kanya ng nali-link sa kanyang si Dody Puno sa sandaling makipaghiwalay si Gretchen kay Tonyboy. Kaya tuloy nabanggit ni La Greta na tiyak na marami nang nag-aakalang ikakasal na nga siya kay Dody dahil sa isinulat ni Ricky Lo.

Hindi naman daw gagawin din yun ni Tonyboy sa kanya.

"Bakit niya gagawin yun? Kaya naman niyang magpatayo ng bahay, e. Hindi na niya ako kailangang i-kickout. Pang-ilang issue na ba itong kick-out-kick-out? Ang dami na. Parang luma na nga, e. Sana bago naman."

TSISMIS MAGNET. Sabi nga ng manager niyang si Boy Abunda, talagang habulin si Gretchen ng mga kontrobersya at tinawag na nga siyang "tsismis magnet."

"Oo nga, ina-accept ko na ‘yan."

Ano ang plano niya sa mga paulit-ulit na tsismis sa kanya?

"Wala lang. Only time can prove it, di ba? And the truth... so, wala lang."

Continue reading below ↓

Ano naman ang feeling niya na lagi siyang natsitsismis?

"Sabi ko na lang, ‘Ano ba ‘yan? Wala nang katapusan ‘yan? Iba naman.' That's how I feel."

Ano naman ang reaksyon "niya"?

"Sinong ‘niya'? Ha-ha-ha!"

Si Tonyboy, tukoy namin.

"Wala. Si Tony, medyo nainis kasi parang pinapamukha siyang masama."


May tsismis din na kahit na raw magkasama sila sa bahay ni Tonyboy hindi na ganun kaganda ang relasyon nila ngayon. Totoo kaya ito?


"Amin na lang yun. Ayaw na naming pag-usapan ‘yon. Ang buhay namin sa loob ng bahay, amin na lang ‘yon, di ba? Kung anong gustong isipin ng ibang tao sa kanila na lang rin lang ‘yon."

NADIA MONTENEGRO. Kumusta naman sila ni Nadia Montenegro?

"Asawa ko ba 'yun?"

Sa sagot na iyon ni Gretch, ibig sabihin ay hindi pa rin nagkakaayos ang dating magkaibigan.

Tiniyak din ni Gretchen sa PEP na hindi darating si Nadia sa party ni Sen. Bong.

Continue reading below ↓

Samantala, kunumpirma rin ni Gretchen ang sinabi ni Boy Abunda tungkol sa isang bonggang proyekto na gagawin niya.

"Oo, meron kaming dalawang announcements. Very soon! Career ito and the like. Good news ito," pagtatapos ni Gretchen.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Mali ang source ni Ricky Lo. Hindi kami nakatira sa Forbes Park. Matagal na kaming nakatira sa Dasmariñas Village at hindi ako pinalayas dahil hindi ko naman pahihintulutan na mangyari ‘yon. I still live there together with my daughter and I am very happy right now. I was sick for 10 days and it was Ruffa [Gutierrez] who told me na may isyung I was thrown out of the house. That's a big lie," says Gretchen Barretto.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results