Marian Rivera on showbiz rivalries: "Hindi po ako nakikipag- kumpitensiya."

IMAGE 0


Marian Rivera is currently busy with One True Love, her first movie team-up with Dingdong Dantes. The film, which also includes Iza Calzado, will be directed by Mac Alejandre.


"Masaya ako," sabi ni Marian Rivera sa entertainment press, kasama ang PEP (Philippine Entertainment Portal), na dumalawsa first shooting day ng One True Lovelast Wednesday, September 24, sa Vermont Park on Marcos Highway.

Nang usisain siya tungkol sa napabalitang breakup nila ngkanyang cager-boyfriend na si Ervic Vijandre, tikom ang bibig ng Dyesebel star.

"Basta masaya po ako ngayon," ang maagap niyang sagot. "Kung anuman ang nangyayari sa buhay ko, masaya ako. Basta trabaho lamang akonang trabaho at gusto ko lamang mapasaya ang mga fans at ang mga nanonood ngmga TV shows ko at pelikula. Ang dami pong blessings na dumarating kaya sapatna iyon para maging masaya ang buhay ko."

Extended pa nga ang Dyesebelhanggang October 17, at sa October 14 pa ang last taping day nila. Ayaw pangsabihin ni Marian kung ano ang magiging ending ng kanilang TV series niDingdong.

Sa October 6 magsisimula ang shooting ng Desperadas 2. Muli silangmagkakasama nina Ruffa Gutierrez, Rufa Mae Quinto at Iza, with EugeneDomingo, sa direksyon pa rin ni Joel Lamangan.

At pagkatapos noon, sisimulan niya ang bago niyang projectsa GMA-7 na isang full-length drama naman.

Binati si Marian ng mga reporter dahil sa lumabas nawrite-up tungkol sa Top 20 commercial endorsers ng YES! nagazine. Nasa pangatlong puwesto siya, kapantay si KCConcepcion. Number one si Kris Aquino at number two naman si SharonCuneta.

Ang kanyang "masa" appeal daw ang kinukunsidera ngmga kumukuha sa kanya na advertising agencies.

"Kaya very thankful po ako sa mga endorsements na dumaratingsa akin," nakangiting wika ni Marian.

Naikuwento rin niyang dalawa sa mgaproduktong inindorso niya ay nag-renew. Dagdag pa niya, "May isa po akongmalapit nang lumabas na TVC pero hindi ko pa puwedeng sabihin. Abangan nalamang ninyo."

At bukod sa pagsasayaw ay mayisa pa pinagkakaabalahan ngayon: ang pangkanta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, "Excited na po ako. Magbu-voice lesson pa munaako kasi may gagawin po akong album sa Universal Records na kakanta na akotalaga. Dance album po iyong first albumko sa Universal Records, na nakatanggap na ako ng Platinum record award mula posa PARI."

Isa raw "danceable" album ang binubuo para sa kanya, at baka next year na ito lumabas dahil hindi pa siya nagsisimula sa recording. Bukod pa rito, may isa pa siyang dance album na si Geleen Eugenio ang bahala sa choreography.

Biniro ng PEP si Marian tungkol sa kanyang a la Marimar dance. May mga nagsasabi kasi na dapat mag-aral siya ng ibang dance steps para maiba naman.

"Puwede po siguro," panimula ng young actress. "Pero hindi ko makakalimutan ang aking Marimar dance dahil pinaghirapan ko pong pag-aralan iyon. Doon akonakapasa bilang si Marimar at doon ako nakilala, malaki po ang utang na loob kosa sayaw na iyon."

Dagdag pa niya, "At alam ko po, hanggang ngayon, marami pa ringgumagaya sa sayaw na iyon, lalo na ang mga bata."

May nagsabi kay Marian na baka magkaroon na naman ngkumpitensiya kapag nagkatapat ang showing ng One True Love at angPiolo Pascual-Angel Locsin movie, na saNovember 12 ang playdate.

"Wala po naman sanang ganoon, para masaya anglahat," ang sabi ng 24-year old Kapuso star. "Ang alam po namin, late November 2008 ang playdate namin. 'Saka hindi poako nakikipagkumpitensiya. Noon po, inaaminko, naiiyak din ako sa mga intrigang nababasa ko, pero ngayon hindi na.

"Basta trabaho lamang ako nang trabaho attulad po ng lagi kong sinasabi, gusto ko lamang magpasaya ng mga fans at ng mgataong nanonood ng mga TV shows at movies na ginagawa ko," panghuling wika ni Marian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN