Aga Muhlach and family leave next month for the States

IMAGE 0


"Next year lahat. Kumbaga,magpapahinga na ako hanggang Christmas. Me and my family are leaving next month.We're rolling it for the States. So, we will be back for Christmas na,"announces Aga Muhlach.



Matipid ang naging pahayag ng aktor na si Aga Muhlach sa isyung kinasangkutanng misis niyang si Charlene Gonzalez at Kris Aquinokamakailan. May balitang lumabas na nagalit daw si Aga kay Kris dahil sainsidenteng naganap sa kanila ni Charlene sa fashion show ni Randy Ortiz.

"Wala naman akong ipinayokay Charlene," lahad ni Aga sa PEP (Philippine Entertainment Portal) nungdumalo siya sa birthday celebration ni Senator Ramon "Bong" Revilla.

"Ayos lang yun. Wala akodoon. Pero naayos naman lahat, e. All's well and ends well."

CANNOT COMMENT. Tinanong din si Aga tungkol sa pinsan niyang siLiezl Martinez na nababalitang diumano'y may sakit na cancer, at angpagbubulgar ng manager ni Gabby Concepcion na si Rose Flaminiano sa milyones natinatanggap ni Gabby sa kanyang teleserye sa ABS-CBN. Posible raw kasi nanaungusan na si Aga ni Gabby as far as talent fee in ABS-CBN is concerned.

"You know when it comes topeople's lives, it's really so hard to comment on them. When you asked me aboutKris Aquino, you asked me about my cousin, you asked me about Gabby... Imean, you know, I cannot comment on all of them. They have their own lives. So,I hope you understand. Yun lang po sa akin," pahayag ni Aga.

Pagkatapos ay tinanong siAga kung tuloy ba ang nababalitang paggawa niya muli ng pelikula sa StarCinema.

"Next year sa StarCinema. Tatlo ang makakasama ko."

Sinu-sino yung tatlongmakakasama niya?

"Next year na."

NO TO POLITICS. May usap-usapang may kumukumbinsi raw kay Aga napasukin ang pulitika at tumakbong governor ng isang probinsiya.

"Hindi totoo yun"

Ayaw niya sa politika?

"Hindi naman sa ayaw. Kayalang parang hindi naman ‘ata para sa akin yun."

ALL SET FOR THEU.S. Ano na ang kasunod na showniya sa ABS-CBN?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Next year. Next year lahat.Kumbaga, magpapahinga na ako hanggang Christmas. Me and my family are leavingnext month. We're rolling it for the States. So, we will be back for Christmasna."

Paano yung show niCharlene?

"Nag-a-advance taping nasiya. She's doing advances now so, that's why we're leaving next month."

Paano ang pag-aaral ngkambal nila na sina Atasha at Andres?

"We enrolled them alreadythere. They're gonna study there for two months. So, habang wala sila rito,doon sila mag-aaral. ‘Tapos pagbalik, parang isasama na lang yun."

PROJECTS. Sitcom daw ulit ang gustong gawin ni Aga na show sa ABS-CBN.Ayaw niyang gumawa ng teleserye?

"Wala lang. Mas gusto ko...Parang hindi ko kayang gawin yun, Mas gusto kong gumawa ng pelikula talaga."

Gagawa rin ba siya ng movienext year sa Regal Films?

"Yeah, I think so."

With MarianRivera?

"Yeah. Ewan ko kungmatutuloy yun?"

Ilang movie ang gagawin niyanext year?

"Actually, I can do twomovies next year. It depends naman. Sabi ko naman kay Mother [Lily Monteverdeof Regal Films] or kung sinuman, ipakita lang sa akin yung script."

Kailan naman nila susundanang kambal?

"Okey na muna yun. Mahal naang education," natatawang tapos ni Aga.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN