Ogie Alcasid endured cramps from exhaustion to finish his concert

Sep 28, 2008
"Alam mo in the middle of the show nagka-cramps na ako pero sabi ko, ‘Sige, itatawid ko ‘to, itatawid ko ‘to," narrated Ogie Alcasid after his concert. More photos

Maagang nagsimula ang konsiyerto ni Ogie Alcasid na Twenty/Twenty sa Araneta Coliseum kesa sa inaasahan na bandang alas-nuwebe ng gabi, kahit alas-otso ang nakalagay sa tiket. Napuno raw kasi agad ang Big Dome ng mga taong dumating nang maaga sa venue. Halatang excited ang lahat sa concert ni Ogie.

Salamat na lang sa napakabuting manager ni Ogie na si Leo Dominguez, who accommodated PEP (Philippine Entertainment Portal) with a production pass na mas na-enjoy namin, kesa ang maupo at manood ng concert. Sabi nga nila, sa backstage talaga nagaganap ang aksyon.

Bihira ang tulad ni Ogie na may matagumpay na career sa showbiz hindi lang bilang singer kundi bilang kompositor din. Twenty years ago nung una naming mapanood si Ogie sa kanyang first major concert sa Folk Arts Theater, billed as Radioactive.

At sa kanyang concert bilang selebrasyon ng kanyang 20th anniversary, very emotional and personal ito para kay Ogie. Gaya ng inaasahan, dumating ang kanyang ex-wife at dating Miss Australia na si Michelle Van Eimeren, kasama ang dalawa nilang anak na sina Leila at Sarah, plus ang bagong lalaki sa buhay niya na nagngangalang Mark.

Continue reading below ↓

Binati pa ni Ogie si Mark during his concert at pinasalamatan for being there para sa kanyang mag-iina. Napag-alaman naman namin na ang complete name ng Australian partner ni Michelle na in-acknowledge ni Ogie sa concert niya ay walang iba kundi si Mark Murrow.

Pagkatapos ng huling kanta ni Ogie sa kanyang konsyerto, kasabay naming pumasok sa backstage si Mark habang karga-karga ang bunsong anak ng singer-composer kay Michelle na si Sarah. Papasok na kami sa area ng mga dressing room sa Araneta Coliseum nang salubungin at yakapin ni Ogie si Mark at Sarah paglabas niya sa gitna ng stage. Doon nagkasiksikan na ang mga TV crew ng GMA-7 at photographers.

Pinagkaguluhan na sina Ogie, Michelle, at Mark ng TV crew at cameramen habang nauna nang naglakad papasok sa dressing room ni Ogie si Regine Velasquez.

EXHAUSTED YET HAPPY. Nagpaunlak naman ng interbyu si Ogie bago pumasok ng kanyang dressing room. Habang kausap namin si Ogie ay kitang-kita ang halu-halong emosyon sa kanyang mga mata at panghihina ng katawan dahil sa sobrang pagod.

Continue reading below ↓

Tinanong namin si Ogie kung sulit ba lahat ng emosyon at pisikal na effort na ibinuhos niya sa katatapos na concert niya.

"Sobra," sagot sa amin ni Ogie. "Alam mo in the middle of the show nagka-cramps na ako pero sabi ko, ‘Sige, itatawid ko ‘to, itatawid ko ‘to."

Ano ang pinaka-touching moment para sa kanya during the concert?

"Siyempre yung sa mga anak ko at saka sa mga magulang ko. Mabuti nga umakyat yung isa sa mga anak ko. Sobrang mahiyain ng mga anak ko.

"‘Tsaka kasi first time akong napanood ng mga anak ko. Hindi pa nila ako nakikitang nagso-show kaya siguro medyo nagulat sila," ngiti ni Ogie.

Anong feeling na nasa harap niya ang kanyang mga anak at si Michelle kasama ang bago nitong partner in life habang kumakanta siya?

"Masaya naman. Natutuwa ako dahil pinagbigyan niya ako na makarating talaga sa concert ko. Wala namang problema sa amin. Okey kaming lahat."

Continue reading below ↓

CONGRATULATIONS BACKSTAGE. Naputol ang interbyu namin kay Ogie noong sunud-sunod na ang mga bumati sa kanya, tulad ni Richard Gomez na hinalikan pa si Ogie, kasama si Lucy Torres. Sumunod din si Lea Salonga at ang mister niyang si Robert Chien. Pagkatapos ay binati rin si Ogie ni Gary Valenciano. At maya-maya pa'y ang ama naman ni Regine na si Mang Gerry ang lumapit para bumati kay Ogie. Niyakap naman nang husto ni Ogie si Mang Gerry.

"Overwhelming and overjoyed ako ngayon. Nagpapasalamat din ako sa lahat ng mga nanood sa concert ko at talagang amazing na umabot ako ng ganito na patuloy pa rin nilang sinusuportahan. There was a time na akala ko hindi na ako makakabalik pero hindi nila at ninyo ako pinabayaan. Kaya, thank you, thank you so much."

Bilang huling tanong namin sa kanya, true ba na nagkasama-sama na sila sa isang dinner the other night, Saturday, nina Michelle, Mark at Regine?

Continue reading below ↓

"Yes," kumpirma ni Ogie sabay hila na sa kanya papasok sa kanyang dressing room.

Click here for more photos.

Read Next
Read More Stories About
Ogie Alcasid
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Alam mo in the middle of the show nagka-cramps na ako pero sabi ko, ‘Sige, itatawid ko ‘to, itatawid ko ‘to," narrated Ogie Alcasid after his concert. More photos
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results