Bruce Quebral confirms quitting showbiz

IMAGE 0


"Magpapakasal na kami ni Wendy in three or fouryears from now. She's the one I want to spend the rest of my life with," reveals Bruce Quebral about his plan to marry Wendy Valdez.



Mismong ang rumored girlfriend ni Bruce Quebral na si WendyValdez ang nagbalita na tatalikuran na ng dating Pinoy Big Brother (PBB) Season 2housemate ang showbiz at aalis na ito ng bansa.

Ayon kay Wendy ay sinubukan at sinuwerteng natanggap namansi Bruce as flight attendant sa isang international airline. Kinumpirma namanito ni Bruce sa PEP (Philippine Entertainment Portal) nang makausap namin siyalast Sunday, September 28, sa launching Star Magic Catalogue 2009 sa EDSAShangri-La sa Mandaluyong City.

"Aalis na ako sa December, as a cabin crew ako," sabi niBruce. "Dati pa plano ko na talagang mag-apply dun, bago pa ako mag-PBB. Nakitako kasi na mukhang mas stable ang job ko dun. Nakita ko yung opportunity namay opening sa Emirates, sinubukan ko. Ibinigay naman ito sa akin ni God kayasobrang thankful ako sa kanya."

Masayang ibinalita ni Bruce na naipasa naman niya ang mga requirement nakailangan niyang daanan as cabin crew. Isang test na lang at tuluy-tuloyna raw ang pag-alis niya this December.

"I had my final interview, napag-medical na ako last week.Isang exam na lang, tuberculine test, and then ready to go naako. Hopefully tuluy-tuloy na."

Inamin ni Bruce na malaki ang itinulong ng pagkakapasok niya sa Bahay NiKuya sa improvement ng personality niya, na nakatulong din para makapasasiya pinili niyang bagong trabaho.

"Siyempre, malaking tulong ‘yan. May mga nakakakilala saakin na nakita nila kung paano ako magtrabaho sa ABS. In a way, yungpersonality ko na-develop inside the PBB house, so nagagamit ko talaga siya,"saad ng dating modelo.

Mahirap mag-survive ang isang long-distance affair. Hindi kaya sa hiwalayan dinmauwi ang relasyon nina Bruce at Wendy kapag hindi na sila madalas magkita atmagkasama?

"Hindi naman. Magpapakasal na kami ni Wendy in three or fouryears from now. She's the one I want to spend the rest of my life with,"pagsisiwalat ni Bruce.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN