ABS-CBN suspends Cristy Fermin's TV and radio contract

IMAGE 0


Controversial TV-radio host and showbiz columnist Cristy Fermin was suspended by ABS-CBN for her statements against former actress Nadia Montenegro.



Bago pa man i-report ng TV Patrol World ngayong gabi,October 15, ang pagkakasuspindi sa kontrata ng controversial TV-radio host at kolumnista na siCristy Fermin, nakatanggap na ang PEP (Philippine Entertainment Portal) ngimpormasyon na may iaanunsiyo ang primetime newscast ng ABS-CBN tungkol sakatayuan ni Cristy sa Kapamilya network.

Agad naming tinawagan ang Corporate Communications departmentng ABS-CBN upang kumpirmahin ang impormasyon. Nagulat man kungpaano namin nalaman, tumanggi silang magbigay ng detalye, hintayin na lang daw namin ang report ng TV Patrol World. Pero nangako naman sila namagbibigay sila ng kopya ng official statement pagkatapos.

Sa report ni Mario Dumaual para sa TV Patrol World kanina, sinuspindi ng ABS-CBN ang kontrata ni Cristy mula sa Sunday showbiz talk show na The Buzz atsa kanyang daily radio program sa dzMM, ang Showbiz Mismo, hanggang sa katapusan ng taong kasalukuyan (December 31, 2008).

Sa official statement ng ABS-CBN, ipinaliwanag nila na ang suspension ng showbiz contract ni Cristy ay may kinalaman sa mga naging pahayag niya laban sa dating aktres na siNadia Montenegro sa The Buzz noong October 5. (Click here to read related article.)

Sa pananaw ng ABS-CBN ay nadamay ang mga batang walang kinalaman sa kontrobersiya sa naging pahayag ni Cristy. Ayon sa TV host, ang isa diumano sa mga anak ni Nadia ay hindi niya anak sa asawa niyang si dating Caloocan Mayor Boy Asistio.

Narito ang kabuuan ng opisyal na pahayag ng ABS-CBN sa pagsuspinde ng kontrata ni Cristy:

"Ang kontrata ni Ms. Cristy Fermin bilang host ng The Buzzsa ABS-CBN Channel 2 at anchorperson ng Showbiz Mismo sa DZMM aysinuspende hanggang December 31, 2008.

"Ang suspensyon ng talent contracts ni Ms. Fermin sa ABS-CBNBroadcasting Corporation ay may kaugnayan sa mga naging pahayag niya sa episodeng The Buzz noong October 5, 2008. Ang aksyong ito ni Ms. Fermin aylumabag sa ilang probisyon ng kanyang kontrata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa pananaw ng kompanya, nadamay ang mga batang walangkinalaman sa kontrobersya sa kanyang pahayag.

"Nalabag din ngaksyon ni Ms. Fermin ang mataas na batayan ng propesyonalismo at integridad sapamamahayag. Ito ay nagdulot ng kapinsalaan hindi lamang sa kanyangpangalan at kredibilidad, kundi sa programang The Buzz at sa ABS-CBN."

Bukod sa report ng TV Patrol World ay nakakuha pa ng ilang karagdagang impormasyon ang PEP.

Mula sa isang source na malapit kay Cristy, natanggap daw ni Cristy ang memo mula sa ABS-CBN management nitong nakaraang weekend. Kaninang hapon naman, October 15, pagkatapos ng kanyang radio program na Showbiz Mismo ay ipinatawag daw si Cristy ni Ms. Cory Vidanes, ABS-CBN Head for TV Production.Dito na raw sinabi kay Cristy ang desisyon ng Kapamilya network na suspendihin siyamula sa kanyang TV show at sa kanyang radio program.

Bukod daw kasi sa pagsasalita niya sa The Buzz ay nagbigay rin si Cristy ng pahayag laban kay Nadia sa kanyang radio program kaya pati rito ay sinuspinde rin siya.

Napag-alaman din ng PEP na ang nakapirma sa suspension orderni Cristy ay sina Ms. Vidanes at Mr. Peter Musngi, ABS-CBN Vice President forManila Radio Division.

Sa pamamagitan din ng aming source ay nakuhang PEP ang reaksiyon ni Cristy sa suspension na ipinataw sa kanya ng ABS-CBN.Aniya, "Alam ko na darating ‘yan. Handa na ako."

Hindi pa malinaw sa kasalukuyan kung makakabalik ulit si Cristy sa The Buzz at sa Showbiz Mismo, o hindi na, pagkatapos ng kanyang suspension.

Samantala, naghain naman ng reklamo si Nadia sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) laban kay Cristy at sa The Buzz kahapon, October 14. Ito ay may kaugnayan pa rin sa mga paratang ni Cristy laban kay Nadia sa October 5 episode ng The Buzz.

Hiniling ni Nadia na masuspinde at maimbestigahan ang co-host ng The Buzz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi rin ni Nadia na magsasampa siya ng libel at slander case laban kay Cristy sa susunod na linggo.

Bago ang suspension kay Cristy ay nauna nang tinanggal ng ABS-CBN angTV-radio personality at showbiz columnist na si Ogie Diaz mula sa morning showna Umagang Kay Kanda at sa kanyang radio program sa dzMM. "Non-renewal ofservices" ang ibinigay na dahilan kay Ogie ng mismong head ng ABS-CBN News& Current Affairs na si Maria Ressa. Lumabag diumano si Ogie sa Codeof Ethics ng News & Current Affairs dahil sa pagtanggap niya ng tokens o"envelope" mula sa mga presscon. (Click here to read related article.)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN