Jean Garcia imagines pictorial with daughter Jennica for "FHM" magazine

IMAGE 0


"Jennica is very supportivesa mommy niya, kaya I will also support her kapag gusto na niyang mag-pose ngsexy sa FHM balang-araw. Wala pa naman yatang mother-daughter na nagawaiyon sa FHM. Who knows baka kami ang mauna sa ganyan, di ba?" says JeanGarcia about her daughter Jennica Garcia.



Mabentang-mabenta angpagiging cover girl ni Jean Garcia sa FHM magazine. Senyales na tanggapng masa ang pagiging "hot mama" at magiging inspirasyon pa siya ng mga babaengkasing-edad niya to look good sa edad na 40.

"Yun naman ang statement nagusto kong ipaabot sa maraming babae. Kahit na 40 or over 40 ka na, you canstill look good. Puwede ka pang maging hot and sexy basta alaga mo ang katawanmo at masaya ka sa buhay mo," sabay ngiti pa ni Jean.

Dalawang taon din daw naniligawan si Jean ng FHM para mag-pose para sa cover. Madalian nga rawang mga nangyari dahil hinabol daw nila ang October issue. Pang-99thissue nga kasi itong si Jean kaya special itong paglabas niya sa FHM.

"Lahat naman ng hinilingnamin ay binigay nila. Before naman lumabas ang mga pictures, pinakita munanila sa akin kaya may approval lahat.

"But of course, kinabahanako because ang mga kalaban ko sa market ay mga babae younger than me. Pero ageis just a number. Nasa pagdadala ‘yan and I'm confident enough to say na kayakong makipagsabayan sa mga bagets."

Wala naman daw pagtanggi sapag-cover niya sa FHM ang kanyang anak na si JennicaGarcia. Natuwa nga raw ito atpinakita ni Jean na sexy pa ito at halos pareho lang sila ng katawan.

"Jennica is very supportivesa mommy niya, kaya I will also support her kapag gusto na niyang mag-pose ngsexy sa FHM balang-araw. Wala pa naman yatang mother-daughter na nagawaiyon sa FHM. Who knows baka kami ang mauna sa ganyan, di ba?"

Tungkol naman sa pag-amin niJennica na sila na nga ni Mart Escudero, masaya naman si Jean dahil alam niyang nasa mabuting kamay ang kanyanganak.

"I trust Mart and I trust mydaughter. Alam ko na wala silang gagawin na masama. Alam naman ni Jen naayokong matulad siya sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I had her noong 19 yearsold pa lang ako. I missed so many opportunities noong kaedad ko siya. I don'twant her to follow what I did. Sayang ang mga dumarating na suwerte sa careernila.

"Kaya I always tell them napriority ang career at kahit na sila na, huwag silang masyadong ma-in love saisa't isa. Konting space din ang kailangan para magawa nila ang mga dapat sacareer nila."

Pagkatapos ng Dyesebel,dalawa ang shows na gagawin ni Jean sa GMA-7. Una ay bilang kontrabida ni DennisTrillo sa Gagambino atpangalawa ay ang local TV adaptation ng hit Koreanovela na All About Eve.Makakasama niya rito sina Eula Valdes, Sunshine Dizon, at Iza Calzado.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN