Rose Flaminiano on Nadia Montenegro: "Hindi ko siya ka-level! Hindi ako porky-porky!"

IMAGE 0


Mrs. Rose Flaminiano on Nadia Montenegro (inset, top): "Padadalhan kosiya ng 8-footer na kawayan, mansanas, at sampung sako ng uling! Pinag-aaralanko pa kung idedemanda ko siya. Hindi siya lulusot sa demanda ko! Isa siyangex-mayora kuning-kuning!"On Gabby Concepcion (inset, bottom): "Hindi kopinanghihinayangan ang mga ginastos ko sa kanya noon para mapauwi siya saPilipinas. Hindi kinukuwenta ang pagod at emosyon. Na-turn off lang talaga ako



"The Mommy" speaks.Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kaninang hapon, September 30,si Mrs. Rose Flaminiano na kilala sa showbiz bilang Mommy Rose o "The Mommy."

Si Nadia Montenegroang unang topic ng aming pag-uusap. Ayon kay Mommy Rose, biglang na-shift kayNadia ang isyu nila ni Gabby Concepcion. Matatandaang sinagot ni Nadia ang mgaakusasyon sa kanya ni Mommy Rose at pati na ni Cristy Fermin sa kanyang liveinterviews sa Startalk noong Sabado (Sept. 27) at sa The Buzz noong Linggo(Sept. 28). (Click here to read related article.)

"Hindi magandaang pakiramdam ko. Biglang na-shift kay Nadia ang isyu. May mga ebidensiya akona sinisiraan niya ako," sabi ni Mommy Rose.

Sa puntong ito,ipinakita ni Mommy Rose ang mga text message na diumano'y galing kay Nadia atipinarating sa kanya ng "concerned friends" niya.

"Magkaroon sanasiya ng originality!" buwelta niya. "Used oil daw ako? Maging original sanasiya. Huwag niyang gayahin ang sinabi ko na wala akong mapapala sa kanya kundimantika at corn oil ang ginagamit ko [sa pagluluto].

"Padadalhan kosiya ng 8-footer na kawayan, mansanas, at sampung sako ng uling! Pinag-aaralanko pa kung idedemanda ko siya. Hindi siya lulusot sa demanda ko! Isa siyangex-mayora kuning-kuning! Hindi ko siya ka-level! Hindi ako porky-porky!"

Paano kung magkitasila ni Nadia nang hindi sinasadya?

"Kawawa siya saakin. Tingnan na lang niya!" nagbabantang sagot ng controversial filmproducer at business manager.

Patuloy niya, "Huwagniyang sabihin na sinisiraan siya ni Cristy Fermin dahil walang pakinabang sakanya. Hindi totoo 'yon. Hindi materyosa si Cristy. Wala siyang napapakinabangsa pagtatanggol sa akin."

Pangalan ng bulaklakang pangalan ni Mommy Rose at nang sabihin namin na maraming tinik ang mga rosas,mabilis ang kanyang sagot, "Oo, marami akong tinik!"

"LALABAN AKO!" Nagbigay rin ngpahayag si Mommy Rose tungkol sa alaga niyang si Gabby Concepcion.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Walang katotohananang sinasabi ni Gabby na nakiusap siya sa akin na huwag kong tawagan nang tawagansa telepono ang tatay niya. Hindi ko nga siya matawagan, ang tatay pa niya?Napakalaking kasinungalingan ang sinabi ni Gabby. Baka sinabi lang niya 'yonpara makisimpatiya sa kanya ang mga tao.

"What I feelnow? Laban na! Lalaban ako! Naaapi ako at ang pinakamasakit na part, hindi niyana-appreciate ang magandang kontrata [sa ABS-CBN] na naibigay ko sa kanya. Froma fallen star, naging shining star siya.

"Hindi kopinanghihinayangan ang mga ginastos ko sa kanya noon para mapauwi siya saPilipinas. Hindi kinukuwenta ang pagod at emosyon. Na-turn off lang talaga akosa mga ginawa niya. All of a sudden, tinalikuran niya ako.

"In fairnesskay Gabby, hinahangaan ko ang kanyang pagiging workaholic. Ang dedication niyasa work. Wala siyang reklamo sa trabaho. Marunong siyang tumupad sa mgacommitment. Masunurin siya. Kung hindi nangyari ang gulong ito, sa katutalan,mabait si Gabby.

"Kung open akosa amicable settlement? Mahirap sagutin. Marami ang dapat ayusin. To be honest,wala akong makita na ending ng kaso," pahayag ni Mommy Rose.

May mensahe si MommyRose na nais nito na iparating sa ina at mga kapatid ni Gabby.

"Sana, maintindihan nila ako. Kilalaninnila ako kung hindi nila ako kilala. Kung naniniwala sila kay Gabby, maniwalarin sila sa akin. Balansehin nila ang situwasyon."

NEGATIVE COMMENTS. Nababasa namin angmga komento ng publiko, partikular na rito sa PEP, tungkol sa isyu sa pagitannina Gabby at Mommy Rose. Negatibo ang image ni Mommy Rose at ikinagulat niyaang impormasyon na ipinarating namin sa kanya, na marami ang galit sa kanya.

"Talaga? Maramiang galit sa akin? Di ko makita 'yon. Ewan ko. Katotohanan lang angpinag-uusapan. May 80 million Filipinos. Okey lang kung galit sa akin ang 500,"sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

IRRELEVANT ISSUES. Ilang linggo nangusap-usapan ang isyu tungkol sa Rosemont subdivision sa Tarlac na pag-aari ni MommyRose. Na may malaking problema ang mga kababayan natin na bumili ng bahay sasubdivision ni Mommy Rose.

"Ako, developerako. Dapat ang marketing ang magsalita. Irrelevant ang isyu sa problema naminni Gabby. Huwag i-juggle ang isyu," iwas niya.

Sinamantala rin ng PEPang pagkakataon para tanungin si Mommy Rose tungkol sa umiikot na balita na mayutang siya na P12 million sa asawa ni Manny Pacquiao na si Jinkee.

Inulit ni Mommy Roseang kanyang sinabi na "irrelevant" ang isyu. "Ang deal namin ni Jinkee,personal! Hindi dapat pakialaman!" sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN