Ogie Alcasid and company have a blast in Disneyland, Hong Kong

IMAGE 0


"Masarap! Masarap yung pakiramdam na kasama mo yung pamilyamo. Hindi mo maipagpapalit yun kahit saaan, kahit na ano. I am so happy!" beams Ogie Alcasid about three-day vacation in Hong Kong with girlfriend Regine Velasquez, former wife Michelle Van Eimeren and their daughters, and Michelle's boyfriend Mark.



Pagkatapos ng matagumpay na 20th anniversaryconcert ni Ogie Alcasid noong September 27 sa Araneta Coliseum ay pumuntasiya sa Hong Kong noong Martes, September 30. Kasama ni Ogie na lumipad sa Hong Kong ang kasintahang si RegineVelasquez, ang dalawa niyang anak na sina Leila at Sarah, ang dating asawa nasi Michelle Van Eimeren, at ang boyfriend ni Michelle na si Mark Murrow.Nagpunta sila sa Hong Kong para makapagpahinga at ipasyal ang mga bata saDisneyland.

Nakausap ng Showbiz Central si Ogie sa break ng SOP kahapon,October 5.

Hindi itinago ni Ogie ang kanyang kasiyahan sa naturangtrip nila sa Hong Kong, lalo na sa Disneyland. Three days din daw silangnag-stay roon at umuwi sila last Friday, October 3.

"Masarap! Masarap yung pakiramdam na kasama mo yung pamilyamo. Hindi mo maipagpapalit yun kahit saaan, kahit na ano. I am so happy!"bulalas ni Ogie.

"Yung bunso ko kasi, si Sarah,"patuloy niya, "favorite niya si MinnieMouse, e. Yung panganay [Leila] ko naman, last time siyang nag-Disneyland,siguro three years old pa siya kaya hindi na niya maalala. I really did it formy kids. Kasi they really want to see Disneyland. Bakas nabakas sa kanila ang kaligayahan. And I'm so happy when they are happy."

Wala raw ilangan kahit kasama ni Ogie si Regine.

"Si Regine naman, nagpupunta naman ng Australia ‘yan.Magkakilala kaming lahat. Okey siya! Enjoy na enjoy siya. Alam n'yo, buong taonnaman kaming puro trabaho rin, so yung week na yun, sabay-sabay na yun. Tumodosa pahinga, kain.

"Nakalimutan ko na rin kasi na mag-relax. So itong week naito, natutunan ko ulit kung paano mag-relax. Kailangan pala yun. Siguro nextyear. Mas dadamihan ko na mag-relax para hindi tayo tumanda agad!" tawa niya.

When it comes to his ex-wife Michelle's new love, si Mark,ang tanging masasabi lang daw ni Ogie ay, "Dapat lang na ipakilala ko rin sila.Parang out of respect na rin. Siyempre, kay Michelle at magpalasamat sa kanya.Siyempre sa Australia, very private people sila, ‘tapos dito, alam n'yo na...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sobrang nag-enjoy sila, e. Nagustuhan nila lahat ng pagkaindito—suman, adobo, tapa, bangus...lahat kinain nila. Ewan ko, nasa kanila naman yun.They are welcome to come here naman anytime."

What about his relationship with Regine? Plano na ba niyangilagay rin sa mas seryosong level ang relasyon nilang dalawa?

"Well, hindi ko pa talaga puwedeng sagutin ang mgabagay na ‘yan. Isa-isa muna. Basta masaya lang kami ngayon. Yun muna. Sapersonal kong buhay, miracle yun. It's a miracle. Siyempre, ang Panginoon langang nag-aayos no'n at nagpapasalamat ako sa Kanya," saad ni Ogie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN