Rhian Ramos's rumored boyfriend attends her debut

IMAGE 0


Young actress Rhian Ramos celebrated her 18th birthday last October 3 with a grand debut party held at the Rigodon Ballroom of Manila Peninsula in Makati City.


Masayang-masaya si Rhian Ramos dahil sa 18thbirthday celebration niya sa Rigodon Ballroom ng Manila Peninsula noong Biyernes nggabi, October 3. Natupad kasi ang hiling ni Rhian na maging maganda at masayangcelebration ang kanyang debut party, na handog sa kanya ng GMA-7. Kumpleto angkanyang pamilya, mga kaibigan, mga katrabaho, at sponsors na dumalo sa kanyangbonggang birthday celebration.

Sabi ni Rhian, hindi niya alam ang ibang nangyari sa kanyangdebut. Ang alam lang daw niya ay ang mga isusuot niyang gowns, ang kanyang 18roses, at ang venue ng kanyang celebration. Other than that ay wala raw siyangalam na mga pinakulo ng mga taga-GMA-7 para sa kanyang party.

18 QUESTIONS. Game na game din si Rhian na sinagot ang 18 questions natinanong sa kanya noong gabing ‘yon. Galing ang mga tanong sa mga nakatrabahoni Rhian sa GMA-7 at maging sa piling entertainment press. Isa ito sa nagingsurprise para sa debutante.

"Hindi ko alam yung ginawa nilang ‘yon na 18 questions for me.Nakakakaba because hindi ko naman alam ang isasagot ko sa mga tanong nila, lalona doon sa mga personal questions. Para tuloy akong nagkaroon ng pressconference. But I guess, nasagot ko naman nang maayos lahat. Though yung iba,talagang nabulul-bulol ako sa pagsagot. I tried to be so honest with my answersat nagustuhan naman ng mga bisita ko ang mga sinagot ko sa mga questions," saadni Rhian nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

RHIAN'S ESCORT. Nagkaroon din ng special dance number ang cast ng La Lola,ang bagong primetime series ng GMA-7 na pagbibidahan ni Rhian. Ang leading manni Rhian sa La Lola na si JC de Vera rin ang naging escort niy that night.

"Request ko rin talaga na si JC ang maging escort ko becausehe's my new leading man in our new show. Okey naman kami ni JC becausenagkatrabaho na kami noong Captain Barbell days pa. So it's really a welcomechange that I work with him in La Lola," sabi ni Rhian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sampung gowns ang pinagpilian ni Rhian na gawa ng kanyangini-endorse na Sabella ni Ramon Sabella. Napili niya ang dalawang white gownsat isang pulang gown na bumagay sa color motif ng kanyang debut na red andwhite.

18 ROSES. Ang bumuo ng kanyang 18 Roses ay ilang kalalakihan na nagingmalapit kay Rhian sa loob at labas ng showbiz. Nanguna sa pagsayaw kay Rhian ayang kanyang British dad na si Mr. Gareth Howell. Sumunod naman sa ama ni Rhian na sina Richard Gomez,Paolo Paraiso, Mark Herras, Marky Cielo, Mart Escudero, Mike Tan, Dion Ignacio,Victor Aliwalas, Aljur Abrenica, at marami pang iba.

Special guest ni Rhian at nakasama rin sa 18 Roses sang Vivaartist na si Mark Bautista. Inawitan ni Mark si Rhian ng kantang "I Need You."Magkasama sina Rhian at Mark sa pelikulang Sundo ng GMA Films.

Isa pang kasama sa 18 roses ni Rhian ay ang nababalitangboyfriend niya, ang De La Salle Green Archers player at model na si SimonAtkins. Ayon kay Simon, pumayag siyang maging part ng debut ni Rhian dahilmatagal na niyang kaibigan ang dalaga at sobrang na-miss daw niya ito.

Natuwa naman si Rhian dahil napapayag niyang um-attend ngkanyang debut ang diumano'y totoong boyfriend niya.

Pero ayon kay Rhian, "Si Simon kasi, magkaibigan na kaminoong high school pa kami sa De La Salle-St. Benilde. Hanggang sa nagkaroon nakami ng kanya-kanyang careers, we've been in touch. Lately lang kami hindinakapag-communicate because pareho kaming naging busy.

"Simon naman is not my boyfriend," paglilinaw ng youngactress. "We're very good friends noon at hanggang ngayon naman. I'm just sohappy na nakarating siya and he was part of my 18 roses dance."

Hindi naman dumating ang unang leading man ni Rhian na siRichard Gutierrez para maging part ng 18 roses dahil nasa Europe pa ito kasamasi KC Concepcion sa promo tour ng For The First Time. Pero ayon kay Rhian aynagpadala na raw ng regalo sa kanya si Richard.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkaroon din ng special song number ang mother ni Rhian nasi Mrs. Clara Ramos-Howell. Inawitan niya si Rhian ng song na "Not While I'mAround." Nandoon din ang sister ni Rhian na si Nadine para makisaya at tumulongsa pag-asikaso ng mga bisita ng kapatid.

BIRTHDAY WISH. Nang tanungin si Rhian kung ano pa ang mahihiling niya sakanyang birthday, sinabi nito na natupad na yung ibang wishes niya.

"Well, ang wish ko na magkaroon ako ng isang celebrationwith the kids of Child's House ay matutupad ulit. I'm going there in a few dayskasi I always celebrate my birthday by doing charity work for them.

"Another wish of mine na makatrabaho si Robin Padilla aynatupad because of our movie, Sundo. Tapos na siya at malapit na siyangipalabas this October din. And, of course, this show na La Lola na talagangpinaganda namin because ang gagaling ng mga kasama ko rito.

"Isa pang wish na natupad is that my family is complete onmy birthday. My dad is here to celebrate with all of us. I'm looking forwardfor more celebrations na kumpleto kami.

"Siguro ang isang wish ko na lang na hindi pa natutupad ayang matapos ko na ang aking high school. God knows how hard I try to really attendmy school work, but because of the work schedules, hindi ko matapus-tapos. ButI promise myself na I will do what it takes para maka-graduate ako sa highschool," pahayag ni Rhian.

Ang iba pang bisitang dumating sa debut party ni Rhian ayang lady executives ng GMA-7 na sina Ms. Wilma Galvante, Ms. Marivin Arayata,Ms. Gigie Santiago-Lara, Ms. Lilybeth Rasonable, Ms. Cheryl Ching-Sy, Ms.Redgie Acuna; GMA Films' Annette Gozon-Abrogar, Noel Ferrer, Joey Abacan, TracyGarcia; GMA Artist Center head Ida Ramos-Henares and husband Ronnie Henares;Pinoy Idol finalists Ram Chavez and Jayann Bautista; Iza Calzado, Kris Bernal,Prince Stefan, Paulo Avelino, Lovi Poe, Gladys Reyes, Stef Prescott, ArciMunoz, at marami pang iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN