Francis Magalona reveals his wish for 44th birthday

IMAGE 0


"The chemotherapy, aside from destroying thecancer cells, they also destroy the others, so medyo yung effect niya,sumasakit yung mga joints. So sabi ko, today, 44 na ako, huwag naman po sanangparang lolo ang pakiramdam ko! Ha ha ha! Masakit ang mga joints ko," says Francis Magalona about his treatment for leukemia.



Kahapon, October 4, ay nagdiwang ng kanyang ika-44 na kaarawanang Master Rapper na si Francis "Kiko" Magalona. Bagamat wala ang kanyangphysical presence sa Eat Bulaga ay ipinagdiwang pa rin ng kanyang "Dabarkads"ang kaarawan ni Kiko.

Sa pamamagitan ng isang VTR ay nagpasalamat si Francis sakanyang mga kasamahan sa Eat Bulaga sa suportang ibinibigay sa kanya sapagharap niya sa kanyang karamdaman. Na-diagnose ang rapper-TV host ng sakit naleukemia, o cancer sa dugo o bone marrow.

KIKO'S BLOG ENTRIES. Pagkatapos ay isang special feature din ang ginawa ngStartalk para kay Francis, kung saan ibinahagi nila ang blog entries niya saMultiply account, francismagalona.multiply.com. Sa naturang blog entries ni Kikoay inilarawan niya ang pinagdadaanan niya kaugnay ng kanyang karamdaman. Maykasama ring mga larawan na kuha sa hospital ang mga naturang blog entries.

Sa blog entry niya noong September 14, na pinamagatang"Am Back!" ay nagpasalamat si Kiko dahil nakauwi na siya sa kanilang tahanan saAnitipolo pagkatapos ng 36 days na confinement niya sa Medical City.

Sa kanyang entry naman noong September 15 na pinamagatang"Chemotherapy-Round One, Fight!" ay ikinuwento niya ang kanyang reaksiyonnang malaman niyang may cancer siya.

"When I learned I had this cancer of the blood, all Iblurted to Dra.Ona was ‘Shit, I won't reach 50?' The air was so thick, ajackhammer couldn't bore a hole during that pregnant pause of silence," lahadni Francis.

Inilarawan din niya ang prosesong ginagawa sa chemotherapy.Inamin ni Kiko na nakakatakot ang mga hitsura ng mga gamot na gagamitin saprocedure. Noong araw rin na yun, kinailangang i-extract ang kanyang bonemarrow.

Sa dulo ng kanyang blog entry ay nakalagay ang pahayag naito ni Francis: "A website is to be made to chronicle my journey wherever itmay take me, and me and my fam are making it, for whatever purpose it mayserve. Hopefully for the good."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kanyang sumunod na entry noong September 15 napinamagatang "Bone Marrow Extraction" ay ipinakita ang ilang larawan ni Kikohabang ginagawa ang naturang procedure sa kanya. Ayon kay Kiko, hindi niyanapagtanto na ang sakit na cancer ay hindi tungkol sa kamatayan kundi buhay nadapat ipagdiwang. May postscript si Kiko na tila nagsusumigaw sa tuwa dahilnagupo niya ang naturang karamdaman sa Round 1 ng pakikipaglaban.

October 1, Wednesday, naman nang muli siyang ma-confine saMedical City para sa Day 3 ng kanyang ikalawang chemo session.

Kinabukasan, October 2, bagamat nananakit daw ang mga jointsni Francis, inanyayahan niya ang kanyang mga tagahanga na tangkilikin angkanyang shirt line na Three Stars and A Sun, na matatagpuan sa Broadway Centrum,na siya ring tahanan ng Eat Bulaga.

Kagabi, October 4, ay nagtanghal sa isang fundraising showang kanyang Dabarkads sa Eat Bulaga at ilan pa sa mga kaibigan ni Kiko saZirkoh Timog.

KIKO ON THE PHONE. Sa pamamagitan ng phone-patch interview ay nakausap ngStartalk si Kiko. Binati siya ng dalawang host ng show na sina Lolit Solis atButch Francisco ng "Happy Birthday."

Tinanong ni Butch si Kiko kung ilang chemotherapy sessionspa ang kailangan niyang pagdaanan.

"Everything will be according to my hematologist, si Dra.Ona. So far, this is my second and based from the vein extraction I didtwo weeks ago, I'm on to hematological remission. Meaning, my blood isrecuperating its own components, so lumalaban na siya. Nagkakaroon na ako ng mgawhite blood cells at saka platelets.

"So now, this second round of chemotherapy, para langmasiguro na lahat ng mga bad cells ay mapatay nitong chemotherapy drugs. Sohopefully, mga limang hatsing na lang, nandiyan na ako sa GMA at sa EatBulaga," sabi ni Kiko.

Ano ba ang kaibahan ng birthday niya ngayon from his pastbirthdays?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, for one, si Ma'am Malou [Choa-Fagar], our nanaynamin sa [Eat] Bulaga, palagi akong tinutukso niyan...palagi akong gustongpaiyakin. Ngayon, naiyak siya sa message na ibinigay ko. At tuwing nakikita koang mga kasama ko, nami-miss ko.

"I'm very happy. Thank you to all the rappers who attended.To all the fans, sa audience, lahat ng...everybody who extended their prayers andtheir wishes. Kung dahil lang diyan, talagang magsu-survive ako kung dahillang diyan."

Nagpasalamat din si Kiko sa mga Dabarkads niya sa Eat Bulagadahil Part 2 na ang fundraising show na ginawa nila sa Zirkoh last night.

"I'm very thankful sa mga E.B. Dabarkdas. To Mr. Tuviera, toAllan K, of course, sa Zirkoh staff. Thank you, thank you so much. I'm at a lossfor words. Hindi ko masabi kung bakit ako pinagpala na magkaroon ng isangnapakaganda at nagmamahal na pamilya dito sa showbiz."

Pero paano nga nagku-cope si Kiko sa kanyang karamdaman?

"Of course, the chemotherapy, aside from destroying thecancer cells, they also destroy the others, so medyo yung effect niya,sumasakit yung mga joints. So sabi ko, today, 44 na ako, huwag naman po sanangparang lolo ang pakiramdam ko! Ha ha ha! Masakit ang mga joints ko.

"Pero so far, if I move around, I can feel it subside. Thisis like parang side effects. Pero no vomiting, hindi ako sumusuka. Sa awa ngDiyos, may buhok pa ako. At kanina, nandito ang mga anak ko, the children. I'mvery blessed to have them and, of course, all those who love me," pahayag niya.

What's his birthday wish?

"Thank you sa Red Cross, of course, kay Senator RichardGordon, to everybody, Eat Bulaga...My wish is to really pay back all those whoprayed for me. I would like to thank the Medical City staff, doctors, residentand nurses, for really giving me a very good care and treatment and, of course,everybody who have contributed to my well being.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
"My wish is that, now that I'm 44, I wish that limanghatsing na lang, makabalik na ako riyan," sabi ni Francis.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN