Keempee de Leon happy for ex-girlfriend Vina Morales's pregnancy

IMAGE 0


"Siguro naman it's about time na she experiences being amother. Lahat naman ng mga kasabayan niya may mga sarili nang pamilya, di ba?I think naisip din iyon ni Vina. Kahit na nasa gitna siya ng isang hindiinaasahan na sitwasyon, I guess she's happy with her decision," says Keempeede Leon of his ex-girlfriend Vina Morales (inset) who is now two months pregnant.



Obvious na very much in love ngayon si Keempee de Leon.May kakaibang ngiti kasi siya nang mabanggit niya na may special girl ngayon sapuso niya.

Taga-Canada ang girl na nagpapatibok ng puso ngayon niKeempee. Pinay ito na based sa Nova Scotia, Canada, at nagkakilala sila via Internet chat.

Ipinakita ni Keempee sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang litrato ng kanyang inspirasyon ngayon at napakasimple ng hitsuranito. May hawig nga ito kay Mikee Cojuangco at 21 years old lang. Ayaw sabihinni Keempee ang name ng kanyang present girlfriend dahil hindi naman dawtaga-showbiz ito.

"Hindi ko na lang sasabihin ang name niya para may privacypa rin siya," ngiti pa ni Keempee. "Matagal-tagal na rin kami at siya angmadalas bumisita dito sa Pilipinas kasi nandito pa ang ibang family members niya."

Matagal din nga bago nagkaroon ng bagong girlfriend siKeempee. Kung matatandaan ay huling na-link si Keempee kay Pauleen Lunana nauwi sa hiwalayan ang samahan nila. Ngayon ay ready na ngang ulit na umibigsi Keempee.

"Kailangan din natin ng inspirasyon, di ba?" ngiti niya.

"Lalo na ngayon na sunud-sunod ang trabaho natin,nakakapagod kung wala kang napagkukuwentuhan ng mga nangyayari sa iyo.Nakakawala ng pagod kapag in love ka."

Balak na bisitahin ni Keempee ang kanyang girlfriend saCanada next year kapag nakahanap siya ng mahaba-habang bakasyon. Ngayon kasi aybusy siya sa Eat Bulaga at taping ng bagong GMA primetime show na La Lolakunsaan gumaganap siyang closet gay na nakakaalam ng lihim ni Rhian Ramos.After mawala ang Kung Ako Ikaw, isang buwan lang nakapahinga siKeempee at nag-taping siya agad ng La Lola.

CLOSET GAY. Okey lang daw kay Keempee na bading ulit angrole niya sa isang TV show, tulad ng ginawa niya noon sa Bahay Mo Ba ‘To.Iba naman daw ang atake niya sa pagganap niya sa La Lola.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nakakatuwa lang kasi ako ang first choice nila na magingsidekick ni Rhian. Sa original na story, babae ang sidekick ni Lola. Sa versionnatin dito sa GMA-7, ginawa nilang closet gay para maiba at mas nakakatuwa saaudience.

"Okey naman si Direk Dominic [Zapata] kasisila ang nag-create noong character ko as Gary na closet gay, or sa lengguwahenga ng mga bading, e, isang pa-mhin-tang durog. Funny ang mga eksena namin niRhian at Wendell kaya matutuwa sila sa show na ito."

VINA MORALES. Tinanong ng PEP si Keempee tungkol sapagbubuntis ng kanyang naging ex-girlfriend na si Vina Morales. Inamin ni Keempeena nagulat siya sa naging desisyon ni Vina pero sa kabilang banda ay natutuwasiya at magiging isang mother na ito.

"Siguro naman it's about time na she experiences being amother. Lahat naman ng mga kasabayan niya may mga sarili nang pamilya, di ba?I think naisip din iyon ni Vina. Kahit na nasa gitna siya ng isang hindiinaasahan na situwasyon, I guess she's happy with her decision.

"Matagal ko nang di nakakausap o nakikita si Vina.Pero if ever na magkita kami, wala naman kaming problema, e. We've been goodfriends naman. Lahat naman ng nakakarelasyon ko before ay nagiging kaibigan kosa bandang huli."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN