FIRST READ ON PEP: Joey de Leon and Willie Revillame bury the hatchet

IMAGE 0


Joey de Leon (left) and Willie Revillame (right) both showed up at the first-ever Supreme To The Extreme Award of Philippine STAR last night, October 17, at Embassy Super Club. It was there that the two TV hosts-comedians patched up their differences by cracking jokes at each other.



Parehong dumalo ang TV hosts at comedians na sina Joey deLeon at Willie Revillame sa kauna-unahang Supreme To The Extreme Award ngPhilippine STAR na ginanap kagabi, October 17, sa Embassy Super Club sa The Fort,Taguig City. Parehong nominado sa magkaibang kategorya sina Joey at Willie.

Bago pa man pumasok sa loob ng Embassy Bar si Willie, tila may ideya na ang Wowowee host na posible silang magkita ngmadalas niyang kapatutsadahan na si Joey de Leon, na co-host naman ng katapatniyang programa na Eat Bulaga.

Pero nang makausap ng PEP (Philippine EntertainmentPortal) si Willie, nakahanda na raw siya at welcome sa kanya kung sakali atmagkasabay man sila ni Joey sa stage.

True enough, nang tawagin na ang pangalan ni Willie bilang winner sa kategoryang Televisionary Award, buong-ningning niyangibinahagi ang napanalunang trophy kay Joey. Ang naturang award ay iginagawad saisang TV personality na naging daan upang mabago at magkaroon ng ibang anyo atbuhay ang telebisyon.

Si Joey at that time ay nasa kaliwang bahagi malapit sastage, kasama ang dalawa niyang anak na sina Jaco at Jocasde Leon. Si Willie naman ay nanggaling sa kanang bahagi ng stage.

Ayon sa thank-you speech ni Willie pagkatanggap nito ngkanyang trophy, "I would like to share this award to a supreme talent, supremeicon, my idol, Mr. Joey de Leon. I share this award [with] you."

Sa puntong ito, tumayo na sa kanyang kinauupuan si Joey atsumenyas kay Willie.

"Tito Joey! Alam n'yo, lambingan lang naman namin yung sa TV,"natatawang sabi ni Willie. "Lambingan lang namin yun. Alam n'yo,tinulungan ako ng taong ‘yan [noong] nagsisimula pa lang ako. Ako ang sidekick niya sapelikulang Barbie. Kinuha rin nila ako ni Vic Sotto sa pelikulang Sam andMiguel.

"Akala n'yo, ganoon lang, nag-aaway kami, hindi ho, yun aypatutsadahan lang, lambingan. Si Mr. Joey de Leon, I admire this guy so much.Maliit pa lang ho ako, nasa telebisyon na siya. Siya ang ginagaya ko. TitoJoey!" sigaw ulit ni Willie kay Joey.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa puntong ito, sumigaw si Joey at pabirong sinabi kayWillie na, "Pahinging pera!" at nagpalakpakan ang karamihan at nagtawanan.

Sagot naman ni Willie sa sinabi ni Joey, "Sumama ka sa akinsa yate ko at dalhin mo ang mga babae mo!"

Pero sinenyasan ni Joey si Willie na kasama niya angdalagang anak na si Jocas.

Sabi ni Willie, "Ah, anak mo! O, lolo ka na! Lolo na ako!Bukas naman purihin mo naman ako sa Eat Bulaga!"

Lalong nagpalakpakan ang mga tao at nagsigawan. Perodugtong ni Willie habang tumatawa, "Sa Tuesday, banatan mo na ulit ako!"

Sa puntong ito ay umakyat na rin sa stage si Joey at tumabikay Willie.

Si Tim Yap, na siyang may idea ng naturang awards night, aymasayang-masaya sa nangyaring reconciliation ng dalawang komedyante at TVhosts. "Naku, historical na ‘to! Dito lang nangyari ‘to sa Supreme!"sabi ni Willie.

Pagbaba nina Joey at Willie, pinalibutan na agad sila ng TVcrew from different talk shows at maging ng PEP.

"Pasalamat tayo kay Tim at sa Supreme. Tamaang sabi ni Willie, mga tuksuhan lang ‘yan. Kaya lang, yung dalawangco-hosts mo [to Willie], paliwanag muna nila kung bakit nakikiiyak sa ‘yo?" biro ni Joey naikinatawa ng lahat.

Sagot naman ni Willie, "Alam n'yo naman kami, artista! Ikawnga ang nagturo sa akin niyan. Pero alam mo, hindi ba na-suspend ako, peronoong na-suspend ka, nakidalamhati rin ako!"

Hirit ni Joey, "Talaga? O sige, pengeng pera!" na ikinatawani Willie.

Dito na nagsalita si Tim at ito na ang nag-initiate ng maspormal na pagbabati ng dalawa. Sabi ni Tim, "Once and for all, Willie,Joey, shake hands!" na siya namang ginawa ng dalawa.

Pagkatapos nito, tinanong ng PEP sina Joey at Willie kung ano ang masasabinila sa naganap na pagbabati nilang dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala! Hindi naman kami nag-aaway nito!" natatawang sabi niJoey.

Sabi naman ni Willie, "Hindi ko puwedeng labanan ‘yan!"

Bakit ngayon lang nila ipinakitang okey naman pala sila?

"E, ngayon lang naman kami nagkasama in one roof," sagot niWillie. "At saka, totoo yung sinasabi ko, isang idolo, isang icon, the livinglegend, Mr. Joey de Leon!"

Parehong sumagot ng "Hindi pa!" ang dalawa when asked kungpagkatapos ba ng pagtatagpo at pagbabati nilang yun ay tapos na rin ng mgapatutsada at parunggitan nilang dalawa sa kani-kanilang noontime shows.

"Hindi pa! Magbabanatan pa kaming dalawa!" natatawang sabini Joey.

Sa huli, bago bumalik sa kani-kanilang table, hindinapigilan ni Joey na sabihin kay Tim na sa kanila lang nangyari yun. Hirit paniya sa ilang TV crew ng ABS-CBN at GMA-7, nadaig daw ng Supreme at Embassy angThe Buzz at Startalk.

Proud naman ang Embassy owner na si Tim sa nangyari."Sabi nila, sa Embassy puro away, that's not true! Embassy puro peace! Unity,friendship and love!" bulalas ni Tim.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN