PEP EXCLUSIVE: Cristy Fermin talks about ABS-CBN's decision to suspend her contracts

IMAGE 0


"Labing tatlong taon ko silang ipinaglaban dahil naniniwalaakong Kapamilya ko nga sila," diin ni Cristy. "Parang lagi akong bala na nanakaumang sa aming kalaban at sa tuwing may dapat sanggain, ako ang isinisugodnila. Ayaw kong isiping nasayang ang lahat ng yun, pero balewalalang talaga. Parang yung tagal ng panahong naging loyal ako sa kanila, ngayondapat sila ang nasa panig ko, saka naman nila ako itinulak palabas," says Cristy Fermin



Kahit na nakikipaghalakhakan sa mga nakakasalubong niyangmga manunulat, hindi maikubli ni Cristy Fermin ang sama ng loob niya sapagpataw ng suspensiyon sa kanyang kontrata sa ABS-CBN kaugnay ng matindingkontrobersiya nilang kinasuungan ni Nadia Montenegro. Kaya hangga't maaari ayayaw na sanang magbigay ng pahayag ni Cristy at hayaan na lang daw siyang ihayag ang kanyang saloobin sa mga kolum niya sa mga tabloid.

Sa kabila nito, nakapagbigay rin naman ng mga saloobin niyasi Cristy sa PEP (Philippine Entertainment Portal) para magkaroon ng linaw angkanyang panig sa kabuuan ng kontrobersiyang naganap. Nakausap ng PEP si Cristy kagabi, October 17.

"Nasaktan talaga ako," pag-amin ni Cristy. "Hindi konakayanan ang sakit na dulot ng paglait ni Nadia sa aking pagkatao sa mismongtalk show na kinaaniban ko. Hindi ko talaga puwedeng basta na lang palampasinang ganoong pag-aglahi sa akin. Sobra talaga, parang ginawa na niya akong pataypara sabihan niya akong walang budhi."

Ang tinutukoy ni Cristy ay ang naging pahayag ni Nadia labansa kanya sa The Buzz noong September 28. Nasa Canada raw siya, kaugnay ng isangspecial show ng Wowowee, nang makarating sa kanya ang balita. Halos lahat dawkasi ng mga taong nakakasalubong niya ay sinasabihan siyang napanood nila yungnaturang episode ng The Buzz, pero hindi siya makasagot dahil hindi niya mismonapanood ang sinasabing interview ni Nadia.

"Mabuti na lang, nakagawa kami ng paraan na mabalikan sa TFC[The Filipino Channel] yung episode kaya napanood ko nga," sabi ni Cristy."Alam mo, ang lamig sa Winnepeg this time of the year, pero nagawa kong hubarinang suot kong jacket dahil sobrang init ang naramdaman ko na parangsinakluban ako ng apoy sa mga narinig kong sinabi niya [Nadia] sa akin.

"Para sabihan akong ‘walang budhi, walang konsensiya,'parang pinatay na niya ako. Ang taong walang budhi ay yung pumapatay ng kanyangkapwa-tao nang walang dahilan. Alam ko sa sarili ko na hindi ako masamang taokaya hindi ko matanggap yun, at para paratangan niya akong ‘bayaran' na kaya kosiya siniraan ay dahil wala na siyang maiabot sa akin, hindi tama yun, hinditalaga totoo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya nga hinamon ko si Nadia na pagbalikan namin angpanahon mula nang mag-umpisa siya sa showbiz sa Going Steady, at alalahaninniya kung may naibigay siya kahit isang kusing sa akin. Wala talaga, kayamasakit yung ganoon paratang. Sa galit ko, hindi ko napigilang magmura, hindiko talaga kayang tanggapin yung mga pinagsasabi niya laban sa akin."

Pagbalik nga raw niya sa Pilipinas, nabigyan naman siyang pagkakataon sa kanilang talk show na The Buzz noong October 5 na sagutin angmga akusasyon sa kanya ni Nadia. Na para kay Cristy, mismong The Buzz staff, nasa ngalan ng balanced reporting, ay hinayaan nga siyang ipagtanggol ang kanyangpanig.

"Katuwiran ko, tao rin naman ako, may mga anak din akongnasaktan at nagdamdam dahil tinawag akong ‘walang budhi.' Gaya ni Nadia, nanaydin ako at ipinalaki ko rin nang marangal at may pinag-aralan ang mga anak ko.Kaya alang-alang sa kanila, kailangan ko rin namang ipagtanggol ang sarili ko,"paliwanag niya.

THE SUSPENSION. Pero hindi nga maganda ang naging bunga ng pagsangga atpagtatanggol sa kanyang integridad na sa tingin niya ay sobrang sinira niNadia. Na mismong ang Kapamilya niya ang nagbigay-hatol na mali ang kanyangginawa at labag sa kanyang katungkulan bilang isang media practitioner na mayintegridad.

Alam ng lahat ang anila'y naging dahilan ng pagsuspinde sakanya dahil inilabas na officially ng ABS-CBN, sa pamamagitan ng CorporateCommunications Head na si Mr. Bong Osorio, at ganito ang isinasaad nito:

"Ang kontrata ni Ms. Cristy Fermin bilang host ng The Buzz sa ABS-CBN Channel 2 atanchorperson ng Showbiz Mismosa DZMM ay sinuspende hanggang December 31, 2008.

"Ang suspensyon ng talent contracts ni Ms. Fermin saABS-CBN Broadcasting Corporation ay may kaugnayan sa mga naging pahayag niya saepisode ng The Buzz noongOctober 5, 2008. Ang aksyong ito ni Ms. Fermin ay lumabag sa ilang probisyon ngkanyang kontrata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa pananaw ng kompanya, nadamay ang mga batang walangkinalaman sa kontrobersya sa kanyang pahayag.

"Nalabag din ng aksiyon ni Ms. Fermin ang mataas nabatayan ng propesyonalismo at integridad sa pamamahayag. Ito ay nagdulot ngkapinsalaan hindi lamang sa kanyang pangalan at kredibilidad, kundi saprogramang The Buzz atsa ABS-CBN."

Nakapirma sa suspension order ni Cristy sina Ms. CoryVidanes at Mr. Peter Musngi, ABS-CBN Vice President for Manila Radio Division.

Pero bago pa man nailabas ang official suspension aybinigyan pa raw si Cristy ng memo ni Ms. Vidanes at hiningan ng paliwanag.

Kuwento ni Cristy, "Pagkatapos ko sa radio, nagpunta ako saopisina niya, nag-usap kami together with Louie Andrada [executive ng The Buzz], sinabi ko sa kanilaang panig ko. Pero alam kong may gagawin na silang action. Alam ko na sa suspensionna nga mauuwi ang lahat. Kaya inihanda ko na ang sarili ko."

THE FIRST TIME. Naalala rin daw ni Cristy na hindi naman ito ang unangpambabastos sa kanya ng The Buzz. Ang una ay yung naging kontrobersiya noon kayAnnabelle Rama.

"Sinulatan ko sila, sabi ko, ayaw ko nang maulit yun.Masakit talaga yun, para akong lumalakad nang walang ulo pagkatapos nun. Nangmga sandaling nasa national TV si Annabelle Rama at nilalait niya ako, dalawangdipa lang ang layo niya sa akin. Sa akin siya diretsong nakatingin at kunganu-ano ang panlalait niya. Nung mga oras na yun, gusto ko nang lumubog sakinatatapakan ko at dun na lang ako malibing. Masakit talaga yung nangyaringyun, pero nagawa ko ring palampasin.

"Pero itong pangalawa, hindi ko talaga kinaya, ayaw ko nangmaramdaman yung wala akong karangalang naglalakad at nililibak ng mga tao,"dagdag niya.

Tanggap na raw ni Cristy ang kanyang suspensiyon. Nasabi narin daw niya ang mga dapat niyang ipahayag. Sa pamamagitan ng kanyang mgakolum, naiparamdam na raw niya ang nararamdaman niya. Nakarating na sakinauukulan ang mga hinaing niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

And to quote the last part of her column sa Bulgar (October18), a copy of which was provided to us by Ms. Fermin:

"Hindi magkatugon ang aming pananaw, naninindigan pa rinkami sa aming karapatan at pananaw, pero tanggap pa rin namin an paliwanagnila.

"Sa kung saanman at anumang dahilan man kami lumabis atkinulang, ang taos-puso naming paghihingi ng paumanhin, maraming salamat saABS-CBN.

"Tuloy ang buhay, patuloy pa rin ang ikot ng mundo, maliitlang ang kahon ng showbiz na aming ginagalawan.

"Kapag ang mga emosyon ay humupa na, kapag ang mga tanong aynasagot na, tatawanan na lang naming ang lahat ang mga senaryong ito."

Sariwa pa ang sugat ngayon, ‘ika nga. Ramdam pa ni Cristy anganiya ay "pagyurak" ng kanyang karangalan at "pag-apak" sa kanyang pagkatao.Ayon sa kanya, ang ginawang suspensiyon sa kanya ng ABS-CBN ay tahasang pagsabing ayaw nasa kanya ng network. Isinakto nga kasi ang kanyang suspensyon sa huling araw ngkanyang kontrata sa December 31, 2008; na parang sinabihan na siyang ayaw na ngnetwork sa kanya.

"Labing tatlong taon ko silang ipinaglaban dahil naniniwalaakong Kapamilya ko nga sila," diin ni Cristy. "Parang lagi akong bala na nanakaumang sa aming kalaban at sa tuwing may dapat sanggain, ako ang isinusugodnila. Ayaw kong isiping nasayang ang lahat ng yun, pero balewalalang talaga. Parang yung tagal ng panahong naging loyal ako sa kanila, ngayondapat sila ang nasa panig ko, saka naman nila ako itinulak palabas.

"Kung kayo ang nasa katayuan ko, ano ang mararamdaman ninyo?Kung ganyan ang isinasaad ng suspensiyon nila sa akin, dapat pa ba akong magbalikpagdating ng panahon?" balik-tanong ni Cristy sa kung anong mangyayarisakaling magdesisyon ang network na i-renew ang kontrata niya sa susunod nataon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN