Dingdong Dantes says he'll talk about rumored breakup with Karylle at the right time

IMAGE 0


"I feel na hindi pa ito right time. Pero magsasalitanaman ako sa tamang oras talaga. Nangako naman ako na I would give an interviewpara malinawan na ang lahat sa mga nangyayari. Malapit na ‘yon kaya hindi namankayo maghihintay nang matagal," says Dingdong Dantes when asked to comment about his rumored breakup with girlfriend Karylle.



Kababalik lang ni Dingdong Dantes kahapon, October 17, mula sa Amerika kungsaan nag-abay siya sa kasal ng isang kaibigan. Sinamantala na rin ng young actor ang pagkakataon upang makapagbakasyon na rin kahit ilang araw lamang.

Hindi nanakapag-extend si Dingdong ng kanyang bakasyon dahil kinailangan na niyangmakabalik para makaabot sa inauguration ng bagong GMA Network Studios noongBiyernes ng gabi, na kasabay ng farewell episode ng telefantasya nila ni MarianRivera na Dyesebel.

Sa panayam ng PEP(Philippine Entertainment Portal) kay Dingdong sa loob ng GMA Network Stuidosay sinabi niya na nanghihinayang siya dahil hindi niya napanood ang lastepisode ng Dysebel. Dumiretso nga raw kasi siya sa inauguration, kung saan mayspecial dance number siya with Marian.

"Hindi ko nganapanood kasi nag-rehearse pa ako ng dance number namin ni Marian ‘tapos maymga inasikaso pa ako. Then, dumiretso na ako sa inauguration kasi doon na akonagbihis at nagpahinga.

"May konting jet lagpa ako pero commitment ko ito sa GMA-7 kaya nandito ako. Pina-record ko na langyung last episode ng Dyesebel para mapanood ko rin naman," sabi ni Dingdong saPEP.

KISSING SCENE. Usap-usapan din angnaging kissing scene nina Dingdong at Marian sa huling episode ng Dysebel, kungsaan ikinasal ang si Fredo at si Dyesebel sa Sirenea. Sa mgalumabas na mga litrato nila, kitang-kita na parang damang-dama ng dalawa angkanilang halikan.

"Gano'n ba?" sabaytawa ni Dingdong nang hingan namin siya ng reaksiyon.

"Kung anuman yungnapanood nila, isa lang naman ‘yon sa mga maraming naging kissing scenes naminni Marian. Pero siyempre, kailangan lumabas na mas special ‘yon kasi ikinasalna kami.

"In character langnaman kami ni Marian. Ako as Fredo, talagang mahal ko si Dyesebel kaya yungkiss, part ‘yon ng pagpapakita ng nararamdaman ni Fredo kay Dyesebel. Trabaholang ‘yon at alam yun ni Marian," diin ni Dingdong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

RUMORED BREAKUP. Hindi na rin naminpinakawalan ang pagkakataon na tanungin si Dingdong tungkol sa napapabalitanghiwalay na sila ng girlfriend niyang si Karylle. Nagsalita na kasi siKarylle sa 24 Oras at nag-deny ito sa balitang hiwalay na sila.

Nalaman daw itoni Dingdong noong nasa U.S. siya at may lumabas pang report na hindi niya ito diumano nagustuhan dahil may usapan na raw sila ni Karylle na sabay silang magbibigay ng official statement tungkol sa totoong estado ng relasyon nila.

"Ang totoo niyan,hindi pa kami nagkakausap or nagkikita ni Kay kasi kakabalik ko pa lang," sabini Dingdong. "Nakarating naman sa akin yung sinabi ni Kay. I don't want to sayanything muna tungkol sa mga sinabi niya.

"I feel na hindi pa ito right time. Pero magsasalitanaman ako sa tamang oras talaga. Nangako naman ako na I would give an interviewpara malinawan na ang lahat sa mga nangyayari. Malapit na ‘yon kaya hindi namankayo maghihintay ng matagal," pangako niya,

Halatang ayaw munangmagsalita o mag-comment ni Dingdong sa anumang naging pahayag ni Karylle. Sabinga ng ibang taga-press, kung wala talagang problema sa relasyon ng dalawa, madali namangsabihin ni Dingdong na okay sila ni Karylle at maayos pa rin ang relasyon nila.Pero tila iniiwasan pang magsalita ni Dingdong sa kung anumang kadahilanan.

Nang tanungin namannamin si Dingdong tungkol sa business nila ni Karylle, siniguro niya na hindinaman ito apektado. Part-owners kasi sina Dingdong at Karylle ng Centerstage Family KTV and Music Bar sa Timog Avenue, Quezon City, at sa Jupiter St., Makati Cty.

"Tuloy pa rin namanwhatever happens," mabilis na sagot ni Dingdong. "Hindi lang naman kami ni Karylleang nasa negosyo na ‘yon. Marami naman kami doon kaya tuluy-tuloy pa rin ‘yonand nothing has changed naman. Business is doing good as usual."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Sa pag-iwas ni Dingdong na magbigay ng pormal na pahayag, marami na ang naniniwala na may problema nga sa pagsasama nila niKarylle. Nagkataon pa na wala si Karylle sa inauguration ng GMA Network Studiosat marami ang nakapansin na buong gabi na hindi umalis sa tabi ni Marian Riverasi Dingdong. Hanggang sa pag-uwi nila, hinatid pa ni Dingdong si Marian sasasakyan nito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN