Willie Revillame says reconciliation with Joey de Leon is Willie Revillame says reconciliation with Joey de Leon is "historical"

IMAGE 0


"I humble myself to Mr. Joey deLeon. Hindi ko puwedeng ikumpara ang sarili ko sa kanya dahil institusyon nasiya, e. Ako naman po, e, hangad namin dito ay magpasaya lang," says Willie Revillame a day after his reconciliation with Joey de Leon.



"Historical," iyan ang paglalarawan ng Wowowee host na siWillie Revillame sa nangyaring pagbabati at pagsasama nila ng nakaalitang EatBulaga host na si Joey de Leon sa kauna-unahang Supreme To The Extreme Awardsng Philippine STAR na ginanap kagabi, October 17, sa Embassy Super Club sa The Fort, Taguig City. (Click here to read related article.)

Parehong nanalo ng awards sina Willie at Joey sa naturangevent na inorganisa ng mga young writers ng Philippine STAR sa pangunguna niTim Yap. Ginawaran si Willie ng Televisionary Award, samantalang ang highestaward naman na The Supremo Award ang ibinigay kay Joey.

Kanina, October 18, bago pa man maipakita sa mga showbiztalk shows, ipinalabas sa programang Wowowee sa ABS-CBN ang buong videocoverage ng naturang paghaharap nina Willie at Joey.

"Ang susunod n'yo pong mapapanood ay hindi ko ine-expect athindi ko aakalaing mangyari ito. Ito po ay araw-araw n'yong napapanood nabangayan nang bangayan. Eto po para malaman n'yo na kung ano ang nangyarikagabi, sa buong mundo, panoorin n'yo po ito," ang paunang sabi ni Willie bago paipalabas ang video.

At nasaksihan nga ng mga manonood ang kauna-unahangpagkikita nina Willie at Joey matapos ang mga kontrobersiya at patutsadahan nilasa telebisyon. Dito nga ay nilinaw ng dalawa na hindi naman talaga silanag-aaway kundi nagpapatutsadahan lang. Parang lambingan lang daw nila ito.

Nakitarin sa naturang video ang pagyayakapan, paghahalikan, pagkakamay, pagsasabi ng "Ilove you" sa isa't isa at pagbibiruan ng dalawang sikat na TV hosts.

WILLIE'S MESSAGE. After maipakita ang video ay nagbigay rin ng mensahe siWillie sa Wowowee tungkol sa nangyaring paghaharap nila ni Joey.

"Ang sarap ng feeling ng ganyan," simula ni Willie. "Alamn'yo, krisis na ang buong mundo, mahirap na ang buong mundo. Puro awayan. May natatanggalsa show, may ganito...puro pananakit, sakitan ng loob. Two noontime shows angpinapanood ng mga Pilipino araw-araw sa buong mundo. E, yun ba ang ipapakitanatin sa mga bata na lagi kaming nag-aaway? I think eto na yung time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I humble myself to Mr. Joey deLeon. Hindi ko puwedeng ikumpara ang sarili ko sa kanya dahil institusyon nasiya, e. Ako naman po, e, hangad namin dito ay magpasaya lang. Darating angpanahon, hindi n'yo masabi, baka magkasama rin kami sa isang show, sa isangpelikula, o ano. Tandaan n'yo po sa mundong ito, walang permanente. Angpermanente rito ay pagbabago.

"Ang importante ho, araw-araw yung dalawang show na ito, EatBulaga at ang Wowowee, nagbibigay ng saya sa inyo at nakakatulong sa mga taongnangangailangan. Kaya maraming salamat. Sana huwag na nating palakihin ito.Tapos na. Ako na ang nagpakumbaba. Siyempre respetado naman si Sir Joey attinanggap niya yung ano ko sa kanya. Patutsadahan lang ho ‘yan, wala ho ‘yan.Joey, bukas, Monday, kita tayo. Salamat, salamat."

At nagpahabol pa ng mensahe si Willie para sa staff ngWowowee.

Aniya, "Ako natutuwa lang ako sa staff namin. Kasi noongnangyari kahapon yun, wala ni isa man sa kanila na nag-comment ng masama. Lahatumiiyak, lahat nagpapalakpakan. Ibig sabihin nun, sa Wowowee wala po kamingnaisip na masama sa aming kapwa. Okay, thank you very much sa aming staff.

"Mr. M [Johnny Manahan, director ng Wowowee], wala na, walanang bad boy, good boy na. Okay na."

MORE AWARDS.Masayang-masaya nga si Willie dahil bukod sa nakuhang award ay naging bonus paang pagbabati nila ni Joey. Idagdag pa sa kasiyahan ni Willie ang awards nanakamit niya at ng Wowowee sa 19th Annual National Consumer Awardsna ginaganap din noong October 17, sa Manila Hotel.

Pinarangalan si Willie bilang Outstanding TV Host, habangang Wowowee naman ay nanalong Outstanding Noontime TV Program. Naunang pinuntahanni Willie ito bago ang Philippine Star event.

At kanina nga ay nagpasalamat din siya para sa mga natanggapnilang awards.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
"Lahat po ng sinasabi namin dito sa Wowowee, sincerepo naming sinasabi ito, hindi po ito palamuti o hindi namin ito sinasabi langfor the ratings. Kagabi ho, na-award-an po ang Wowowee, na-award-an po kami ngNational Consumers Awards. Ang Wowowee po ang Best Noontime Show, at ako aynahirang bilang isang Best Noontime TV Host. Maraming salamat po sa NationalConsumers," ani Willie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN