Boy Abunda on Cristy Fermin's suspension: "Nalulungkot ako, nasasaktan ako."

IMAGE 0


"Ang masasabi kolang, at sinabi ko ‘to sa Buzz kahapon, ang dami kong tanong na walangsagot. May mga sagot na lalo lang dumadami ang mga tanong ko. It is wise in acertain point in our life not to say much when you don't know much," says Boy Abunda about the suspension of The Buzz co-host and friend Cristy Fermin.



Mainit pa ring pinag-uusapan ang suspension ni Cristy Ferminsa programang The Buzz at sa radio program nito sa dzMM na Showbiz Mismo. Angsuspension ng pamunuan ng ABS-CBN ay bunsod ng paglabag ng batikang kolumnistasa ilang probisyong nakasaad sa kanyang kontrata bilang host ng Sundayentertainment talk show at anchor ng kanyang programa sa radyo.

Kanina, October 20, nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (PhilippineEntertainment Portal) na mabisita ang taping ng Boy & Kris, ang dailymorning show nina Boy Abunda at Kris Aquino. During the break, nakausap namin siBoy at hiningan namin siya ng reaksiyon hinggil sa suspension ng co-host niya saThe Buzz na si Cristy.

"Nalulungkot," sambit ng TV host.

Aware ba siya na masususpinde si Cristy kanilang sa talk show?

Sagot ni Kuya Boy, wala raw siyang kaalam-alam na mangyayari‘yon. Dagdag niya, "Nalaman ko lang, may nagsabi sa akin sa news."

Nagkausap na ba sila nang personal mula nang ibinaba angsuspension kay Cristy?

"Nag-text lang ako, hindi ko kaya," malungkot na saad ng TVhost.

Nagsampa na rin ng reklamo sa Movie and Television Reviewand Classification Board (MTRCB) si Nadia Montenegro at iimbestigahan na raw ngahensiya kung may nilabag nga ang The Buzz sa kanilang alituntunin. Matatandaangsa October 5 episode ng The Buzz ay live na nagpahayag ng kanyang saloobin siCristy laban kay Nadia, kung saan binanggit ni Cristy na may anak diumano salabas si Nadia.

"Dinig ko lang. Pero wala akong official statement fromMTRCB. Dinig ko lang na nagreklamo nga si Nadia."

Isiniwalat ni Cristy sa kanyang mga kolum sa diyaryo na dalawangbeses daw siyang "nabastos" sa sarili niyang programa. At masama ang loob ng batikang kolumnista sa pangyayaring‘yon. Ayon naman sa pamunuan ng The Buzz, ipinaalam nila kay Cristy ‘yon bagoiniere.

Ano ang masasabi ni Boy tungkol dito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"You know, I can't speak on their behalf. Ang masasabi kolang, at sinabi ko ‘to sa [The] Buzz kahapon, ang dami kong tanong na walangsagot. May mga sagot na lalo lang dumadami ang mga tanong ko. It is wise in acertain point in our life not to say much when you don't know much."

Patuloy ni Boy, "Pero nalulungkot ako, nasasaktan ako, kasikaibigan ko si Cristinelli. I'm sad, she's a friend, di ba? Pero di akomagkukunwaring napakarami nang alam at opinion, di ba?"

Samantala, sa teaser ng The Buzz ay may isa raw "magbabalik"sa programa sa susunod na Linggo, October 26. Sa last part ng taping ng isangepisode ng Boy & Kris, nakapagbiro si Kris ng "See you on Sunday!" natinawanan naman ni Boy. Kaya natanong din namin ang TV host kung si Kris ba angtinutukoy na magbabalik sa show ng Kapamilya network.

"No, I don't know," sagot niya. "I'm going to meet themanagement [this Wednesday], not about Kris, but about the show. Hindi ko alamang mga plano. Gusto kong marinig mismo sa mga tao."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN