Karylle leaves Angeli Valenciano's Genesis for STAGES management

IMAGE 0


Karylle is still mum about her rumored breakup with Dingdong Dantes, but STAGES admits that the young singer-actress has broken her ties with Angeli Pangilinan-Valenciano to transfer to STAGES.



Kailan lang nang may makarating na balita sa PEP (PhilippineEntertainment Portal) na balitang wala na raw si Karylle sa pangangalaga ngGenesis Entertainment ni Angeli Pangilinan-Valenciano.

Unang tinanong ng PEP si Karylle kung totoo nga ba angbalita at kung totoo rin ba na tulad ni Christian Bautista, na nakasama niya samusical play na West Side Story, ay iisa na lang ang manager nila—si CarloOrosa ng STAGES.

Hindi kami nakatanggap ng sagot mula kay Karylle, kahit walanaman kaming tanong tungkol sa rumored breakup nila ng kanyang boyfriend na siDingdong Dantes. Balita kasi na hangga't maaari, umiiwas daw talaga si Karyllena magpa-interview muna about the issue.

Inisip na lang ng PEP na baka busy si Karylle, na ang balitanamin ay nasa out of town. Kaya minabuti na lang ng PEP na idiretso ang tanongsa publicist ng STAGES na si Oliver Oliveros. Mabilis naman itong sumagotthrough text na bago pa man ang final run ng West Side Story, nasa ilalim na ngSTAGES management si Karylle.

Pero ilang oras pa rin ang lumipas bago kami binalikan niOliver nang tanungin namin ng ilan pang impormasyon tungkol sa paglipat niKarylle ng management. Base sa text message na ipinadala ni Oliver, maayosnaman daw ang paglipat ni Karylle ng management mula sa pangangalaga ng asawani Gary Valenciano na si Angeli.

"Manila Genesis management knew that Karylle would transferto Stages talent group prior to the final weekend run of West SideStory. We are in a period of peaceful transition. We are initiallyplanning to work on Karylle's new studio album," ang ibinigay na statement ngSTAGES sa PEP.

Sa mga naririnig naman ng PEP, isa raw sa reason niKarylle ay dahil nag-enjoy raw talaga ang young singer-actress sa musical play. At ngayong nabigyan na siya ng pagkakataon, plano ni Karylle naituloy ang theater career niya hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging saabroad. Ang STAGES kasi ang isa sa mga management na may link sa mga stage playhere and abroad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Makakasama na ni Karylle ngayon sa STAGES ang iba pangtalents na mina-manage nito gaya nina Christian Bautista, Sam Concepcion, IñakiTing, Raki Vega, Isabella Chen, at Aria Clemente.

Samantala, hanggang ngayon ay hinihintay pa rin ang statement nina Karylle at Dingdong kung ano nga ba ang totoo sa likod ng usap-usapanna break na silang dalawa. Pero mukhang sa ngayon, ang kumpirmado lang ay angpakikipagkalas ni Karylle sa dati niyang manager.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN