Marian Rivera still mum about rumored relationship with Dingdong Dantes

IMAGE 0


"Kay Dong po ninyo itanong ‘yan. Bastaako, ganito na po ako noon pa, lagi akong masaya. Mahilig lang kamingmag-asaran ni Dong kaya nagkakapikunan, pero hindi naman po natataposang arawna hindi kami okey. Kung iba po ang pakahulugan nila, nasa kanila na‘yon. Hindi ko po babaguhin ang sarili ko," replies Marian Rivera whenasked if something special is going on between her and DingdongDantes.



Ilang oras nang nakababad sa swimming pool ng Danarra Hotelsa Panay Ave., Quezon City, ang young actress na si Marian Rivera nang abutan siya ng ilang entertainment pressat ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na dumalaw sa taping ng Dyesebelkagabi, October 7.

Ang naturang eksena ay ang ultimate na pag-aaway ninaDyesebel (Marian) at Betty (Bianca King), na naging isang pangit na sirena narin. Of course, naroon din si Fredo (Dingdong Dantes) na may kakayahan nangtumagal sa ilalim ng tubig.

Umahon muna si Marian sa swimming pool para ayusin angkanyang headdress at makainom ng hot tea para mainitan naman ang kanyangkatawan. Kahit ang isinuot sa kanyang bath robe ay nabasa na rin kasi.

Next week ay finale na ng Dyesebel at kagabi na anglast taping day ni Dingdong, who's leaving tonight, October 8, for SanFrancisco with his mom. Pero si Marian ay hanggang October 13 pa ang taping.Inuna muna nila ang mga eksenang kasama si Dingdong, tulad ng finale.

Tinanong namin si Marian kung ano ang kaibahan ng finale ngDyesebel sa finale ng Marimar.


"Ay, ayaw ko pong i-compare ang dalawa kong soap dahil pareho kong minahal‘yon," sambit ni Marian. "Pero maganda po ang finale namin [dito saDyesebel], naiiba. Tiyak na kikiligin kayo, pero sorpresa muna. Kahit kami aykinilig nang mapanood namin sa video ‘yong finale."

Ano ang feeling na matatapos na ang Dyesebel?

"Malungkot po kasi magkakahiwa-hiwalay na kami," sagotni Marian. "Iba po kasi ang naging bonding namin. More than six months kamingmagkakasama-sama, simula pa sa Palawan. May mga times po kasi na kapag maagakaming natapos ng taping, lumalabas kami kahit ilang hours lang.

"Nakakalungkot po, kasi si Direk Joyce [Bernal], humingi narin ng bakasyon. Masyado po siyang na-drain sa trabaho. Wala po siyang pahingasimula pa ng Marimar hanggang itong Dyesebel. Nagdirek pa siya ng movie ninaRichard Gutierrez at KC Concepcion [For The First Time]. One month po yata siyang magbabakasyon atpagkatapos, may gagawin pa rin siya sa GMA-7."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mami-miss ba niya si Dingdong?

"Hindi naman po magtatagal si Dingdong sa States. SaOctober 17, nandito na siya in time sa inauguration ng GMA Network Annex. Mayroon din kaming ginagawang movie, ang OneTrue Love. Pagkatapos po noon, magsisimula na kaming mag-taping ng bago namingsoap na straight drama at mas mature daw ang mga characters namin, ang AngBabaeng Hinugot Sa Aking Tadyang.

Biro kay Marian, mas sexy ang character niya sa bago nilangsoap.

"Okey lang po sa akin ‘yon," sabi niya. "As an actress,dapat gampanan ko ang lahat ng roles na ibibigay sa akin, wala pong problema."

INCIDENT WITH ARA. Nilinaw na rin ng PEP kay Marian ang issue na tinabig dawsiya ni Ara Mina noong nag-perform sila para kay Mother Lily sa SOP noongSeptember 28 at iniyakan daw niya ‘yon.

"Wala po kaming alitan ni Ara," paglilinaw ni Marian. "Atkahit ako ay nagulat na mayroon palang ganoong issue. Hindi ko po napansin ‘yon.Kahit saan po ako inilagay, kahit doon sa dulo, hindi problema sa akin. Angmahalaga po, alam ni Mother Lily na nandoon ako at binati ko siya. Hindi pototoo na iniyakan ko ‘yon."

Kung sakaling pagsamahin sila ni Ara sa isang project, papayagba siya?

"No problem po. Wala po akong karapatang tumanggi kungsino ang gusto nilang makasama ko," sagot niya.

BREAK OR NOT? Hindi rin siyempre mawala-wala ang issue na break na raw silang boyfriend niyang si Ervic Vijandre. Pero bakit parang hindi siyanalulungkot?

"Bakit ko naman po ipakikita pa kung nalulungkot manako?" balik-tanong niya. "Gusto ko pong ipakita ang positive side ko. ‘Tsakabakit kailangan kong malungkot, ang dami pong blessings na dumarating sa akin?Marami akong projects, endorsements, maraming nagmamahal sa akin na nagpapasayasa akin."

In love ba si Marian Rivera ngayon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Lagi po naman akong in love," nakangiting niyangsagot. "In love po ako sa trabaho ko, sa mga friends ko, sa family ko... Lalo na po sa GMA Network dahil napakalaki ng utang na loob ko sa managementdahil sa pagtitiwalang ibinibigay nila sa akin."

Ayaw ring mawala ang issue na mas maganda raw ang pagtitinginannila ngayon ni Dingdong. May maganda na bang nangyayari sa kanila?

"Kay Dong po ninyo itanong ‘yan," sagot niya. "Bastaako, ganito na po ako noon pa, lagi akong masaya. Mahilig lang kamingmag-asaran ni Dong kaya nagkakapikunan, pero hindi naman po natatapos ang arawna hindi kami okey. Kung iba po ang pakahulugan nila, nasa kanila na ‘yon. Hindi ko po babaguhin ang sarili ko."

Dumating daw sa set ng Dyesebel si Antoinette Taus, na datinggirlfriend ni Dingdong. Nagkita ba sila?

"Hindi po. May nagsabi lang sa akin na dumating siyakasi nagte-take po ako. Wala pa rin po yata si Dingdong noon. Pero sabi nila,friend daw po niya si Bianca [King] at ito ang pinuntahan niya.

Ayaw paawat ng mga kausap ni Marian. Si Dingdong na ba angnatagpuan niyang "one true love"?

"Ewan ko po, mahirap pong magsalita nangtapos," nakangiting wika ni Marian bago tumalon muli sa swimming pool.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN