Ryan Agoncillo happy about reconciliation of Judy Ann Santos and Alfie Lorenzo

IMAGE 0


"Ang masasabi ko lang, natutuwa ako at nagkaayos na sila. Ispoke to Tito Alfie already. I spoke with Juday already at sabi naman niya,nagkaayos na sila and that's enough for me," says Ryan Agoncillo about the settlement between girlfriend Judy Ann Santos and her manager Alfie Lorenzo.



Sa presscon ng bagong afternoon soap ng ABS-CBN, Pieta, kaninang tanghali, October 21, ay expected na ng lead star nito na si Ryan Agoncillo namatatanong siya tungkol sa isyung namagitan sa kasintahan niyang si Judy AnnSantos at ang manager nito na si Alfie Lorenzo.

Matatandaan na nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sina Judayat Alfie nang sabihin ng aktres na ipapakita muna niya sa kanyang abogado angbagong kontrata niya sa ABS-CBN. Nagalit dito si Alfie dahil sa loob daw ng 20years ay hindi kinailangan ni Juday na kumonsulta sa abogado kapag pumipirma ngkontrata.

Pero nito lang Sabado, October 18, ay nagkaayos na ang dalawanang pumunta si Juday sa bahay ni Alfie upang humingi ng paumanhin.

Bilang kasintahan ni Juday, ano ang masasabi ni Ryan tungkoldito?

"I've been reading and I've been hearing about it," umpisani Ryan sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ibapang entertainment press. "Pero mataas ang respeto ko kasi kay Juday at mataasdin ang respeto ko kay Tito Alfie. I think, labas ako sa ganyang usapan lalona't mag-manager ang usapan. They've been together for 20 years and I think it'sdisrespectful for me to comment.

"Ang masasabi ko lang, natutuwa ako at nagkaayos na sila. Ispoke to Tito Alfie already. I spoke with Juday already at sabi naman niya,nagkaayos na sila and that's enough for me.

"Si Tito Alfie, nakausap ko siya kagabi [Oct. 20]. Okeynaman. Sabi ko nga, ‘Tito A, medyo busy lang, pero bubuwelo ako. Pupuntahan kokayo.' Usap tayo. Iba naman kasi ang pinag-uusapan namin, personal. Sabinaman niya, ‘Sige, usap tayo! Lalaki sa lalaki. Basta ang kundisyon, naka-briefka!" natatawang kuwento ni Ryan."

MIND OF HER OWN. Tinanong ng PEP si Ryan kung isa ba siya sa nag-advice kayJuday na kumunsolta ng abogado at makipag-usap at makipag-ayos sa manager nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I think, we need to give credit to Judy Ann. Judy Annhas a mind of her own. She's thirty [years old]. She's successful and shewouldn't reach this success without the help of Tito Alfie and, of course, theother people in the industry. Pero ang main ingredient din naman ng isangsuperstar, a young superstar like Judy Ann, is herself.

"She's a very intelligent woman and I think, we have to giveher that credit. Whatever decision that she makes now, huwag nating anuhin na, 'Bbaka may nag-advice or baka may nagsulsol. Matalinong babae si Judy Ann.And I think she's only beginning to show us whatever na kaya niyang gawin. Andwe have to give her credit for that," pagtatanggol ni Ryan sa kanyang futurewife.

Ano naman ang reaction niya sa nasabi raw ni Alfie na kumuharaw ng abogado si Juday at ang pangalan ay Atty. Agoncillo?

"I would think na nagbibiro si Tito Alfie," sabi ni Ryan."Siguro siya na lang ang tanungin n'yo. I think everything's in stride, youknow. Kilala kong makipag-usap si Tito Alfie. Alam naman natin ‘yan, cariño brutal. Hindilang minsan kundi mas madalas."

Ano naman ang masasabi ni Ryan sa statement ni Alfie na "Imade her, I can unmake her!" na ang tinutukoy ay si Juday? Ang naturangpahayag ni Alfie sa Showbiz Central ay naipakita sateaser ngunit hindi naipalabas nang buo dahil nagkabati na nga sila ni Juday bago pa ito ilabas.

"Kung anuman ang marinig ko, sige, tingnan natin. Iba anglumalabas. Like this one, I'm reading this from a third party, I'm hearing itfrom you. Hindi ko naman siya nabasa. At alam naman natin si Tito Alfie, kapagnagsalita, mabulaklak siyang magsalita. Maraming palabok kapag nagsalita.

"So, ako, I'll take it at a face value. I respect him toomuch to even comment on what's happening between them. I heard nagkausap nasila noong Sabado and that's all that matters to me. At least, nagkaayossila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag niya, "Because hindi ko lang naman sila karelasyonbilang katrabaho kundi Tito Alfie is a very good friend of mine, and Judy Annis very dear to me, and it's very important for me na nagkaayos sila. Whateverthat has been said and done in the media, hindi ko siguro concern yun. Angconcern ko ay nagkaayos sila."

Hindi raw nakita o binasa ni Ryan ang sinasabing bagongkontrata ni Juday sa ABS-CBN. Aniya, he's not privy with Juday's contract. Perograteful ba siya sa manager ni Juday dahil sa sinasabi nitong damay raw siya samagandang kontratang nakuha niya para kay Juday hanggang 2011?

"I'm not aware of the detail of the contract. Hindi kosiguro masasagot ‘yan. But if you'll ask me if I'm grateful with all the help,of course. I think, hindi ko naman makakalimutan yung fact na si Tito Alfie angisa sa nagdesisyon na ipares ako kay Judy Ann sa Krystala.

"You know, that's the start of a career for me. And also,the start of a relationship that I wanna keep forever. So, you know, there areso many things for me to be grateful about kung kay Tito Alfie ang pag-uusapan.Malaki ang utang na loob ko sa kanya. But if you're talking about the contract,I'm not sure about the contract, so I wouldn't know," pagtatapos ni Ryan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN