Call-center agent's food kiosk now has 60 resto branches, 40 more coming up

"Nagsimula lang siya sa isang maliit na kiosk sa Pasig."
by Bernie V. Franco
May 24, 2023
butterfly squid
Ang ginamit na PHP200,000 ay naging multi-million food business na ngayon. Ito ang success story ni Winna Baldonado.
PHOTO/S: Facebook (Above Sea Level PH) / YouTube (Julius Babao UNPLUGGED)

Si Winna Baldonado, taga-Tarlac, ay dating call-center agent na naglakas loob na magtayo ng isang food kiosk noong 2016.

After seven years, mayroon nang 60 restaurant branches ang kanyang negosyo, nakabili na siya ng mga sasakyan, nakapagpatayo ng dream house, at nakakatulong sa higit na 150 employees.

Lahat ito ay nagsimula lamang sa pangarap at PHP200,000 puhunan.

Si Winna ang owner ng Above Sea Level seafood restaurant.

Siya aniya ang nagdala ng giant butterfly squid sa bansa, na siya ring trademark ng kanyang food business.

“Actually, nagsimula lang siya sa isang maliit na kiosk sa Pasig, doon po namin unang itinayo si Above Sea Level,” ani Winna sa interview ng Julius Babao UNPLUGGED YouTube.

seafood

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

PLANNING TO WORK ABROAD

Paalis na raw sana si Winna papuntang Dubai noong 2016.

“Nagtatrabaho po ako sa isang call center, may plan po ako na mag-abroad. Nag-ipon po ako ng pang-abroad ko.

“Then nag-resign na po ako sa job ko. Naka-ready na po lahat ng papers ko. Pupunta na po ako dapat ng Dubai.”

Isang araw, inimbita siya ng isang kaibigan na dumalaw sa isang food park sa Pasig.

May food business kasi roon ang kaibigan, at sinabi nito kay Winna na PHP200,000 to PHP300,000 ang kanyang puhunan para maitayo ang kanyang business.

Nagbabalak na rin noon na magtayo ng negosyo ni Winna, pero inisip na palakihin pa ang kanyang pondo kaya siya magtatrabaho abroad.

Pero na-engganyo siya sa kuwento ng kanyang kaibigan. Naisip daw ni Winna na unahin ang magnegosyo bago siya mag-abroad.

Read:

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero sinabi raw ni Winna sa sarili na dapat ay mag-trending ang kanyang io-offer dahil isusugal niya ang lahat ng kanyang ipon.

Naisip daw niya ang grilled pusit na korteng butterfly at pinipilahan sa Thailand.

“Sabi ko, ‘Siguro kasya na yung PHP200,000 na ipon ko. Di muna ako mag-a-abroad.’”

Sinuportahan siya ng kanyang kaibigan, at sinabihang mag-apply para makakuha ng kiosk sa food park, na pinagpasa naman siya ng recipe para sa itatayong business.

“Kailangan daw kakaiba. Kapag may nag-o-offer na ng ino-offer mo, hindi na puwede."

Nagpatulong si Winna sa kaibigang chef kung paano pasarapin ang butterfly squid recipe.

“Hanggang ginawa niya ang recipe na iyon, hanggang sa tinrial-trial sa bahay. Trial and error…” ani Winna.

Na-impress daw ang food-park owner dahil kakaiba ang kanyang squid.

Sabi raw nito kay Winna, “Alam mo, magba-viral to. Sige, pasok ka na.’ So itinayo ko si Above Sea Level doon sa food park na iyon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

giant butterfly squid

Bago raw ang grand opening, ipinost sa social media ni Winna ang giant butterfly squid.

“’Soon to open,’ sabi ko, ‘the giant butterfly squid, first in the Philippines.’

“Nagulat ako. The next day, paggising ko, 250,000 likes na siya.”

Tumaas ang kumpiyansa ni Winna na papatok ang kanyang negosyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa first day nila, ang pila raw ng mga parokyano ay dalawang palapag. Nasa second floor kasi ang kiosk ni Winna.

And the rest, as they say, is history.

BUSINESS BOOMED

Sa interview ni Julius Babao, ipinakita ang mala-mansiyong bahay ni Winna na ipinatayo niya noong 2019.

Puno rin ang bahay ng mga vintage items, tulad ng grandfather's clock at vintage telephone. Mahilig kasi si Winna sa vintage.

Bukod pa rito ay naipaayos na ni Winna ang dati nilang maliit na bahay malapit sa bagong bahay.

Binili na rin niya ang mga katabing lupa at dito itinayo ang unang commissary ng kanyang business.

“Nakapagpundar na kami ng maraming sasakyan for deliveries ng business,” sabi ni Winna.

“Kasi kami po ang nagsu-supply sa lahat ng branches ng Above Sea Level. Halos araw-araw, tatlong deliveries po…

“So tatlong truck, tatlong van ang ginagamit namin sa isang araw."

restaurant

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang kanilang commissary kung saan naroon ang kanilang finished goods, gaya ng squid at mga sauces, ay may 40 freezers.

Itinatayo na ngayon ang mas malaking commissary nina Winna na mayroon nang cold storage.

Magpo-produce na rin sila ng mga products na magiging commercially available.

Itinatayo ang bagong commissary sa isang one-hectare land, na tatayuan din ng isang resort.

Sa nasabing lugar din kasi idaraos ang one-week seminar sa future franchisees. Kaya may matutuluyan sila kapag nag-training.

ACHIEVER AS A CHILD

Ang pinanghawakan ni Winna habang lumalaki ay ang habilin ng kanyang namayapang lola: Mag-aral nang mabuti at tulungan ang mga kamag-anak.

Naisip daw ni Winna na magagawa lamang niya ito kung magtatayo siya ng negosyo.

Dahil galing sa hirap, pinagsikapan ni Winna na manatiling valedictorian.

“Ang ginawa ko po, gusto kong maging valedictorian para walang tuition sa high school.

“Ang valedictorian sa high school pag college, wala ka ring tuition. Yun ang tumatak sa isip ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong nasa elementary at high school ay maaga raw niyang sinasamahan ang lola niyang may carinderia sa palengke.

Kapag natutulungan niya kasi ang lola ay nabibigyan siya ng baon.

Nang magkasakit ang ina, ibinenta nila ang carinderia ng kanilang lola.

Doon daw mas lalong naramdaman ni Winna ang hirap ng buhay.

Umasa sila sa kanyang ama na nagtrabaho bilang constructon worker at sa pagsasaka.

Dahil scholar siya, ang pinroblema lang ni Winna noon ay pambaon.

OPENING FOR FRANCHISE

Sabi ni Winna, ang katabing food establishment ng kanyang food kiosk ay isang malaking food business.

Pinayuhan siya ng owner na ipa-franchise ni Winna ang food business dahil nakikita niyang may potensiyal ito.

Bukod pa roon, marami raw matutulungan si Winna dahil mabibigyan ng trabaho ang ibang tao.

Wala raw ideya si Winna sa pagpapa-franchise.

Nangako ang katabing food-business owner na tutulungan niya si Winna sa paper works sa pagpa-franchise.

Pinayuhan din siyang simulan ang franchise fee sa halagang PHP290,000, o itaas ito, depende sa kumpiyansa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nung nagkalakas-loob si Winna na magpa-franchise, may tumawag sa kanya na interested franchisee.

Nang magtanong ang potential franchisee kay Winna kung magkano ang franchise fee, sa halip na PHP290,000 ay PHP490,000 ang isinagot niya.

“Okay, let’s talk,” pagpayag ng franchisee.

At naitayo ang unang resto ng Above Sea Level.

Nagtuloy-tuloy na ang pagdating ng franchisees.

Sa ngayon ay mayroon na ngang 60 restos ang business at magtatayo pa ng 40 branches.

Noong panahon ng pandemya, inamin ni Winna na natakot siyang baka matindi ang epekto nito sa kanyang negosyo.

Sa takot na mag-fail, nag-imbento ang company niya ng mga karagdagang products, tulad ng squid na nasa bote.

Pumatok lalo ang kanilang negosyo noong kasagsagan ng pandemya.

Di pa rin makapaniwala si Winna sa bilis ng mga pangyayari.

Sabi niya, ang nais lang niya noon ay magtayo ng negosyo, at matulungan ang mga kamag-anak, tulad ng habilin ng lola.

Higit pa ang na-achieve niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang ginamit na PHP200,000 ay naging multi-million food business na ngayon. Ito ang success story ni Winna Baldonado.
PHOTO/S: Facebook (Above Sea Level PH) / YouTube (Julius Babao UNPLUGGED)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results