Luis Manzano dismisses rumored breakup with Angel Locsin

IMAGE 0


"If it's something na nagpalaglag ang isang tao, ifyou're gonna make that kind of a statement, dapat talaga may proof ka. Hindi talaga ako naniniwala, and I don'tthink Angel is a type of lady to do that. Maganda ang pagpapalaki sa kanya ngmagulang niya," says Luis Manzano about the abortion issue being linked to Angel Locsin.




Nagulat ang young TV host-actor na si Luis Manzano sa isyunghiwalay na sila ng girlfriend niyang si Angel Locsin. May kinalaman dawsi Piolo Pascual sa tampuhan ng dalawa. Sina Angel at Piolo na naman kasi angmagkapareha sa pelikulang Land Down Under ng Star Cinema.

Pero ayon kay Luis, wala naman daw silang kaproble-problemani Angel at never na magiging dahilan si Piolo. Close pa rin sila at masnadadagdagan pa nga raw ang closeness nila ngayon.

"She's okay...very, very busy. Tuloy-tuloy rin ang shootingnila ni PJ [Piolo]," sabi ni Luis nang makausap siya ng PEP (PhilippineEntertainment Portal) sa second screen test ng magiging kapareha niya sakanyang fantaserye na Flash Bomba sa ABS-CBN.

May time pa ba siAngel sa kanya?

"Kasi she's very busy dahil naghahabol nga ng playdate. Ibatalaga ang demands ng movie nila. Ako naman, I'm doing Dyosa. Pareho kamingbusy. Pero we make it a point na if there's any free time, kahit one or twohours, we make it a point to spend it with each other," pahayag ni Luis.

Ayon kay Luis, never daw siyang nag-demand ng oras kay Angelat never naging isyu sa kanila ito, gaya ng sinasabing dahilan ng breakup.

Alam naman daw niya ang nature ng trabaho ng isang artistasince pareho naman silang artista ni Angel, and another thing, lumaki siya sashowbiz na nakikita rin ang trabaho ng ina niyang si Vilma Santos.

Sabi pa ni Luis, wala naman daw pagbabago sa status ngrelasyon nila ni Angel at mas naging close pa nga raw sila ngayon, kaya hindiniya alam kung bakit may isyung break na sila.

ABORTION ISSUE. Aware din ba siya sa isyung nagpaglag diumano si Angel?

"You know, it's very, very easy to come up with things likethat. Napakadaling sabihin na may nagsabi ng ganito, may ganun, until you comeup with something solid. Siguro yun ang pinakaimportante in anything and anyissue. Napakadaling sabihin kasi na may umabot sa aking issue, na mayganyan-ganyan," sabi ni Luis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napag-usapan ba nila ni Angel ang tungkol dito?

"Hindi namin kailangang pag-usapan dahil wala namangkatotohanan ‘yang mga ganyan," sagot ng binata. "If it's mga petty issues siguro, o puwede pa yungsabi ni ganito, sabi ni ganyan. But if it's something na nagpalaglag ang isang tao, ifyou're gonna make that kind of a statement, dapat talaga may proof ka. Hindi talaga ako naniniwala, and I don'tthink Angel is a type of lady to do that. Maganda ang pagpapalaki sa kanya ngmagulang niya."

GAY ROLE. Tinanong din ng PEP kung matutuloy pa ba ang movie nila ngina niyang si Governor Vi with John Lloyd Cruz, kung saan gaganap na gay siLuis.

"Initially tumanggi ako, pero there might be another set oftalks," pagbabalita ni Luis. "Kinausap nila ulit ako na parang may pinapasabisi Tita Malou [Santos, managing director of Star Cinema] na we will have a meeting very, very soon, na iba yungpresentation na gagawin nila for me to reconsider.

"Pero initially na yung lumabas talaga sa past interviews, Idid decline. Pero I have no idea kung anong mangyayari sa next presentation. Kasinung in-offer sa akin yun, hindi ko pa nakikita yung solid script and ngayon namedyo nakukumpleto na ang script, siguro gusto nilang i-present sa akin nasomething solid."

Hindi pa ba siya ready sa ganoong kaseryosong role?

"Hindi naman sa hindi ready dahil sabi nga ni Mommy mismo, andI agree, acting piece yun, e. You know, the fact that I'll be acting with my mom, who's a multi-awarded actress. Second, si Lloydie is an acting genious, ‘tapos yung very non-traditional role para sa akin. Pero may certain inihibitions, ‘ikanga, na personal naman. It's nothing big na hindi ako secure sa pagkalalaki ko,hindi naman mga ganun. But personal reasons lang," paliwanag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


So, waiting pa pala sa script kaya hindi maumpisahan?

"I think maraming inaantay dahil una, si John Lloyd is doingBetty La Fea. My mom is still busy sa Batangas. I think ang target naman nila ayDecember or by next year ang umpisa, pati yung pagkuha nila sa New York," sabini Luis.

As of now, walang pang percentage na puwedeng tanggapinni Luis ang project. May better answer daw siya pag nagawa na yung secondpresentation.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN