Ciara Sotto dismisses reports about Sharon-Kiko separation

IMAGE 0


"I think it's just the media that made up thewhole story for I don't know what. Nothing happened. I don't know kung bakitganoon," says Ciara Sotto about rumors that her cousin, Sharon Cuneta, has separated from Senator Kiko Pangilinan.



Sunud-sunod ang out-of-town shows at mall shows na ginagawani Ciara Sotto sa promotion ng kanyang If You Love Me album. Ito angdahilan kung bakit hindi pa siya bumabalik sa Las Vegas magmula nang umuwi siyarito sa Pilipinas last June, na dapat sana ay ilang linggo lang na bakasyonniya.

Pero siniguro ni Ciara na sa susunod na buwan, November, aybabalik na siya sa Las Vegas. But she promised that she will come home again in timefor Christmas.

Most likely, hindi pa rin ang pagsisimula ng Fever show angipupunta niya sa Vegas next month. Since she has an agent there, mga singingengagement at pictorial muna raw ang gagawin niya kaya kailanganniyang bumalik.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ilangentertainment press si Ciara sa press conference ng Pieta noong Martes, Oktubre 21, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN. Hindi siya kasama sacast, pero ang isa sa mga kanta niya sa album na Kapalaran ang ginamit natheme song para sa afternoon series ng ABS-CBN.

SHARON-KIKO ISSUE. Si Ciara ang madalas tanungin ng press tungkol sa nakaraangpagbabakasyon nila sa Hong Kong kasama ng pinsan niyang si Sharon Cuneta. Pilitinaalam kay Ciara kung ano ang nalalaman niya tungkol sa isyung hiwalay na rawang Megastar kay Senator Kiko Pangilinan.

"I really can't say anything," sabi ni Ciara. "We were justhaving fun in Hong Kong because, you know, my cousin [Sharon] got sick. So we just wanted to take care of her, so we followed."

Dagdag niya, "I think it's just the media that made up thewhole story for I don't know what. Nothing happened. I don't know kung bakitganoon."

Ayon kay Ciara, all girls lang daw sila at kasama lang nila siFanny Serrano.

"Hindi ko talaga alam kung saan talaga galing yun. Whoevermade it, they should end it because it didn't happen talaga. At saka wala rinnaman ako sa posisyon to talk about it," saad ni Ciara.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ano ang masasabi niya na kahit paano ay nag-improve narin ang relationship ni Sharon sa dati nitong asawa na si Gabby Concepcion?

"I haven't talked to her about that. But no, they're are notnaman in bad terms talaga," sabi ni Ciara.

Nagulat naman si Ciara na pati pala ang mommy niya na siHelen Gamboa ay nadadamay sa isyu. Ayon sa kumakalat na tsismis, ito raw angnag-a-advice kay Sharon na hiwalayan na lang ang asawang si Senator Pangilinan. Ano ang reaksiyon ni Ciara rito?

"Ay, no, no!" mariing tanggi niya. "Hindi po gagawinni Mommy yun. Si Mommy, very supportive. Kung ano ang gusto ni Ate [Sharon],kung ano ang magpapasaya sa kanya, doon lang po talaga si Mama. So, I don'tthink na dapat idamay si Mommy.

"I felt bad that some people made up something like that.Kasi, it's so unfair. Nag-rest lang siya, we kind of have fun, ‘tapos biglangmasama na yun. Parang unfair talaga.

"Kawawa naman ang mama ko. Hindi nga siya kasama sa HongKong, kaming girls lang talaga," giit niya.

CIARA'S LOVE LIFE. Kinumusta rin kay Ciara ang kanyang non-showbiz boyfriend nasi Joe Oconer.

"Masaya, masaya!" bulalas niya. "I'm very blessed. He's notartista and he's a very private person. He's very simple."

Pinag-uusapan na ba nilang dalawa ang kasal?

"Of course, I'm considering; but not now. Maybe longer, liketwo to three years," sabi ni Ciara.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN