Rufa Mae Quinto says long-distance relationship with boyfriend still works

IMAGE 0


"Okey na sa akin ito. Mahirapyung may relasyon ka nga, hindi mo naaalagaan dahil wala ka namang time. Nasapag-uusap at understanding na lang namin ni Bobby yun," says Rufa Mae Quinto about her long-distance relationship with boyfriend Bobby Lopez.



Nilinaw ni Rufa Mae Quinto na friendly date lang daw angnaganap sa kanila ng hunky newcomer na si Jon Avila. Nagsimulang ma-link si Jonkay Rufa Mae nang magsalita si Jon na crush na niya ang sexy comedienne noonpang una niya itong mapanood sa Bubble Gang.

"He's just trying to be nice," nakangiting sabiRufa Mae. "Siyempre, siya ang leading man ko sa movie na ginagawa namin,ang Like A Virgin, at mabuti na lang, may chemistry kami, huh! In fact, noongmagpunta siya sa Guam, pagbalik niya, pinasalubungan niya ako ng importedchocolates. Ang sweet nga! Nahihiya pa nga siya kaya ipinaabot niya sadriver niya."

Napaka-unfair daw na akusahang ginagamit siya ni Jon dahilhindi naman daw nanliligaw ang binata sa kanya.

"Mabuti sana kung anu-ano na yung ginagawa at sinasabiniya, e, tahimik lang naman yung tao sa shooting. Nagsasalita lang naman talagasiya kapag nakakainom, kapag ganyang may bonding ang barkada. Naging kabarkadako talaga siya, kasama ang iba pang nasa cast. Maganda yung nabuo namingsamahan," lahad ni Rufa Mae.

ENJOYING LIFE. Marami tuloy ang nagtataas ng kilay na may pagka-unfaithfuldaw itong si Rufa Mae, lalo na't long distance love affair ang arrangement nilang boyfriend niyang si Bobby Lopez, who's half-American, half-Mexican.

"Hindi naman!" at napabungisngis ang sexycomedienne. "Ini-enjoy ko lang naman ang buhay, ang takbo ng career ko.Kung nariyan ang boys sa paligid ko, well, bonus na lang 'yan. Kailangan langtalaga sa pelikula dahil yun ang istorya.

"Masaya ako, lalo sa career ko, kasi sunud-sunod angginagawa kong movies. Nag-umpisa na kami sa Desperadas 2 habang patapos na kamirito sa Like A Virgin. Ito yung time na nakakaikot ako sa magagaling nadirectors, like Mark Reyes [I.T.A.L.Y.], Wenn Deramas [Apat Dapat, Dapat Apatat Pasukob], Joyce Bernal [Dyesebel], Joel Lamangan [Desperadas 2], at ngayonsi Joey Reyes naman for this movie na pino-produce ko with Viva.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dati kasi, parang nakasarado lang sa Viva yung imageko, yung roles, hanggang nakakagawa na ako sa labas. ‘Tapos, ako na mismo angnakikipag-co-produce," sabi ni Rufa Mae.

STILL WORKING. For now, kahit sabihin pang nali-link sa ibang guys si RufaMae, maayos pa rin daw ang relasyon nila ng boyfriend niyang si BobbyLopez.

"Kahit lagi siyang nasa ibang bansa," tila himutokpa ng aktres. "Pero mas nagwu-work yun dahil kahit nasa Pilipinas siya,hindi naman puwedeng araw-araw ay nagkikita kami. Wala akong time.

"Mabuti na lang, kapag pumupunta siya rito sa Pilipinas,everytime we meet, naka-focus ang time ko for him. Okey na sa akin ito. Mahirapyung may relasyon ka nga, hindi mo naaalagaan dahil wala ka namang time. Nasapag-uusap at understanding na lang namin ni Bobby yun.

"Ayoko na rin kasi ng kaswal ang relasyon. Alam mo yun?Serious ako kapag may relationship. Pero ngayon kasi, hindi na katulad ngayonna todo-work talaga. Ngayon, I see to it na may social obligations din ako.Pero kailangan pa rin ngang mag-work dahil sinusuportahan ko ang family. Although anytime, kung gugustuhin ko, okey naman na magpakasal na rin ako.

"Pero mas gusto ko na muna ang ganito. Kasi hindi kopa naipapatayo ang aking dream house. Hindi ko pa nagagawa 'yan. 'Yan na munaang priority ko," saad ni Rufa Mae.

Wala pang isang taon ang itinatakbo ng relasyon nila niBobby kaya okey pa rin dito ang maghintay para kay Rufa Mae.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN