Angel Locsin explains absence in Folded & Hung fashion show

IMAGE 0


"Wala po talagang iwasang nangyari. Ang arte-arte ko namankung iiwas-iwas pa ako, ako pa ang choosy, e, Claudine Barretto ‘yan," explainsAngel Locsin about her absence at the Folded & Hung anniversary fashionshow last Thursday, October 23.



Iniintriga ang hindi pagsipot ni Angel Locsin sa 10thanniversary fashion show ng Folded & Hung last Thursday, Oct. 23, sa AVenue, Makati City, kung saan ay rumampa ang mga endorsers nito sa pangungunanina Maja Salvador, Joem Bascon at, sa finale, ang paglitaw ni ClaudineBarretto.

Umugong ang alingasngas na nag-iiwasan sina Claudine atAngel at hindi pa rin daw tapos ang away nila, kaya hindi sila puwedeng magsamaat magsabay.

Mariin namang pinabulaanan ito ng magkabilang kampo.

Sa paliwanag ng kampo ni Angel, may schedule ito ng shootingsa Star Cinema kaya hindi nakarating sa fashion show. Matagal na raw nakuha ngStar Cinema ang schedule na ‘yon ni Angel, kaya nasa Subic si Angel para sa shooting ng Land Down Underwith Piolo Pascual.

Ayon naman kay Claudine, nanghihinayang siya na hindi nakarating si Angel, peronaiintindihan naman daw niya na may trabaho ang co-endorser.

Samantala, kaugnay pa rin ng 10th year celebration ngF&H, sinimulan ang fashion week ng clothing brand kahapon, Oct. 24, sa Mallof Asia with another fashion show. Doon ay nakitang rumampa si Angel kasama parin ang F&H co-endorser niyang si Maja Salvador. Pinagkaguluhan ang aktres kayalabinlimang security guards ang umalalay sa kanya.


Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Angel after the fashionshow, nilinaw ng aktres kung bakit wala siya sa Folded & Hung show sa A Venue.

Ani Angel, talagang hindi raw siya kasama sa program noon paman dahil naka-block-off na ang mga date na ito for Australia. Sa mga ganitongpanahon, dapat ay nagsu-shooting na sila ni Piolo Pascual ng movie nilang LandDown Under sa nasabing bansa. Kaya nga nag-video shoot na lang daw siya nasiyang ipinakita sa opening ng fashion show nung gabing iyon. Pero dahildelayed ang kanyang visa at hinihintay pa, tinatapos na lang nila ngayon angilang eksena sa Subic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala raw kinalaman ang dating alitan nila ni Claudine sa hindiniya pagsipot nung Huwebes.

"Okay na po lahat. Matagal na ring naayos and ako po,nirerespeto ko siya. Pareho kaming hindi nagsalita sa issue noon bilang isanglady at hanggang ngayon, ganun pa rin po ang aking stand," saad ni Angel.

"Wala po talagang iwasang nangyari. Ang arte-arte ko namankung iiwas-iwas pa ako, ako pa ang choosy, e, Claudine Barretto ‘yan," dagdagpa niya.

ABOUT LUIS. Nilinaw din ni Angel ang tungkol sa napabalitang breakup otampuhan ng rumored boyfriend niyang si Luis Manzano.

"Siyempre, that time, taga-Bukidnon nga ako. Pero mabaitnaman yung tao. Kung ano kami noon, ganun pa rin kami ngayon," deklara pa niAngel.

Sa first week of November, nakatakda ang alis nina Angel atPiolo for Australia . Target na ipalabas naman ang Land Down Under salast week ng nabanggit na buwan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN