Mark Herras wishes Jennylyn Mercado well on her return to showbiz

IMAGE 0


"Iniisip ko rin na sana nga yung bata ang maging way paramaging okey si Jen, di ba? I mean, marami pa ring naging problema si Jen nasana ‘wag na niyang pansinin. Yung mga problema, sana ‘wag na niyang masyadongisipin. Parang, intindihin na lang niya yung bata," says Mark Herras abouthis ex-girlfriend Jennylyn Mercado.



Ready na si Mark Herras sabalik-tambalan nila ni Jennylyn Marcado. Six weeks lang daw siya sa LunaMystica, and then sisimulan na nila ang Dear Friend at Obra. Walapang kumpirmasyon pero nakaplanong ibigay sa kanilang tambalan ang TV remake ngTinik Sa Dibdib.

Naniniwala si Mark na makakabalik pa si Jen at may karismapa ito sa publiko.

"Natutuwa nga kami sa tao dahil ‘pag kumakanta si Jen, ibapa rin yung tanggap ng tao. Kahit alam nila na may anak na," banggit ni Marknang makapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa pictorial ng kanyang indie moviena Sapi sa Edward dela Cuesta Studio sa Sct. Tuazon, Quezon City.Kasama niya sa shoot sina Aiza Marquez, Stella Peñalosa, Joel Torre, at KeannaReeves. Nakatakda namang ipalabas ang Sapi sa November 5, under the directionof Arnold Argaño.

POSSESSED. Sa mga nakasama niya sa TV at pelikula, sapalagay niya, sino ang may ‘sapi'?

"Si Jen, dati may sapi yun,e! Bigla na lang nagagalit!"birong sagot ni Mark. "Pero at least yung baby niya ngayon ang pinaka-blessingsniya, kaya tumatakip ngayon ang baby niya sa mga problema niya."

Ano ang feeling ngayon na yung dating girlfriend niya ay mayanak na?

"Wala naman po. Pero siyempre, iniisip ko rin na sana ngayung bata ang maging way para maging okey si Jen, di ba? I mean, marami pa ringnaging problema si Jen na sana ‘wag na niyang pansinin. Yung mga problema, sana‘wag na niyang masyadong isipin. Parang, intindihin na lang niya yung bata.

"Kung si Jen meron nang anak, okey lang. Wala naman akongnaiisip na masama," aniya pa.

Nagkita na raw sila ni Jen sa pag-comeback nito sa SOPat nagkumustahan. Okey lang ba kay Mark na maging stepfather ng anak ni Jen?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi pa... Ayaw ko pa maging tatay. He-he-he!

"Malaki na raw, e! Ninong ako puwede, pero maging stepfatherni Jazz, ayaw ko. He-he-he!" nangingising sabi pa niya.

Marami ang nagsasabi na sila pa rin ni Jen angmagkakatuluyan sa ending dahil mahal pa rin nila ang isa't isa.

"Hindi natin alam, kasi iba naman ang takbo ng panahon.Hindi ko naman hawak [ang mangyayari sa future]," saad niya.

GOING BACK TO JEN. Hindi ba sila nagkabalikan ni Jennung nasa Amerika sila bago pumasok sa eksena si Patrick Garcia?

"Kung naging close kami ulit noon, hindi na kami naging kamiofficially. Parang yung kay Lian [Paz of EB Babes] nung magkita kami sa EatBulaga, kumustahan lang pero wala na yung landi," tugon niya.

Paano kung gusto na nila ni Jen na magkabalikan?

"Depende rin po sa situation kung bakit kami naghiwalay.Kung ako ang may kasalanan, may chance pa, e! Kasi ngayon, enjoy pa ako na wala[akong girlfriend], e! Mas masarap! Walang gastos.He-he-he! Sa akin lahat anggastos ko, tipid," natatawa pa niyang pahayag.

KATRINA HALILI. Tinanong din ang naudlot napagkaka-link niya kay Katrina Halili. Sabi raw ni Katrina, hindi niya alam yungM.U. (mutual understanding) stage nila noon.

"Hayaan na natin. Huwag nating pilitin," reaksyon niya.


Friends pa rin naman daw sila ni Kat at special guest nga si Mark sa concertnito sa Metro Bar, West Avenue, QCsa Nov. 15, titled Katrina4 D First Time. Kasama nila angapat na singer-actors na sina Erik Santos, Joross Gamboa, Ronnie Liang at Dr.Hayden Kho.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN