Kris Aquino sacrifices movie career for husband James Yap

IMAGE 0


"I can never be perfect [wife] kasi hirap akongbumangon. Kasi, di ba, sila 'yongnagluluto ng breakfast? So, tina-try kotalaga pero antok na antok talaga ako. Nagsusungit lang naman ako sa table, so huwag na lang, di ba? Hassle lang, hindi ko talaga kaya. Ang hirap, di ba?" says Kris Aquino describing herself as a wife to basketballplayer James Yap.Kris (center) returned to The Buzz yesterday, October 27, with her sons Josh



Kasabay ng pagbabalik ng Queen of Talk na si Kris Aquino sa TheBuzz kahapon, Oktubre 26, isang panibagong segment din ang ipinakilala ngprograma na pinamagatang "Tough Ten." Sa segment naito sampung matitinding tanong ang ibabato sa guest celebrity. Ang pinakaunangisinalang ay ang kontrobersyal na aktor na si Gabby Concepcion.

Sa tough question number five, tinanong ni Kris, "Kung ikawang papipiliin, sino ang gusto mong maging leading lady sa comeback moviemo?"

Nung una ay hindi makapagbigay ng pangalan si Gabby. "Mahirap natanong 'yan. Open naman ako kahitsino," aniya.

Ngunit patuloy naman siyang kinulit ni Kris at sinabi, "Thistime I'm gonna be tough. Sino? Top three para mas madali lang."

Hindi pa rin makasagot si Gabby kung kaya pabiro na lamangnitong sinabi, "Maganda kung makakasama ko sa pelikula 'yong mala-Snow Whiteang dating, fantasy di ba?" Nakasuot ng Snow White na costume si Kris habang ini-interview si Gabby.

Bagamat nagbiro ang returning actor na gusto niyang makasama ang TVhost-actress sa isang pelikula, agad na sinabi ni Kris na malabo na itongmangyari nang makapanayam siya ng entertainment media habang commercial break ang TheBuzz.

"No I can't act kasi ayaw na ni James na umarte [ako]," sabi niKris. "Lahat okay na huwag langmag-taping. Kasi ang late dawnatatapos, e, 7:00 [in the morning], gumigising na siya ng maaga para sapractice, nasisira daw talaga ang tulog, nasisira daw talaga 'yong whatever. You know, you sacrifice. I turned down several [movies] na talaga. Nakakapanghinayang pero ganun talaga."

Dagdag pa niya, "Actually, si Deo [Endrinal,ABS-CBN business unit head] was saying mayroon siyang gustong gawin, pero sigurohuwag na lang para peace, love, and harmony."

Ibig sabihin ba nito na maaring maipasa na sa ibang artista ang kanyangpagiging "Queen of Horror"? Nakailang successful horror movies na rin si Kris, tulad ng FengShui (2004) at Sukob (2006); at ang SineSerye na Patayin saSindak si Barbara (2008).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Anybody can have it," maikling sagot ni Kris.

KRIS OFFENDED BY GABBY? Isa pang tanong na pabirong sinagot ni Gabby ang pangalan niKris ay sa tough question number 8, "Sa mga artista na nakarelasyon mo, sinoang pinakainiyakan mo?"

Nakangising sinabi ni Gabby, "Ito, medyo madali na... Kris...Kris..."

Sumagot naman si Kris ng, "Alam mo, hindi na akomakakabalik dito. Pagbabawalan na akong asawa ko."

Nang makakuha ng pagkakataon ang entertainment media, tinanongni Rey Pumaloy kung bakit parang na-off si Kris sa mga sinagot ni Gabby.


Tugon ni Kris, "You know kasi... Hindi, Tita Ethel [Ramos, talent manager and entertainmentcolumnist], I should not be offended, di ba? Kaso lang, ilang time na niyang ginawa kasi, bawat guesting niya saakin."

Agad naman nilinaw ni Kris na hindi siya na-offend sa nagingasal ni Gabby sa panayam sa kanya sa The Buzz.

"It's not that? Pero parang feeling ko, I'm also a wife,"rason ng showbiz talk show host. Nilalagay ko lang ang sarili ko sa lugar ng misis niya. Kasi parang ang pangit, e. It's bad. Kasi kung ako...

"Tita Ethel, ito I can be proud of, since the time I've beenmarried, you've never heard me mention about my past. I've never made any mention of it, wala, wala talaga. Kasi, respeto 'yon sa asawa ko. So, parang ako, nao-off talaga ako sa mgaganyan. Kasi, alam lahat ng buongmundo, except for my staff sa Boy and Kris na bata sila, na parang‘talaga po?!' So, parang hayaan nalang."

Hindi na rin niya ginawang pigilin pa si Gabby sapagbibiro. Aniya, "No, I don't like,baka sabihin pa niya sa akin, ‘KJ [killjoy] ka.' Quiet na lang ako. 'yonlang, it's just that hindi ko ine-encourage kasi ayaw kong ma-offend ang misisniya at ayaw kong..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy pa niya, "Kasi, iba ang sitwasyon ko, Tita Ethel,[basketball] player ang asawa ko. Ayawko na hinihiyawan siya ng mga kalaban na, ‘Gabby, Gabby.' Kasi, na-experience ko 'yan noon na paumpisapa lang kami, may mga evil people na hinihiyawan siya ng ‘Joey, Joey.'

"So, parang sabi ko talaga, I'll never do anything that willput my husband down in an awkward position. 'Yon lang, kasi parang unfair dahil hindi naman niya nakaraan, nakaraanko. Kaya kung kaya kong i-control, i-control ko na."

"APPRECIATE EACH OTHER." Matapos magpaliwanag ni Kris, tinanong ng siya ng isang reporter,"So, you love James?"

Isang mahabang sagot naman ang ibinigay ni Kris. Aniya, "You know, love is an everydaydecision. 'Yon ang natutunan ko talagana in-agree-han ng mom ko. Kasi, maymga moments talaga na love na love mo, minsan nagkakabwisitan kayo, pero youlearn to appreciate each other talaga.

"And I think 'yong tinuro din sa akin ni Boy [Abunda]talaga, sabi niya, ‘Nobody is perfect Krissy, even you. So, accept mo talaga kung ano kayo for whatyou are and just try your best.'

"All my sisters are still married and I think 'yon angpananaw nila sa buhay. Matagalan silakasi they've learned to accept each other for their quirks and parang hindi kanananapak sa asawa mo."

ON "FRIENDSHIP" AI AI DELAS ALAS. Sa nakaw na panayam ng entertainment mediakay Kris habang umeere ang The Buzz, nahingan din siya ng update tungkolsa kanyang asawa at sa kanyang kaibigan na si Ai Ai delas Alas.

Matatandaan na nagkaroon ng di pagkakaunawan si Ai Ai atJames nang kampihan at ipagtanggol ni Ai Ai si Kris sa kasagsagan ngkontrobersiyang nag-uugnay kay James sa isang empleyado ng isang cosmetic surgery center. Nag-comment si Ai Ai na isoli muna ni Kris ang asawa niya sa nanay nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paiwas namang sumagot si Kris ng, "I don't like to commentkasi mag-aaway lang kami [ni James], so huwag na lang, di ba? It's best talaga to be quiet."

Patuloy pa niya, "Quiet na lang talaga. Halos ikahiwalay na namin, di ba? So, quiet na lang ako talaga. There are certain things that you understandbecause you're a wife and you just keep quiet na lang. And I hope na as a friend she [Ai Ai] willunderstand also.

"Di ba, favorite ko si Joyce Mayer, sinabi niya talaga,'submission'. Submission talaga, e. Hindi naman submissive na parang wala ka nangopinyon. Pero there are things wortharguing about, there are things na dapat manahimik ka na lang. 'Yon talaga, 'yon talaga ang natutunan ko."

Sa palagay ba niya, hindi pa ngayon ang tamang panahon upangmag-usap ang dalawa?

"Alam mo, it's really up to James, kasiwe're women, we'd look at things differently. Iba ang pananaw ng lalaki, so hindi ko talaga alam. And alam mo, ayaw kong talaga na parangthere are certain things na dapat huwag mo nang i-bring up para hindi na langkayo maging awkward pa and all, so hinahayaan mo. Those are the things na you learn with maturity."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN